CHAPTER 05

6.9K 126 5
                                    




Pre order of M.V series 01 and 02 is still on going. Dm me on my fb page for inquiries!





Napatayo na lang si Joanna sa gilid ng kalsada habang nakatingin sa electric bike niya, paano ba naman huminto ito habang minamaneho niya. Papunta pa naman siya ngayon sa eskwelahan ng anak niyang si Kester para sunduin ito, pero paano na kapag ganito na yaw nga umandar kahit naka-ilang beses na siyang subok na paandarin ito?





Samantalang palabas naman si Salvatore sa kanyang Casa, he called his property Casa Luca instead of other term or name. Hindi naman niya kasi ito puwedeng tawagin na hacienda dahil limang ektarya lang naman din ang lupang ito. Still his place is something he can live for good, dahil dito niya din talaga sa Colores balak mag-retire. Pero hindi pa siya nakakalayo ay nakita niya ang babaeng nagdala ng cake noong isang Linggo sa tauhan niya at sa itsura nito ay alam na niya agad na nasiraan ito. Kaya naman hininto niya ang kanyang sasakyan na pick up dahil baka may maitulong siya. 



   "I-Ikaw pala.." Hindi ko inaasahan na siya pala ang bababa sa sasakyan, siya 'yong lalaki na dating kaibigan ni Kuya Carlos at siya din 'yong pornstar!





"Nasiraan ka? I can help you if you want." Ani ni Salvatore na tiningnan ang electric bike ng babae. Hindi naman siya nagmamadali kaya puwede niya naman itong tulungan. 





"Oo nasira eh, bigla na lang akong huminto. Kaso hindi ko alam kung bakit at ano ba ang sira niya." Nahihiya ko pang sabi, hindi naman kasi ako maalam sa ganito pero unti-unti naman akong natututo. Ang gusto ko lang kasi talaga ay may magamit kapag nagde-deliver ako ng mga cakes at pati na sa pagsundo ng anak ko. Pero kapg ganito na ay wala na akong alam sa ganito. 





Sinubukan naman ni Salvatore paandarin ang electric bike ni Joanna, nakasuksok pa din kasi ang susi no'n doon. Pero gano'n nga at hindi nga talaga gumagana ang makina. "Hindi ba 'to lowbat? De charge ang ganito right?" Tanong niya, alam niyang mumurahing klase lang ang ganito at hindi din ito katulad ng ibang electric bike sa abroad na magtatagal kahit papaano. The price of this kind of electric bike is cheap, kaya patok na patok sa mga Pinoy ay dahil mura nga. But in the long run ay sirain talaga ang ganito at mapapagastos ka sa maintenance. At natural alam niya dahil isa siyang motorcycle enthusiast. Kaya para sa kanya ay isang malaking HINDI ang pagbili o pagkakaroon nito. But siyempre kung ito lang talaga ang afford ng bumili ay okay na din na pang-service. 





"Full charge naman 'yan kaso hindi ko talaga alam kung bakit ayaw umandar." Sabi ko at tumingin ulit sa suot kong rilo. Kalahating oras pa naman bago ang uwian ni Kester at talagang inaagahan ko lang ang pagpunta sa school dahil baka lumabas siya agad kahit wala pa ako doon. 



"Puwede sana nating tingnan ito pero kasi naalala ko na wala pala akong tools na dala dahil kakalinis lang nitong sasakyan ko kanina." Sabi ni Salvatore, naalala niyang inalis niya pala kanina lahat ng mga gamit sa pick-up niya ng linisan niya nga kaya kahit marunong siya tumingin ng motor ay hindi niya naman ito maaayos kasi wala siyang gamit. 





"Ayos lang, magta-tricycle na lang ako." At kinuha ko na ang maliit kong bag sa compartment ng electric bike ko. Hindi naman 'to mawawala dito kahit iwan ko sandali. Basta ang importante ngayon ay masundo ko muna ang anak ko. Babalikan ko na lang ito mamaya at magsasama na lang ako ng mag-aayos.





"Saan ka ba pupunta? Sumabay ka na sa akin." Pagpapaunlak ni Salvatore, magpapa-gasolina kasi siya ng sasakyan niya at puwede niya ngang isabay itong si Joanna kung sa bayan ito pupunta. 



Napatingin naman ako sa kanya, ako isasabay niya? Hindi ba parang delikado? "Naku hindi na, magta-tricycle na lang ako at mukhang may lakad ka pa." Pagtanggi ko, baka mamaya kasi ay may makakita na kilala ako tapos makita nga na kasama ko siya ay ma-tsismis pa kami. Mahirap na ang gano'n lalo pa at hindi maganda ang image niya dito sa amin. 





"Hindi ako masamang tao, kaya sumabay ka na sa akin dahil papunta din naman ako sa bayan." Sabi pa ng binata. 





At kahit hindi sigurado ay sumakay na lang din si Joanna sa sasakyan ni Salvatore. Ayaw niya namang isipin nito na nag-iinarte siya samantalang ito na nga ang nag-alok sa kanya na tulungan siya at isabay. 





Habang nagmamaneho ay hindi naman maiwasan ni Salvatore na huwag sulyapan ang babaeng katabi niya sa rear view mirror ng sasakyan. Sa unahan ito ng sasakyan umupo kaya magkatabi sila. 





"Sa hacienda Elizondo ka pala nakatira." Pag-uumpisa ng binata na makipag-usap. 





"Ah oo, doon nga ako nakatira." Tipid kong sabi dahil naiilang talaga ako. 





"I see, kilala ko si Carlos. Kilalang-kilala." Dagdag pa ng binata. 





Doon naman ako napatingin sa kanya, para kasing may iba siyang ibig sabihin sa sinabi niya. 





"Anyway saan ka ba pupunta at mukhang nagmamadali ka?" Muling tanong ni Salvatore, dahil nalaman niya nga na sa hacienda ni Carlos ito nakatira ay alam niya din na kilala ito ni Joanna. Dalawang buwan na siya buhat makauwi dito sa Pilipinas galing America pero hindi pa din niya nakakausap si Carlos, alam niyang may hindi sila pagkakaunawaan ng kaibigan at natural na gusto niyang ayusin ang ano mang gusot na mero'n sila. Pero ng minsan makita niya ito ay hindi naman siya nabigyan ng pagkakataon na makausap ito dahil umiwas ito sa kanya no'ng kakausapin sana niya. At sana pag nagkita sila ulit ay magkaroon na siya ng pagkakataon na makausap nga ito.





"Susunduin ko ang anak ko sa school, 'y-yong batang nakita mo sa munisipyo." 





"Ah okay, what his name again?"





"K-Kester, siya si Kester." Sagot ko naman. 



"Hmmnn.. eh bakit ikaw ang magsusundo? I mean nasaan ang asawa mo? Ang tatay ni Kester?" Balik na tanong ulit ni Salvatore. He just want to start a conversation with her specially he knew he's getting shy towards him.





Napahawak ako sa bag ko, hindi naman siya ang unang nagtanong sa akin kung nasaan ang ama ni Kester pero bakit ganito? Bakit parang kakaiba ang pakiramdam ko ng siya na ang magtanong. "W-Wala akong asawa, mag-isa ko lang din pinapalaki ang anak ko." Mahina kong sabi. 





Doon naman tiningnan ni Salvatore ang katabi at ng magtama ang tingin nila ay.. "Seryoso? Wala kang asawa?" Parang hindi siya makapaniwala.





Tumango naman ako, teka bakit parang masaya pa siya sa sagot ko? "Oo, ako na ang nagpalaki sa anak ko simula ng dalawang taon pa lang siya." Kuwento ko, hindi ko naman nililihim ang tungkol sa aming mag-ina kapag may nagtatanong ng ganito sa akin. 





Pigil naman na huwag mapangiti ng binata, bakit ba siya masaya sa sagot nito? Hindi ba dapat ay malungkot siya dahil sa nalaman niya? Alam niyang mahirap maging magulang lalo na kung mag-isa ka lang nagtataguyod ng anak. Kaya nga din siya ay walang balak mag-asawa o magkaroon ng anak eh, dahil para sa kanya ay hindi niya kaya ang gano'ng klaseng responsibilidad. "I'm sorry to hear that, akala ko kasi ay may asawa ka na." Sabi niya na lang dito. 





"Ayos lang, wala namang masama sa tanong mo." Nakangiti kong sabi sa kanya, wala namang kasi talagang dapat ipag-sorry sa tanong niya at lalong wala naman nakaka-offend sa tanong niya. 





Hinatid ni Salvatore Joanna sa mismong pupuntahan nito, nauna kasi siyang nakapagpa-gasolina ng may madaanan silang gasoline station at dahil ito ang naghintay sa kanya ay hinatid na niya din ito mismo sa eskwelahan ng anak nito. Pero mukhang hindi lang basta paghatid ang gagawin niya dahil hinintay niya ito lumabas kahit nakapag-paalam naman na siya na uuwi na.  

#Maribelatentastories

M.V series 05 Salvatore De LucaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon