CHAPTER 17

2.2K 65 2
                                    





"Ano ba 'yang pinagsasabi mo? H-Hindi ko alam ang tungkol diyan Salvatore." Pag-iwas ko sa sinabi niya, oo narinig ko 'yon dahil malinaw naman ang pang-dinig ko. Pero isa 'yon sa ayokong pag-usapan at ayoko ng alalahanin pa. 



Hinuli naman ng binata ang kanang kamay ni Joanna, bibitaw pa nga sana ito mula sa pagkakahawak niya pero hindi niya inalis ang kamay dito. "I know it's too personal but Carlos told me about that Joanna, kaya lubos kong naiintindihan kung bakit ka niya siguro pinapaiwas sa akin ay dahil diyan. Dahil may hindi ka magandang karanasan sa lalaki. But I'm saying this to you not to boost myself into something. Gusto kitang mas makilala pa at wala akong pakialam kung ano pa ang nakaraan mo." 





Dahan-dahan ko siyang tiningnan, nakikita ko ang kaseryosohan sa mukha niya, na para bang pati 'yong mga mata niya ay nangungusap at nagsasabi na totoo ang narinig ko. Pero ano daw? Sinabi sa kanya 'yon ni Kuya Carlos? "T-Totoo ang sinabi niya, totoo na na-r-rape ako at si Kester ang bunga ng pang-gagahasa sa akin." Ayoko na sanang alalahanin pa ang tungkol doon dahil napakasakit ng nangyari sa akin, hindi lang ako basta nagahasa kung hindi nag-bunga pa ang pang-bababoy na ginawa sa akin. Pero hindi ko kailanman naisip na ipalaglag ang bata sa sinapupunan ko, at lalong hindi ako kailanman nagalit sa anak ko dahil wala naman siyang kasalanan. 





So Carlos really said the truth to me? Joanna was really a rape victim? "Should I ask where is the monster who did that to you? You can't answer it if you don't like." Sabi ni Salvatore, kasi baka mamaya at nasa paligid lang 'yon at pakalat-kalat. Pero kung tinuturing ni Carlos na parang isang kapatid si Joanna malamang sa malamang ay poprotektahan din talaga niya ang mag-ina. 





Ngumiti ako ng pilit. "Nasa kulungan, nakulong siya sa tulong ni Kuya Carlos. Dati siyang nagtatrabaho dito sa hacienda at hindi ko alam na inaabangan at sinusundan niya pala ako pag umuuwi ako galing sa eskwelahan. A-At 'yon na nga nangyari, n-ni r-rape niya ako, umuulan no'n at dahil naglalakad lang ako mula sa labas pauwi dito sa loob ng hacienda ay doon na nga nangyari ang lahat." Hindi ko mapigilan na huwag mapaiyak habang inaalala 'yon, naging isang malaking issue 'yon dito sa hacienda lalo pa at tauhan nga ni Kuya Carlos ang gumawa at dito pa sa mismong hacienda nangyari ang karumal-dumal na pangyayaring 'yon. At para sa akin isang bangungot ang gabing 'yon, na para bang hindi mo na gugustuhin pang mabuhay pagkatapos. 





"I-I don't know what to say, but I really feel sorry about you Joanna. Hindi ko na aalamin kung ano ang nangyari pero napakatatag mong babae dahil kung nangyari ang gano'n sa iba ay malamang sa malamang ay mabaliw na." Sabi ni Salvatore na pinunasan ang luha ni Joanna. para tuloy nakakapagsisi na tinanong-tanong niya pa ito.





Napailing-iling ako, muntik na. Muntik na talaga akong umabot sa gano'n lalo pa at tumakas ang nang-rape sa akin. Pero ng malaman ni Kuya Carlos ang nangyari sa akin na sinabi ng tatay ko sa kanya ay hindi siya pumayag na hindi mahuli 'yon. Talagang nag-hire pa si Kuya Carlos ng mga tao para hanapin ang lalaking bumaboy sa akin. At pagkalipas lang ng tatlong araw ay nahuli din ito at nakasuhan. At hanggang ngayon ay nasa kulungan pa din ito, at sana huwag na siyang makalaya pa, dahil hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko oras na makaharap ko siya ulit. 





"Hindi ko naman alam na magbubunga ang pang-bababoy na ginawa niya sa akin, pero sabi ko sa sarili ko hindi ko puwedeng patayin ang baby sa tiyan ko dahil hindi naman ako masamang tao. Huminto din ako sa pag-aaral dahil nabuntis nga ako idagdag pa na takot ako lumabas lalo pa at naging maugong ang tungkol doon dito sa hacienda. Naghanap ng trabaho at nagsimula ulit kasama si Kester."





"And I feel so proud of you because of that, hindi gano'n kadali ang nangyari sa 'yo pero binuhay mo pa din si Kester at hinahangaan kita dahil do'n." Sabi ng binata, talaga namang nakakahanga dahil nagawa ni Joanna tanggapin at palakihin ang anak nito kahit pa bunga 'yon ng isang habambuhay na hindi makakalimutang pangyayari. At sa nanggahasa naman dito ay hindi lang sapat na makulong 'yon dahil kung tutuusin ay dapat kamatayan ang parusa sa ginawa nito kay Joanna. 



"Hindi na kailanman pinag-usapan ang tungkol sa nangyari sa akin dito sa hacienda lalo na no'ng manganak ako at habang lumalaki si Kester. At alam kong si Kuya Carlos ang dahilan no'n dahil kinausap niya ang lahat ng narito. Kaya malaki talaga ang pasasalamat ko sa kanya dahil kung hindi baka hanggang ngayon ay nasa paligid ko lang ang hayop na 'yon." 





"And Carlos make sure you are safe with him, ikaw at ang anak mo." 





"Tama, dahil hindi naman na niya ako pinaalis sa hacienda, kami ng anak ko." Umayos ako ng upo, kay Salvatore lang ako nagkuwento tungkol sa nangyayari sa akin. At talagang feeling ko ay na-ambush ako sa mga tanong niya. "Sige na maligo ka na nga ulit doon at magbabanlaw na ako ng mga labahan." Nakangiti ko ng sabi. 





Umusog naman si Salvatore sa kinakaupuan niya na bato. "Yes maliligo na nga talaga, pero this time kasama ka." At saka niya hinila ito sa braso dahilan para bumagsak sila pareho sa tubig.

4 days left! Join now on my vip group!

4 days left! Join now on my vip group!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
M.V series 05 Salvatore De LucaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon