Hi! Para po sa mga bumili ng M.A series saka yung bundle ng Hunky uncle this week po darating yong book. Unahin ko po muna yung mga naunang nagbayad. The rest po is 3rd week or end of the month ang dating ng next batch ng books. Marami po kasi talaga yong sa M.A series nasa 300 pcs po yon and iba pa yung sa ibang titles at re-print.
Sinobrahan ni Joanna ang mga ginawa niyang cookies, hindi din naman 'yon kadami pero at least kapag may naghanap ay may maibebenta siya. Sa Huwebes pa kasi talaga siya dapat gagawa nito dahil ibebenta niya nga 'yon pagdating ng Biyernes sa munisipyo pero dahil marami-rami ang inorder sa kanya ni Jesylyn na siyang asawa ni Congressman Hawk ay gumawa nga siya kagabi. Inuna niyang dalhan si Jesylyn na nasa baranggay hall bago siya nagpunta sa bahay ni Salvatore para dalhin ang inorder nito.
"Akala ko hindi mo na dadalhin 'tong inorder ko eh." Pabirong sabi ni Salvatore, wala naman siyang sinabi kung ilang box ang bibilhin niya pero ang inabot sa kanya ni Joanna ay tatlong box na may tag-aanim na malalaking piraso sa loob na cookies. 350 php per box ang binebenta nito at mukhang masarap naman kaya binuksan niya na ang isang box para matikman.
"Inuna ko kasing dalhin 'yong order ng asawa ni Congressman bago ako nagpunta dito." Sabi ko naman, at siyempre hindi din naman mabilis ang takbo ng electric bike ko kaya medyo matagal talaga.
"This is yummy, hidi siya gano'n katamis at masarap nga." Ani ni Salvatore ng tikman na nga ang cookies, hindi naman talaga siya kumakain ng matatamis sa totoo lang. It's a big NO for someone like him who worked in porn industry. Alam naman natin na mabilis magpataba ang pagkain ng matatamis at dahil katawan ang puhunan niya ay hindi siya puwedeng tumaba. At maski kapag birthday niya ay hindi din siya bumibili ng cake, sometimes he received a cake as a gift but he didn't eat it. Ipapamigay niya lang 'yon sa mga kakilala o kaya naman sa mga homeless. Kaya ito lang ang unang beses na kumain siya ng ganito.
"Salamat, hindi talaga ako matamis mag-timpla dahil alam ko naman na marami na ngayong health conscious." Anim na flavor ang ginawa ko kagabi, triple chocolate, chocolate chunk, oatmeal raisin, peaches 'n cream, salted caramel at red velvet. At isa siguro sa dahilan kung bakit maraming bumibili ng cookies na ginagawa ko ay dahil hindi nga talaga 'yon gano'n katamis. Nakakatuwa na nagustuhan niya ang gawa ko dahil parang hindi naman siya mahilig kumain ng mga ganito.
"Affordable na 'to sa price na binebenta mo tapos iba-iba pang flavor saka malaki pa ang sukat." Komento ulit ni Salvatore na naka-dalawang cookies na.
"Pero marami pa din ang namamahalan niyan sa totoo lang, pero 'yong mga marurunong talaga sa cookies alam nilang sulit na 'yan sa price." Sabi ko pa, nakasanayan kasi natin ay 'yong maliliit na size na cookies na nabibili kahit sa mga tindahan at hindi 'yong ganito na talagang cookies talaga.
"Really? But this one taste good, ang sarap nga ng cookie mo eh."
"Salvatore.." Heto na naman siya, with letter S kasi 'yon! parang gusto kong sabihin sa kanya.
"I'm not a fan of sweets Joanna, and honestly ngayon lang ako ulit nakakain ng ganito after a long time. Hindi kasi puwede sa trabaho ko noon ang tumaba dahil mawawalan ako ng projects." Kuwento ng binata, oras kasi na tumaba ka lalo na sa industriyang pinasok niya ay mahihirapan kang makakuha ng project. Mas gusto kasi ng mga director 'yong hunky ang dating at hindi mataba. At buti na lang bisyo niya ang pag-eexercise kahit pa noong bago siya pumunta sa Amerika. Kaya alaga niya din talaga ang katawan plus pagkain na din siyempre ng gulay at prutas.
Tumango-tango ako, oo na, siya na ang may magandang katawan. Saka nakita ko nga din pala sa pinanood kong porn video niya kung gaano kaganda ang katawan niya. Na talagang hindi lang siya isang model kung hindi isa din porn star! At paano kaya kung malaman niya na nakapanood ako ng video niya? Ano kayang magiging reaksyon niya? Pero hindi ko din naman 'yon sasabihin dahil nakakahiya, baka sabihin niya pa kababae kong tao tapos nanonood ako ng gano'n.
"And how about that? May dedeliveran ka pa ba ng cookie mo?"
"Wala na, baka kasi may bumili pa kaya dinala ko din 'yang anim na box." Sagot ko.
"Then ako na ang bibili niyan, ibibigay ko sa mga tauhan ko dito." Sabi ni Salvatore.
Para namang nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya. "Hindi nga seryoso?" Tanong ko muna, kasi kasasabi niya lang na hindi naman siya mahilig sa matatamis diba?
"Yes, ako na ang bibili ng mga cookie na 'yan para wala ka ng iintidihin na ibenta pa."
"Naku salamat, maraming salamat talaga!" At kinuha ko na ang cookies na nakalagay sa electric bike ko dahil baka mamaya ay mag-back out pa siya.
Iginiya naman ni Salvatore si Joanna papasok sa loob ng bahay niya, he's house is not big and not small. Tatlong kuwarto ang mero'n dito at 'yong dalawa ay walang gamit na nakalagay. At wala din siyang balak maglagay ng maraming gamit dito dahil mas gusto niya ay 'yong kailangan at nagagamit niya lang talaga ang makikita niya.
"Ang ganda naman ng bahay mo." Puri ko matapos kong ilapag sa counter ang bitbit kong cookies, kulay black at gray ang theme ng bahay niya kaya very manly ang dating.
"Thank you, ako lang din ang nag-design nito. Sinabi ko lang sa mga gumagawa ng bahay kung anu-ano ba ang gusto ko at heto nga."
"Talaga? Ang galing naman. Ang lawak at napaka-elegante tingnan." Sabi ko pa, maganda din naman 'yong mga pinagawang bahay ni Kuya Carlos para sa amin pero siyempre iba pa din kung ikaw ang magpapatayo ng sarili mong bahay. At isa 'yon sa pangarap ko siyempre.
"And I'm inviting you this coming Friday, you can bring you son if you want too." Sabi ni Salvatore matapos uminom ng tubig.
"Sa Biyernes? Bakit anong mero'n?"
"Birthday ko, at 'yon ang una kong birthday dito sa Pilipinas pagkalipas ng sampung taon." Nakangiting sabi ng binata.
BINABASA MO ANG
M.V series 05 Salvatore De Luca
RomanceSalvatore De Luca and Joanna Lumanog stories🖤