CHAPTER 26

3K 71 10
                                    




Readers na taga Pampanga? Anyone?











Hindi ko maiwasang mamangha na marunong pala talaga si Salvatore sa kusina. Hindi naman kasi lahat ng lalaki ay ganito lalo na ang mga kilala ko. Pero siya ay alam mong may alam talaga at hindi 'yong nanghuhula lang sa lulutuin. He can cooked, at hindi 'yong prito lang kung hindi totoong pagkain talaga ang kaya niyang lutuin. Tulad ngayong tanghalian namin, fish fillet ang niluto niya na may masarap na sauce. At talagang nagustuhan din ng anak ko kasi napadami siya ng kain dahil masarap nga din daw talaga. Hindi si Salvatore ang klase ng tao na pabobongahan ka dahil may pera siya, he's so simple yet very down to earth at isa siguro 'yon sa masasabi kong nagustuhan ko sa kanya. 





"I'm planning to buy a horse, pero hindi ko pa alam kung saan ako makakabili. Okay sana kung dito lang sa Pilipinas para mas mababa kahit papaano ang price." Sabi ni Salvatore habang nagkukuwentuhan silang dalawa ni Joanna. That one of his plan, he really want to own a horse, mas okay sana 'yong may breed para quality ang magiging kabayo niya. Or puwede din naman na mag-breed siya ng kabayo in the long run.





"Talaga? Pareho pala kayo ng hilig ni Kuya Carlos no." Sabi ko naman, kung sa bagay dati nga pala silang magkaibigan. Hindi man malaki itong lupa na pagmamay-ari ni Salvatore ay sapat naman na ito sa kanya kung tutuusin dahil siya lang naman mag-isa. 







Salvatore smiled a little as he remembered those time he was with his friend Carlos. Si Carlos kasi ang nagturo sa kanya mangabayo at doon din niya naisip na sana isang araw ay magkaroon siya ng gano'n. And hopfefully it will really happen one day. "Anyway, hindi ka naman niya siguro kinausap kanina?" Tanong niya, baka kasi kinausap na naman ng hacienderong 'yon si Joanna at pinag-sabihan dahil nagpunta nga siya sa bahay nito kagabi. 







Umiling ako. "Hindi naman, nakita ko siya kaninang nag-iikot at binati din naman niya ako pero hindi naman niya ako kinausap o pinag-sabihan." Sagot ko, siguro naisip na ni Kuya Carlos na wala naman kaming ginagawa ni Salvatore na masama kaya hindi niya na ako pinag-sabihan kanina ng makita niya ako. 





"Nice, buti naman." Sabi ng binata na tumingin pa sa pintuan dahil nandoon sa garahe niya si Kester na nagba-bike. The kid love his gift, panay nga thank you nito sa kanina. With matching kiss pa, at siya naman ay masaya dahil mukhang nakukuha niya na ang loob ng paslit. "Are you not bother about my work when I was in U.S Joanna? Hindi ka ba nahihiya dahil 'yon ang dating trabaho ko?" Tanong niya saka hinawakan ang ilang hibla ng buhok nito at nilaro-laro sa kanyang daliri. 







"H-Ha?"





"Ang tanong ko kung hindi ka ba naba-bother sa naging trabaho ko dati no'ng nasa Amerika pa ako." Muling tanong ni Salvatore, hindi naman niya tinago ang tungkol do'n kay Joanna at kahit itago niya pa nga siguro ay malalaman at malalaman pa din nito ang tungkol doon dahil isa 'yon sa pinag-uusapan dito sa bayan nila. 







"Bakit mo naman biglang natanong ang tungkol diyan?" Napaayos tuloy ako ng upo, magkatabi kasi kami dito sa kulay itim niyang malambot na sofa pero magkaharap kami. 







"Wala lang, it's okay if you don't want to answer my question Joanna, siyempre alam kong kahit ayaw natin ay may makakakita at makakakita pa din sa ating dalawa na magkasama. At ayoko lang na kung anu-ano ang sabihin nila tungkol sa 'yo dahil sa akin."





Tiningnan ko siya, hindi pa nga ako nakaka-move on sa nangyari sa amin tapos tatanungin niya pa ako ng ganito. "Hindi ko iniisip ang tungkol diyan Salvatore kasi parte 'yan ng nakaraan mo. Isa pa wala naman ako ng gawin mo 'yan kaya wala din akong karapatan na mag-komento tungkol diyan."







Hindi tuloy naiwasan ng binata na mapangiti. Sa totoo lang isa ito kung bakit ayaw niyang pumasok sa isang relasyon. Lalo na at pakiramdam niya ay magiging big deal 'yon sa magiging kapareha niya. Not everyone can understand him specially if they found out about his job before. Nandoong puwede siyang husgahan dahil sa dati niyang trabaho lalo pa dito sa Pilipinas na karamihan sa mga Pilipino ay parang normal na ang mang-husga sa kapwa. Kaya nga bago niya pinasok ang gano'ng uri ng trabaho ay talagang pinag-isipan niya ng maigi at hindi lang dahil sa laki ng perang puwede niyang kitain. Alam niyang kailangan niya maging handa mentally dahil maiiba ang pananaw ng tao tungkol sa kanya. At hidi nga siya nagkamali dahil nangyari nga 'yon, pero binabalewala niya lang. As long as wala naman siyang tinatapakan na ibang tao ay bakit niya kailangang isipin ang iba. "Thank you for not judging me, nakakatuwa isipin na may isang tao na hindi ako hinuhusgahan dahil sa dati kong trabaho. At sapat na sa akin 'yon, na may isang tao na hindi ako pagsasalitaan ng hindi maganda dahil sa nakaraan ko."





Ngumiti ako at hinimas ang mukha niya, may manipis siyang balbas at sa totoo lang ay nakakaliti 'yon lalo na kapag nadidikit sa balat ko. "Wala ako sa posisyon para sabihan ka ng hindi maganda sa dati mong trabaho. Sabi nga nila pass is pass at kung ikaw nga ay tinanggap ako kahit pa may anak ako ano pa ba ako para hindi ka tanggapin." 





Nahila tuloy ni Salvatore si Joanna at mabilis na kinintilan ng halik sa noo, he's happy hearing those words from her. Dati sinubukan niya din namang makipag-date noong nasa Amerika pa siya. Pero sa una lang nagiging maganda ang samahan nila ng babae at kapag nalalaman na isa pala siyang porn star ay umaayaw na itong makipagkita sa kanya. They think he's sick, na tipong may nakakahawa siyang sakit na dapat iwasan. N para bang hindi siya ang klase ng lalaki na dapat seryosohin dahil isa lamang siyang pornstar. Pero 'yon ang hindi niya na dapat pang ipaliwanag basta ang alam niya sa sarili ay wala siyang sakit na maaaring makahawa sa ibang tao. At lalong wala siyang ginagawang masama. "Salamat at sana hindi magbago 'yang pananaw mo na 'yan sa akin."







Ngumiti ako ulit. "S-Sa totoo lang ng sabihin mo at malaman ko ang trabaho mo ay nagkaroon ako ng curiosity kung ano ba ang ginagawa mo. Oo alam ko ang ibig sabihin ng trabaho mo pero.." Napakagat na ako ng labi, wala naman sigurong problema kung sabihin ko na nakapanood ako ng ilang video niya diba?





"You mean?" Hindi na maituloy ni Salvatore ang tanong lalo pa at mero'n na siya agad naisip kung ano ba ang sinasabi ni Joanna sa kanya. 





"O-Oo, nakapanood ako ng video mo pero hindi ko tinapos." Pag-amin ko na pero mukhang hindi niya inaasahan 'yon dahil napahilamos pa siya ng mukha. 


Dm me on my fb page how to join!

Dm me on my fb page how to join!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
M.V series 05 Salvatore De LucaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon