"Wag ka ng umiyak, I'm fine, okay lang ako Joanna." Pagtatahan ni Salvatore dito habang nakaupo ito sa tabi niya at hawak naman niya ang kamay nito. She's crying ad he know her care towards him is so genuine and real. Pati nga mata nito kanina ay animo'y ngumingiti ng makita siyang may malay na. At alam niyang ito ang hinihintay nito.
"Pinag-alala mo naman kasi talaga ako, at kung alam mo lang kung gaano ako kakaba sa nangyari sa 'yo ay maiintindihan mo siguro ang sinasabi ko." Sabi ko sabay punas ng pisngi ko na may luha. Makalipas ang walong oras na paghihintay ko ay nagising na din siya, nailipat na din siya ng kuwarto kung saan nandito nga kami ngayon. Kuya Carlos already leave since last night, pero pinadalhan naman niya ako kay Jimuel ng damit na pamalit. At tungkol naman sa anak kong si Kester ay sila Kuya Carlos din at ang asawa nitong si Misty ang nag-aalaga muna.
"But you don't need to worry to much Joanna, daplis lang naman ang nangyari sa akin eh. Saka tingnan mo nga malakas ako ano." Sabi pa ni Salvatore na talagang tinaas pa ang braso para ipakita dito ang muscle niya. Pero sa totoo lang ay gusto niyang pagaanin ang nararamdaman nito ngayon. Nagising siya na nandito sa ospital at nandito din itong si Joanna sa tabi niya. At buti na lang talaga alerto ito at pinuntahan siya kagabi dahil kung hindi malamang sa malamang ay nilalangaw na siya ngayon sa bahay niya dahil walang nakakaalam sa nangyari sa kanya.
"Pasalamat na lang din talaga tayo at hindi pa nakalayo ang gumawa sa 'yo nito, at wag kang papayag na mauwi sa sorry lang ang lahat ha." Talagang hindi pa nakakalayo sa bahay niya ang bumaril sa kanya kagabi dahil nagtago pala 'yon sa kulungan ng kabayo. Pero pasalamat na lang din sa tauhan ni Kuya Carlos na hindi din basta tumigil sa paghahanap sa paligid ng bahay ni Salvatore kung hindi tiyak na hindi mahuhuli ang gumawa nito sa kanya. Pagnanakaw pala ang gagawin ng lalaki dahil alam pala nito na mag-isa nga lang si Salvatore sa bahay. Kaso hindi niya inaasahan na gising pa si Salvatore kaya ng makita daw niya ito ay binaril niya nga agad. Pero hindi 'yon tamang dahilan na hinihintay niya dahil kahit anong dahilan pa ng suspect ay mali pa din ang ginawa nito kagabi at dapat lang talaga itong makulong.
"Magpa-file ako ng case paglabas na paglabas ko dito sa suspect, basta ang importante ay gumaling na agad itong sugat ko at makalabas ako dito sa ospital." Sabi pa ng binata, ayaw na ayaw pa naman niya ang ospital dahil pakiramdam niya ay may malala siyang sakit kapag nandito siya. Pero iba pala talaga ang pakiramdam kapag may taong nagke-care sa 'yo, at hindi siya nabigo sa ginustong babae. And now he know Joanna really care for him so much, dahil hindi matutumbasan ang pag-aalala nito sa kanya na nakita niya.
"Dapat lang saka kay Congressman Wilde ka na lang lumapit dahil abogado din 'yon at siguradong tutulungan ka din niya dahil nandito din naman siya kagabi." Kuwento ko at naupo ng maayos, hindi pa din ako bumitaw sa pagkakahawak niya sa akin at sa halip ay mas hinigpitan pa nga ang hawak ko sa kamay niya. Ang tagal-tagal niyang nagising pero sabi ng doktor sa akin ay natural lang daw 'yon dahil nga naoperahan siya. Hindi din kasi ako natulog dahil hinintay ko talaga na magka-malay siya at nangyari na nga.
"Anyway, thank you again Joanna. Thank you so much." Puno ng sinseridad na sabi ni Salvatore, kahit saan niya tingnan na anggulo ay utang niya ang buhay niya dito dahil kung hindi talaga dahil dito ay malamang patay na siya. Lalo pa at wala namang ibang tutulong sa kanya maliban dito dahil siya lang nga ang nasa Casa Luca. Sadyang na-timing lang na magkausap sila kagabi, and when she heard the gun shot she really got worried.
"You don't owe anything to me Salvatore, ginawa ko lang ang dapat kagabi. At buti na lang talaga magkausap tayo ng mangyari sa 'yo 'yan kagabi dahil kung hindi, hindi ko na din alam kung ano ang nangyari sa 'yo." Naka-ilang pasasalamat na siya sa akin pero hindi ko naman kailangan no'n. Salvatore really made me worried last night, 'yong klase ng kaba na parang ayaw mong mawala ang isang tao sa 'yo, gano'n ang naramdaman ko kagabi ng makita ko siyang walang malay at duguan pagdating namin sa bahay niya.
"Still you saved me, maraming salamat Joanna." At saka dinala ni Salvatore ang kamay nito sa labi niya at hinalikan.
"Kay Kuya Carlos ka dapat magpasalamat hindi sa akin, dahil kung hindi siya nag-donate ng dugo sa 'yo hindi ko din alam kung saan ako makakakuha no'n." Totoo naman 'yon, kung may dapat pasalamatan si Salvatore ay hindi ako 'yon kung hindi si Kuya Carlos. Ito kasi ang talagang nag-dugtong ng buhay niya at hindi naman ako.
"I'll do that, oras na makalabas ako dito sa ospital ay 'yan talaga ang gagawin ko. I will go to him personally, kakausapin ko talaga siya oras na makalabas na ako dito." Sabi ni Salvatore, halos hindi nga siya makapaniwala sa kuwento ni Joanna kanina. Na kasama pala nito si Carlos pumunta sa bahay niya dahil ito din nga ang hiningan ng tulong nito. At masaya siya na kahit may hindi sila pagkakaunawaan na dalawa ay hindi ito nagdalawang-isip na tulungan siya. Maski nga pagtawag ng mga pulis para pumunta sa bahay niya ay si Carlos din ang gumawa kaya kailangan talaga niya itong makausap ng personal. At kapag nagawa niya 'yon ay sisiguraduhin niyang magkakaayos na din silang dalawa.
"Teka tatanungin ko muna 'yong doktor kung puwede ka na bang kumain." Tumayo na ako, galing na dito kanina ang doktor pero nakalimutan ko naman itanong kung puwede na ba siyang kumain.
"Sige, hintayin kita and no need magmadali okay." Sabi ni Salvatore na ngayon ay nakangiti pa.
BINABASA MO ANG
M.V series 05 Salvatore De Luca
Roman d'amourSalvatore De Luca and Joanna Lumanog stories🖤