Hindi halos malaman ni Joanna kung paanong iwas ba ang gagawin niya ngayong dalawa na sila ni Salvatore sa tubig. Pero napahawak na lang siya sa matipuno nitong braso dahil hindi naman niya alam na hihilahin siya nito sa tubig. At ngayon nga ay pareho na talaga silang basa na dalawa.
"Ang salbahe mo!" Sabi ko sa kanya pagkatapos kong makalanghap ng hangin pero ang loko ay tatawa-tawa lang na nakatingin sa akin.
"I miss this, mas masaya kasi na may kasama sa pag-ligo dito sa ilog." Ani ni Salvatore na hawak naman ng mabuti si Joanna sa beywang nito. They are already wet, silang dalawa ay basang-basa na talaga ngayon. He can't helped it but to showed his naughty side to her.
"Pero hindi pa ako tapos maglaba saka baka mamaya ay may makakita sa atin dito, tiyak na malalagot tayo kay Kuya Carlos." 'Yon talaga ang naisip ko lalo pa at hindi naman siya taga dito sa hacienda tapos magkagalit pa din naman sila at hindi pa magkasundo. Siguradong sermon na naman ang matatanggap ko kay Kuya Carlos pag-nagkataon!
"It's okay, handa naman akong kagalitan ni Carlos, but what is important were together now." At saka dinala pa lalo ng binata si Joanna sa may malalim na parte ng ilog. Wala naman agad sa kanilang makakakita dito dahil maraming malalaking bato ang nakaharang. Unless na sadyain sila ay doon sila puwedeng makita na dalawa.
Napailing na lang ako, ang galing talaga ng lalaking ito. Samantalang kanina ay napaka-seryoso ng pinag-uusapan namin tapos biglang ganito naman ang ginawa. Bumitaw na ako sa pagkakahawak ko sa kanya dahil marunong naman akong lumangoy at kabisado ko din itong ilog. "You're different, kanina ang seryoso mo tapos bigla mo na lang akong hinila dito." Sabi ko pa, kung ikukumpara ko siya kay Kuya Carlos ay malayo talaga ang ugali nila sa isa't-isa. Siya kasi ay may pagka-pilyo pala tapos si Kuya Carlos naman ay seryosong tao.
He gave her a smile before he plunged his self into the water. Malamig-lamig ang tubig kaya naman ang sarap sa pakiramdam. Parang talo pa nga nito ang cold shower sa banyo niya eh, and at least dito running water at alam niyang malinis talaga. "I am, gusto ko lang ibahin 'yong mood kanina dahil alam kong hindi maganda ang tinanong ko sa 'yo at masyadong personal pa."
Hindi maganda? Talagang hindi maganda dahil nabigla din ako na alam niya ang tungkol sa nangyari sa akin. Pero isa 'yong parte ng pagkatao ko na hindi naman puwedeng itago habambuhay at may darating talaga na taong magtatanong at magtatanong tungkol doon. "At 'yon na sana ang huling pag-uusap natin tungkol do'n Salvatore. A-Ayoko na kasi siyang maalala pa sa totoo lang." Sabi ko, kasi the more na nauungkat ang tungkol doon ay the more na bumabalik ang alaala ng nangyari sa akin noon. At natural ayoko ng isipin pa ang tungkol do'n, ayoko ng maalala kung paano isang gabi ako nilaspatangan ng isang lalaki.
"I know and I understand." Tipid na sabi ni Salvatore at saka biglang sinabuyan ng tubig sa mukha si Joanna. Actually he don't know what to say to her, ang dami niya pa sanang gustong malaman pero alam niyang hindi magiging maganda kung mag-uungkat pa siya tungkol sa kung ano mang masamang nangyari kay Joanna noon.
Aba't loko talaga, lumangoy na lang ako palayo sa kanya dahil may tatapusin pa akong labahan ko at hindi naman pag-ligo ang pinunta ko dito. Para siyang isang bata na nakahanp ng kalaro, malaking bata!
Pero sinundan naman siya ni Salvatore at ng maabutan nga si Joanna ay hinawakan niya agad ang braso nito. Alam niya kasing babalik na ito sa tabi ng ilog pero masaya pa kasi sila dito sa tubig.
"Ano? Ikaw na lang ang maligo, magbabanlaw pa ako." Sabi ko ng lingunin ko siya. Sa susunod mag-iingat na talaga ako kung sakaling dito kami sa ilog magkita na dalawa. At aalahanin ko itong ginawa niyang paghila sa akin.
Salvatore looked at her, he even took a deep breathe before he speak. "I-I don't know if this is the right time but can I kiss you Joanna?"
Napatitig tuloy ako sa kanya, a-ano daw?
At hindi na nga hinintay pa ni Salvatore ang sagot ni Joanna dahil hinila niya ito ulit at saka hinalikan sa labi. But this time he kiss her for real, at hindi na lang basta idinampi ang labi niya dito kung hindi isang totoong halik na talaga.
At dahil hindi ko inaasahan ang ginawa niya ay hindi ko pa alam kung ano ba ang gagawin ko. But the way he kissing me is so gentle, at ng maibuka ko ang bibig ko ay ginawa naman niyang 'yon chance para ipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko.
Salvatore use his other hand to swim while still kissing her. Talagang nagawa niyang mapunta silang dalawa sa may batuhan at doon ito isinandal.
"S-Salvatore.." Hindi ko malaman kung normal pa ba ang pagtibok ng puso ko pero ang bilis-bilis talaga no'n. Pero para saan ang halik na ginawa niya? Gusto niya ba ako? O naaawa siya dahil sa nalaman niyang nangyari sa akin? O baka naman totoo ang sinasabi ni Kuya Carlos kaya pinapaiwas niya ako dito sa kaibigan niya!
"Walang ibang dahilan kung bakit gusto kitang halikan Joanna." Sabi ng binata na sinapo naman ang maliit na pisngi nito at saka muling hinalikan sa labi. "I just want to kissed you that's it." Sabi niya pagkatapos.
Tinulak ko naman siya, anong gusto niya lang ako halikan na walang dahilan? Hindi puwede 'yon no! "M-mali 'yon, hindi ka dapat basta nanghahalik dahil sa sinabi mong gusto mo lang." Aba wala nga kaming relasyon na dalawa tapos bigla-bigla na lang siyang manghahalik? Ano siya sinuswerte?
"Then sasabihin ko ngayon na gusto kita kaya ko ginawa 'yon." Mabilis pa sa alas kuwatro na sabi ni Salvatore. Paano ba naman nag-isang linya na ang kilay ni Joanna at para bang handa na itong mag-sungit sa kanya. "I like you Joanna Lumanog so puwede na ba kita ulit halikan?" Tanong niya pero kagaya kanina ay hindi na niya hinintay ang sagot nito.
"Salvatore!" At natawag ko na lang ang pangalan niya ulit bago niya ako ulit hinalikan.
3 days left, read this stories with 50% off! Dm me on my fb page to join!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.