LAST CHAPTER

1.9K 73 6
                                    



This will be the last chapter of this story in wattpad. Special chapters will only be available once this story become a book. Again to Ms. Joanna Lumanog thank you for letting me used your name on this story.











July 15, dati naman ay normal na araw ito sa para sa akin pero mukhang hindi yata mangyayari 'yon ngayong taon dahil kay Salvatore. Birthday ko ngayong araw at sabi niya maghahanda daw siya sa bahay niya, at kahit sinabihan ko na siya na huwag na lang ay talagang hindi siya nagpapigil. Simula kasi ng magkaanak ako ay hindi na talaga ako naghahanda dahil para sa akin sayang lang ang pera. Isa pa kami lang din kasi ni Kester sa buhay diba? Were not yet official but if you see us together you will realize we have something special. Basta masaya ako kapag kasama siya, panatag ako kapag kaming dalawa. At hindi lang pala ako kung hindi pati na ang anak ko ay panatag din sa kanya. At 'yon naman ang importante diba? Ang maging masaya kayo. 





"I cooked the best meal tonight because it's your birthday." Ani ni Salvatore matapos nilang mag-hapunan. Buti nga at nataon na Biyernes ngayong araw kaya dito na din magpapalipas ng gabi si Joanna at Kester. At isa ito sa nilu-looking forward niya kapag ganitong araw. 







"Thank you sa dinner, mas masarap ka talaga magluto kaysa sa akin." Sabi ko sa kanya, wala na dito ang anak ko at nandoon na naman 'yon sa movie room ni Salvatore nanonood. Simpleng pagkain lang naman ang niluto niya ngayon pero naging espesyal dahil siya nga ang naghanda. 





Hinila naman ni Salvatore si Joanna at dinala ito sa may living room, yes he's happy every time Joanna and her son is here on his home. Pero parang mas maganda kasi kung kasama na niya ito dito mismo sa bahay niya. Para naman hindi na lamang siya mag-isa sa araw-araw.







"U-Uy, t-teka bakit ka nakaluhod diyan? T-Tumayo ka nga." Sabi ko agad ng bigla na lang siyang lumuhod sa harapan ko. Kinabahan din ako bigla dahil mero'n akong idea kung anong gagawin niya pero siyempre masama naman ang mag-overthink. Pero kasi..







"Listen to me first, dahil kung ano man ang iniisip mo na gagawin ko ngayon ay 'yon talaga 'yon." Ani ni Salvatore na hindi pa din umaalis sa pagkakaluhod sa harapan ni Joanna. He want her birthday to be memorable, 'yong talagang hindi nito makakalimutan ang araw na 'to. And actually he's looking forward for this day to happen.







"Salvatore.." Pareho ng malamig ang kamay namin dahil nga magkahawak 'yon. 





"You are the only person who never judge me for being myself Joanna, sa dami ng nakilala kong tao ay ikaw lang ang babaeng hindi ako tiningnan ng masama dahil sa nakaraan na mero'n ako. You accept me for being me without hesitation, na wala kang pakialam kung naging pornstar pa ako noon. You are the type of woman who wishes good things for someone, at isa 'yon sa masasabi kong nagustuhan ko sa 'yo. And you know what? I never see myself kneeling to someone and talking like this. Dahil tanggap ko naman na tatanda ako mag-isa, pero hindi pala. And I believe God sent you to me. But I want more from you, I need more from you Joanna. Sa mga nakalipas na buwan na nakakasama kita ay naging masaya ako lalong-lalo na ang puso ko. I love you, and I promise you that I will honor you each day, to laugh with you when you're happy, to support you when you're sad. I want you to be on my side each day, and I will be a better person for you. Handa akong tulungan ka sa pagbe-bake mo kahit pa alam kong medyo palpak ako doon. At siguro nga marami pa akong hindi alam tungkol sa 'yo at gano'n ka din naman sa akin pero isa lang kasi ang sigurado ngayon at 'yon ay ang mahal kita."







He' really doing it, he's really proposing to me! Pinunasan ko ang pumatak na luha sa mata ko, dahil totoo nga talaga ito. Totoong nagpo-propose siya sa akin at talagang sa araw pa ng birthday ko!







"I will do my best to make sure you know I love you everyday because I never want you to have a question how much I need you. You came in my life and give me a reason to love someone again. At hindi lang pala 'yon dahil tanggap ko ang anak mo kahit hindi ako ang biological father niya. You saw how were comfortable to each other, and I will stand for him no matter what happen. Ituturing ko siyang sariling anak at akin, at kung sakaling magkaroon man tayo ng sarili nating anak asahan mo na hindi magbabago ang trato ko kay Kester. With you Joanna I've found my happily ever after, so YES to forever?"





Napa-labi ako, hindi ba parang suwerte ko naman dahil may isang lalaki pala na tatanggap sa akin kahit pa sabihing may anak na ako? Oo talagang komportable siya kay Kester at gano'n din ang anak ko sa kanya. Hindi ko nga din maisip na magkakaroon pa ako ng relasyon sa kabila ng lahat ng nangyayari sa akin pero totoo talaga at heto nga talaga si Salvatore sa harapan ko. 







"I-I love you too. And yes, magpapakasal ako sa 'yo." Sagot ko sa kanya, siguro naman magiging masaya na talaga kami dahil wala ng kokontra pa. Isang araw matapos ng pagkikita namin ni Ryan sa hacienda ay pinuntahan ako ng mga pulis at sinabi na wala na daw ito. At oo nagulat ako at hindi makapaniwala sa sinabi ng mga pulis pero totoo talaga dahil sumama pa ako sa punerarya para makita ko kung totoo nga ba. And it was real, Ryan was already gone.  Literal na naiyak ako dahil parang natapos na ang lahat, natapos na ang takot ko na ano mang oras ay puwede niya kaming balikan mag-ina. Na puwede niyang kunin sa akin si Kester. Tapos heto naman si Salvatore, nag-propose pa talaga kaya para bang senyales na ito ng bagong buhay na tatlo kami. 







Tumayo na ang binata at saka sinuot ang singsing na binili niya para kay Joanna. And he feel happy to see that ring fit to her finger. Sinukat niya kasi ang daliri nito no'ng huli silang magkasama na natulog para naman makasiguro siya na kakasya talaga ang bibilhin niya, at buti naman saktong-sakto sa kanya ang proposal ring na binili niya para dito. "I can't wait to be with you Joanna, 'yong kasama na talaga kita araw-araw." Sabi pa niya matapos itong halikan sa labi. 





Hinawakan ko siya sa pisngi, wala akong pakialam sa nakaraan niya dahil wala naman ako no'n at hindi pa kami magkakilala. Ang importante ay 'yong ngayon, dahil alam ko magiging masaya ang mga darating na araw na kasama ko siya, namin ni Kester. 



                        THE END

11/17/24

M.V series 05 Salvatore De LucaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon