CHAPTER 02

9.6K 117 2
                                    


Present...

"Damn it!" Napamura si Salvatore at napatingin sa kung sino ang bumangga sa kanya mula sa likuran at nakita niya nga doon ang isang batang lalaki na may bitbit na laruang robot. Dinampot niya din ang nabitawan na helmet at tiningnan ang bata na para bang handa na siyang sermunan. 





"Hala sorry po, sorry po." Mabilis na hingi ng paumanhin ng bata kay Salvatore. Pinunasan niya pa nga ang helmet na nalaglag dahil sa takot na baka nagasgas niya 'yon. 





Napabuntong hininga na lang ang binata dahil alang naman na patulan niya ang isang paslit. Natusok kasi ang likod niya ng hawak nitong laruan kaya nabitawan niya itong helmet niya. "What are you doing here? Nasaan ba ang magulang mo? Bawal ang pakalat-kalat dito sa munisipyo." Sabi niya na lang, nandito siya para ayusin ang papeles ng lupa niya na hindi nabayaran ng halos sampung taon. Babayaran niya kasi ang amilyar niya kaya siya nandito ngayong araw. 





"Nagtitinda po ang Mommy ko ng cookies, sorry po ulit. Babye po!" Magalang na sagot ng bata at tumakbo naman paakyat ng hagdan. 



While Salvatore shook his head, and continue walking where the office he will visit. Tinanghali na siya ng gising dahil pasado alas onse na ng umaga tapos idagdag pa na Biyernes ngayon kaya sana matapos niya ang dapat tapusin niya ngayong araw. He will stay for good here in Philppines kaya pinapaayos niya ngayon ang lupa na nabili niya sampung taon na ang nakakalipas.





   "Thank you po talaga Congressman, nakakahiya man po pero salamat po at inubos niyo 'yong mga binake ko na cookies." Nahihiya kong sabi, ito ang pinagkakakitaan ko at dito kami nabubuhay ng anak kong si Kester. Hinuli ko si Congressman Wilde na puntahan dahil iniisip ko na baka wala siya dito sa munisipyo o hindi kaya naman ay may ginagawa siya na iba. Pero buti na lang at nandito talaga siya kay binili niya 'yong walong box ng cookies na natira. 



"Don't use po to me Joanna, pinapatanda mo naman ako niyan eh. And no worries gusto kasi ng asawa ko ang tinitinda mo kaya para sa kanya ang mga binili kong 'to." Sagot naman ni Wilde.. wala siyang hilig sa matamis at iappasalubong niya lang ito sa asawa niyang si Jesylyn.





"Basta maraming salamat talaga Congressman dahil makakauwi na kami ni Kester." Naiilang na sabi ko, nakakailang naman talaga dahil hindi ako sanay na makipag-usap sa kanya ng walang po. Pero kapag ganito kasi na nagkikita kaming dalawa ay lagi naman niya din talaga sa akin sinasabi na huwag na akong mag-po sa kanya.





"Uuwi ka na ba sa hacienda? Sabihin mo kay Carlos pupunta ako kamo doon mamaya." Dagdag pa ni Wilde, pag ganitong araw ng Biyernes ay nagkikita silang dalawa at parang naka-set na 'yon hindi lang sila kung hindi pati na ang iba pa nilang kaibigan. At madalas nga ay sa hacienda sila ni Carlos nagkikita-kita para makapag-unwind. Dahil kapag araw naman ng Sabado at Linggo ay para 'yon sa kani-kanilang mga pamilya na binuo. 





"Sige po Congressman, I mean sige sasabihin ko kay Kuya Carlos pag-uwi ko mamaya." 





"O siya sige na at baka kung saan-saan na lumusot ang anak mong si Kester." Ani ni Wilde, may kapilyuhan pa naman ang anak nito ni Joana pero natural lang naman ang gano'n lalo pa at anim na taon pa lang naman ito. 





"Opo, ay oo pala sige mauuna na ako. Maraming salamat po talaga." At dali-dali na akong nagpaalam at lumabas sa office ni Congressman. Tama siya dahil siguradong kung saan-saan na din talaga sumuot ang anak ko.





