Hindi halos nakatulog si Salvatore pag-uwi niya sa Casa Luca, hindi niya sukat akalain ang nalaman tungkol kay Joanna. Pero kahit hindi pa sila magkasundo ni Carlos at alam niyang galit pa ito sa kanya ay alam din niyang hindi ito ang tipo ng tao na magsisinungaling o gagawa ng kuwento. Lalo na ang gano'ng klase at kaseryoso na bagay. He can't believed what he said to him, that Joanna was a raped victim and her son was the fruit of that.
Ang isang Joanna na nakilala niyang masayahin at very approachable ay dumaan pala sa gano'ng klaseng buhay. Hindi naman na sa kanya kinuwento ni Carlos kung sino ba ang gumawa no'n dito o kung taga saan ba 'yon. Pero parang nag-iba ang pananaw niya ngayon patungkol kay Joanna mismo. Mas tumaas ang respeto niya sa babae, dahil ang alam niya karamihan sa mga raped victim ay pinapa-abort ang naging bunga no'n. Pero sa kaso ni Joanna ay hindi nito 'yon ginawa kaya naman alam niyang mabuti talaga itong klaseng babae.
He looked at her on social media, may nakita man siyang profile nito sa Facebook ay naka-private naman 'yon at hindi puwedeng i-add. He's getting curious, uminom siya ng alak pagkauwi ng bahay niya habang naghahanap ng social media nito pero wala naman siyang nakita, maski nga sa Google ay naghanap din siya ng balita tungkol sa nangyari pero wala din. Kaya ang curiosity niya ay parang mas lumaki ng lumaki, na gusto niyang mas makilala pa ito ng malalim.
Hacienda Elizondo..
"Hindi ko akalain na magagawa mo akong sawayin Joanna, kinausap na kita diba? Ang sabi ko sa 'yo ay huwag kang makipag-lapit sa taong 'yon. Pero hindi mo naman ako sinunod." Nandon ang tono ng boses ni Carlos na para bang nanenermon. Hindi naman siya galit pero isa sa unang ginawa niya pagkagising ay ang ipatawag ito para makausap. Hindi niya puwedeng balewalain ito dahil wala ng iba pang kapamilya si Joanna at siya na ang halos tumayong nakakatandang kapatid nito simula ng mamatay ang mga magulang nito.
"E Kuya Carlos wala naman kaming ginagawang masama, isa pa mukhang okay naman siya kausap at magkaibigan lang naman kami ni Salvatore. Inimbitahan niya lang kami kagabi dahil nga birthday niya, at sa maniwala ka at hindi kami lang ni Kester ang bisita niya." Sabi ko naman, kung naging pari siguro si Kuya Carlos ay isa ito sa mauunang mag-misa. Paano ba naman kahit uminom siya kagabi ay ang aga pa din niya talaga nagising ngayon. Alas siyete pa lang pero heto at tama nga ang iniisip ko na sesermunan niya ako dahil pinatawag niya nga ako.
"Mukhang okay? Pero ako na nga ang nagsasabi sa 'yo na layuan mo siya diba? Hindi siya magiging magandang ehemplo sa 'yo."
"Alam ko naman Kuya na may hindi kayo pinagkakaunawaan na dalawa pero sana huwag mo naman akong isali doon. Oo dati ng taga dito sa atin si Salvatore pero alam mo bang nangangapa siya ulit dahil sa dami daw na pinagbago dito sa Colores. Kaya kapag may tinatanong siya kung saan ba 'yong ganito o 'yong ganyan ay sinasabi ko sa kanya. Isa pa kilala mo naman siya diba? At alam din niya na kilala mo ako kaya siguro naman ay hindi 'yon mag-iisip ng masama." Paliwanag ko, hindi ko alam kung nag-usap ba sila kagabi ulit na dalawa no'ng umuwi na si Salvatore, at kung nag-usap man sila ay hindi ko alam kung ano ba ang pinag-usapan nila.
"At hindi mo kailangang gawin 'yon Joanna, alam kong alam mo kung ano ang trabaho niya no'ng nasa Amerika siya. At bilang tinuturing mo ng Kuya ay sana naman makinig ka sa akin. Ayokong may gawin siyang hindi maganda sa 'yo at lalong ayoko na mapahamak ka." Ani ni Carlos dito.
"P-Pero Kuya gano'n ka ba talaga kagalit sa kanya para hindi mo siya patawarin? Na sobrang bigat ba talaga ng ginawa niya kaya galit ka pa din sa kanya hanggang ngayon. Oo sabi mo dati sa akin, puwedeng magpatawad pero hindi ibig sabihin no'n ay puwede mo ng kalimutan ang kung ano mang ginawa sa 'yo ng isang tao. Kasi Kuya hindi ko naman narinig kay Salvatore na galit siya sa 'yo o nagsabi man lang ng hindi maganda patungkol sa 'yo. Hindi man niya sabihin sa akin ng buo ang kung ano mang alitan niyong dalawa ay ramdam ko na kapag pinag-uusapan ka namin ay nandoon 'yong pagka-miss niya sa 'yo bilang isang kaibigan. Kaya sana naman maging okay na kayong dalawa."
Napabuntong hininga ng malalim si Carlos saka ininom ang kape na nasa lamesita. Sinasabi na nga ba at pinag-uusapan siya nitong dalawa. Pero handa na ba niyang patawarin si Salvatore? Na hindi niya maiwasang magkimkim ng galit dito dahil umalis ito ng Colores at hindi sinunod ang payo niya? At oo alam niyang kaarawan nito kahapon dahil siya lang naman noon ang lagi nitong kasama para ipagdiwang ang birthday nito. Pero ang marinig na wala man lang pala itong bisita maliban kay Joanna at anak nito kagabi ay parang naawa siya. Pero para saan? Salvatore was the one who made him like this kaya hindi siya dapat makaramdam ng awa.
"Bahala ka, basta ito lang ang tandaan mo Joanna. Hindi ako nagkulang ng payo sa 'yo. Kaya huwag na huwag kang magpapakita sa akin na umiiyak dahil sa lalaking 'yon." Sabi niya na lang, kilala niya si Salvatore at alam niyang may kakayahan itong magpaiyak ng babae pero hindi hindi ito ang klase ng lalaki na mananakit ng pisikal.
Napalabi na lang ako, mamaya sundin ko ang sinabi ni Kuya Carlos tapos hindi niya na ako kausapin eh. Siyempre hindi naman puwede 'yon no! Kaya naman nilapitan ko na siya. "Pero hindi ka naman ba Kuya magagalit kung makikipag-kaibigan pa din ako sa kanya? Baka kasi mamaya paalisin mo kami ni Kester dito sa hacienda eh." Mabuti ng magtanong dahil baka mamaya ay kung saan kami pulutin na dalawa ng anak ko.
Carlos shook his head. "Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa akin? tsk, tsk multuhin ka sana ng tatay mo sa katigasan ng ulo mo."
"Kuya!" Sabi ko naman, bakit pati si tatay ay nadamay?
"Gaya ng sabi mo kanina hindi ko nga dapat ikaw sinasali sa kung ano mang galit ko sa Salvatore na 'yon. Kaya sabi ko bahala ka kung anong gusto mong gawin. Ang akin lang, matagal siyang nawala dito. At kung magkaibigan man kami dati ay hindi ibig sabihin no'n na hindi na siya nagbago. Alam mo ang Amerika, masyadong makabago ang bansang 'yon. Puwedeng umiba ang ugali niya habang naroon siya at puwede din magagandang katangian lang ang ipinapakita niya sa 'yo dahil gusto ka niya."
"Hindi naman ako nag-iisip na masama siyang tao, hindi din naman kami laging nagkikita na dalawa. Pero salamat pa din Kuya at hindi ka galit sa akin. Alam ko din naman na nag-aalala ka lang kaya ganito ka magsalita. At sana, malaking sana na magkaayos na kayong dalawa." Nakangiti kong sabi saka kinurot ang pisngi niya.
BINABASA MO ANG
M.V series 05 Salvatore De Luca
RomansaSalvatore De Luca and Joanna Lumanog stories🖤