"Okay ka lang po Mama?"
"A-Anak.." 'Yon ang nagpabalik sa pag-iisip ko kaya naman nginitian ko ang anak kong naglalaro sa maliit naming sala ng mga roblox niyang laruan. "Okay lang si Mama, maglaro ka lang diyan." Sabi ko pa at dinampot na ang icing na ilalagay ko sa ginagawa kong cake. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto na ako nakatulala para mapansin ni Kester na wala na ako sa focus ng ginagawa kong cake.
"Kanina ka pa po nakatulala." Sabi pa ng paslit.
Ngumiti lang ako ulit, gano'n ba ka-obvious ang pagkatulala ko para mapansin pa ng anak ko 'yon? Pero kasi sino ba namang hindi mapapatulala, naalala ko pa din 'yong nangyari sa amin kahapon ni Salvatore sa ilog. At sa katunayan nga ay hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip tungkol doon. Parang hindi pa din kapani-paniwala na may nangyari nga talaga sa amin, pero mero'n talaga. As in mero'n. "Maglaro ka lang diyan Kester at ako na lang ang mag-dedeliver nitong cake na inorder sa akin., hindi na kita isasama okay?" Sabi ko sa anak ko, sa bayan ko kasi 'to dadalhin at buti na lang tapos na din. Alas kuwatro kasi ito pinapadala ng nag-order at alas tres pasado na din ng hapon. Kapag sinama ko pa kasi ang anak ko ay tiyak na magtuturo na naman ito doon.
"Sige po, dito lang ako maglalaro." Ani ni Kester na naging busy na sa pagbuo ng laruan niya.
Nakahinga ng maluwag si Joanna ng hindi niya makita ang sasakyan ng Kuya Carlos niya pagdaan niya sa bahay nito. Baka kasi kapag nakita siya nito ay tawagin din na naman siya nito at tanungin tungkol kay Salvatore. Ano na lang ang isasagot niya? Na may nangyari na sa kanilang dalawa? Kaya diniretso niya na ang pagda-drive ng electric bike niya, uuwi din kasi siya agad lalo pa at sa bahay lang nila niya iniwan ang anak niya. Naglalaro naman ito at kung lalabas ay tiyak na sa kapitbahay lang nila ito pupunta.
Samantala tumulong naman si Salvatore sa mano-manong pagdilig ng mga gulay na pinatanim niya noong nakaraan. Kailangan daw ay mano-mano muna itong gawin para hindi malunod ang mga gulay sa tubig, kapag hindi kasi ganito ang gagawin ay may posibilidad na malunod at hindi maging maganda ang gulay kapag lumalaki na. He's happy, parang ang gaan nga ng pakiramdam niya simula pa kahapon dahil sa wakas ay naangkin niya na ito at mamayang gabi ay balak niyang puntahan si Joanna sa bahay nito sa hacienda Elizondo para pasyalan. Kung bakit kasi hindi man lang niya hiningi ang cellphone number nito eh.
"Ano na namang ginagawa mo dito? Gabi na at bawal na ang mga taga labas dito sa hacienda ko." Puno ng kaseryosohan ang boses na sabi ni Carlos na hindi man lang bumaba sa sinasakyan niyang kabayo na si Bagwis. Tanda na niya ang sasakyan ni Salvatore kaya malayo pa lang ay alam niyang ito ang pumasok dito sa hacienda niya. Madilim-dilim na dahil pasado alas sais na din ng gabi. Pabalik na siya sa kuwadra mula sa pag-iikot ng makita niya nga na may paparating na sasakyan.
"Gandang gabi Carlos, pupuntahan ko lang si Joanna." Sagot ng binata, wala mang magulang si Joanna na puwedeng ilagan niya o iwasan ay mero'n naman itong Kuya Carlos na laging sumusulpot. Well he don't mind it, as long as they are casual if they see each other. Saka hindi naman siguro sila magpapang-abot na dalawa kung sakali.
Nag-isang linya agad ang kilay ni Carlos. "Walang maganda sa gabi kung ikaw ang makikita ko na nandito sa hacienda ko De Luca." Wala ng prenong sabi niya dito, napansin niya pa ang pumpon ng bulaklak sa tabing upuan nito dahil nakabukas naman ang bintana ng sasakyan. At may dalawang naka-paper bag din. At natural bilang lalaki alam niyang aakyat 'to ng ligaw.
"Nagiging masungit ka na Carlos samantalang hindi ka naman ganyan dati." Sabi ni Salvatore, siguro kailangan niyang sakyan ang pag-susungit nito sa kanya dahil baka pareho silang maging mukhang matanda kung pareho silang gaganito. "Isa pa wala naman akong gagawin na masama kay Joanna gaya ng iniisip mo. Malinis ang hangarin ko so wala ka dapat ipag-alala." Dagdag niya pa.
"Siguraduhin mo lang dahil oras na may hindi ka lang talaga ginawang hindi maganda kay Joanna ay malawak itong hacienda ko kung saan kita ibabaon para maging pataba ng mga pananim ko." 'Yon lang at saka hinila na ni Carlos ang tali ng kabayo niya para tumakbo na ito.
Napangiti na lang si Salvatore at nagmaneho na tuloy ulit. Talagang uulit-ulitin sa kanya ni Carlos na huwag niyang sasaktan si Joanna. Pwes uulit-ulitin niya din sabihin na hindi niya 'yon gagawin.
Gulat ang mababakas sa mukha ni Joanna ng makita niya kung sino ba ang nakatayo sa labas ng bahay niya pero maya-maya ay hinila niya din ito agad papasok sa bahay niya.
"A-Anong ginagawa mo dito? B-Bakit nandito ka?" Tanong ko, my God baka nakita siya ni Kya Carlos at baka ipatawag na naman ako no'n bukas!
"Dinadalaw ka, kayo ng anak mo." Ani ni Salvatore at saka inabot dito ang bitbit niyang bulaklak at dalawang paper bag. Hindi yata nito napansin na may dala siya dahil sa mukha niya lang ito nakatingin kanina.
"S-Salamat." Doon ko lang napansin ang rose na dala-dala niya at talagang nakaayos pa. "Dito tayo sa loob." Sabi ko.
Kinawayan ni Salvatore ang anak ni Joanna na si Kester, mukhang maghahapunan pa lang ang mag-ina ngayon.
"Mamaya na kita tatanungin, sumabay ka na sa amin mag-hapunan." Sabi ko pagkatapos kong ilapag ang binigay niya sa maliit na lamesita sa sala namin. "Kester n-nandito si S-Salvatore, kilala mo siya diba?" Ngayon nagkaroon pa tuloy ako ng isipin kung paano ko ipapaliwanag sa anak ko kung bakit nandito siya at anong ginagawa niya dito.
"H-Hello po." Bati ni Kester. "Nanliligaw ka po sa Mama ko?"
"Kester!"
"Joanna.."
Sabay na sabi nila Salvatore at Joanna sa tanong ng bata.
BINABASA MO ANG
M.V series 05 Salvatore De Luca
RomanceSalvatore De Luca and Joanna Lumanog stories🖤