Hinahanap muna ni Joanna ang anak niya, at sa 3rd floor siya ng building ng munisipyo unang naghanap dahil nandoon nga siya. Kilala naman sila ng mga empleyado dito dahil madalas sila talaga ditong mag-ina lalo na kung araw ng Biyernes kagaya ngayon. Sa hacienda Elizondo sila nakatira dahil isa ang mga magulang niya ay trabahador doon at nabigyan ng bahay ng may-ari nito na tinatawag niya ngang Kuya Carlos. At kahit ilang taon na ang nakalipas simula ng mamatay ng maaga ang magulang niya ay hindi na din sila umalis sa hacienda. Kung tutuusin ay hindi na sila dapat doon ni Kester tumira dahil unang-una hindi naman siya nagtatrabaho sa hacienda pero hindi na din kasi siya pinaalis ni Carlos at hinayaan na lang silang mag-ina na tumira doon hanggang ngayon. At siguro naiintindihan nito ang sitwasyon niya bilang isang single parent pero likas naman na kasi kay Carlos ang pagiging matulungin. Pero hindi ibig sabihin na porket libre ang bahay nila ay wala na silang ibang gastusin dahil ang priority niya ngayon ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak niya at ang kanila din na pang-araw-araw. 





"Kester!" Agad ko ngang hinawakan sa braso ang anak ko pagkakita ko sa kanya, kanina pa ako hanap ng hanap sa kanya pero nandito lang pala siya sa ground floor. "Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala." May himig na sermon ang boses ko. Sabik kasi ang anak ko lumabas dahil doon lang naman kami lagi sa hacienda. Oo may mga kalaro siya doon pero iba pa din talaga kapag nakakalabas kami kaya nga kahit kararating lang niya mula sa school kanina ay sinama ko na siya para magtinda nga dito sa munisipyo ng mga ginawa kong cookies. 



"Ubos na po 'yong cookies? Uuwi na po tayo agad?" Tanong ng paslit kahit karirinig niya lang naman  ang sinabi ng kanyang ina. 





"Oo kaya halika ka na at bibili pa ako ng vitamins mo." Sabi ko, buti nga at naubos ngayon ang paninda ko kung hindi masasayang lang ang mga 'yon o kaya kami lang din dalawa ni Kester ang uubos. 



"Okay po, tara na po." Sabi ng bata na kinuha na mula sa upuan ang laruan niyang robot. 





Magkahawak na lumabas ng munisipyo sila Joanna at ang kanyang anak. Masaya talaga siya kapag ganitong nauubos ang mga binake niya pero mamaya pag-uwi ay 'yong tatlong order naman ng cake ang aasikasuhin niya. 





"Hala!" Agad napatago sa likod ni Joana si Kester ng makita ang isang lalaki paglabas nila ng munisipyo. Pasakay na ito sa motor at inaayos lang ang suot na jacket. 



Tiningnan naman ni Salvatore ang narinig niyang nagsalita at nakita niya nga doon ang batang bumangga sa kanya kanina. Pero ngayon ay may kasama naman ito na isang babae. "You again." Sabi niya ng makaharap ang paslit. 



Napakunot noo naman ako dahil hindi ko kilala ang lalaking nasa harapan ko, nakakapit naman ng maigi si Kester sa damit ko habang nasa likuran ko na parang nagtatago. 




"He bump me earlier that's why he knew me." Agad na paliwanag ng binata sa babaeng kaharap lalo pa at kung makatingin ito sa kanya ay para bang isa siyang masamang tao o baka dahil kilala siya nito? "That your son?" Tanong niya pa. 



Hinila ko naman si Kester pero nandoon pa din na parang takot siya sa lalaking nasa harapan namin. 





"Siya po ang Mommy ko, sorry po ulit kanina." Sabi ni Kester at hinila na ang ina para maglakad sila palayo. 





Tinanaw na lang tuloy ni Salvatore ng tingin ang dalawa pero nagtama pa din ang tingin nila ng babae dahil lumingon ito sa gawi niya. At ewan niya kung bakit niya ginawa pero kinawayan niya ito.

 At ewan niya kung bakit niya ginawa pero kinawayan niya ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
M.V series 05 Salvatore De LucaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon