CHAPTER 16

2.3K 64 6
                                    



Gaya ng naka-gawian ni Joanna ay sa ilog ulit siya naglaba pagdating ng araw ng Sabado. Ayos naman na ang poso sa kanila noong nakaraan pa. Pero mas pinili niyang dito na lang labhan ang mga damit nila ni Kester dahil alam niyang mas mapapabilis siya kung gagawin niya 'yon dito. May mga lalabhan kasi siyang bedsheet at kurtina, saka kapag Sabado kasi ay sabay-sabay talaga ang gamit ng poso dahil araw talaga ito ng paglalaba lalo na ng mga nanay na may mga estudyanteng anak. Pagod man siya kahapon ay gumising pa din talaga siya ng maaga, Biyernes kahapon at araw ng pagtitinda niya sa munisipyo. Plus may gawa siya na dalawang cake na idedeliver niya mamayang pagka-pananghali. 

"Hi.."

Napalingon ako ng may magsalita mula sa aking likuran, si Salvatore! Kaya naman tumayo ako mula sa kinauupuan kong bato, naglalaba pa din kasi ako pero patapos na at magbabanlaw na lang. "Ikaw pala, bakit nandito ka?" Huli kaming nagkita no'ng kinuha ko sa bahay niya ang electric bike ko at halos isang Linggo na ang lumipas simula no'n. 

"Jogging.." Simpleng sagot ng binata, kahit sa totoo ay nag-bakasakali siya na sana ay nandito itong si Joanna. Naalala niya kasi na araw pala ng Sabado niya nakita ito at araw din ng Sabado ngayon. At hindi naman siya nabigo dahil nandito nga talaga ito ngayong araw kaya kanina pa lang ay napangiti na siya ng ng makita ito mula sa malayo. 

Luminga-linga pa ako sa paligid pero wala namang ibang tao maliban sa aming dalawa. Sigurado kasing makakarating kay Kuya Carlos kapag may nakakita na nandito itong si Salvatore at baka sabihin na magkasama pa kami. "Kumusta? ang layo na ng narating mo ha." Sabi ko pa, hindi naman siya maputi pero moreno si Salvatore at malalaman mong may lahi talagang Asian. Kaya siguro natanggap 'to sa trabaho na pinasukan niya sa Amerika noon kasi magandang lalaki nga. Matangkad at matipuno ang katawan tanda na alaga din talaga sa exercise. At malakas pa ang appeal, malakas ang appeal? Talaga ba Joanna galing sa 'yo ang salitang 'yan?

"Ilang araw na kasi kitang hindi nakita kaya baka kako ayaw mo akong kausapin." Ani ni Salvatore na hinubad ang sapatos at itinabi sa may damuhan. He tried to bathe here long time ago, dahil noon pa man ay nandito na talaga ang ilog na ito. At nakakatuwang isipin na kung gaano ito kalinis noon ay gano'n pa din hanggang ngayon. At isa sa hindi niya makakalimutan na sinabi sa kanya ni Carlos ay aalagaan nga daw nito ang ilog na ito. Sabi pa nito noon ay hindi daw ito papayag na magkaroon ng bahay malapit dito sa ilog ng sa gano'n ay maiwasan ang kalat at mapanatili ang ganda nitong ilog. At it's really happen, napakaganda pa din ng ilog na 'to hanggang ngayon. 

"Teka, maliligo ka?" Nagtataka kong tanong sa kanya dahil binasa na niya ang sarili niya haggang tuhod. Pero wala naman siyang dala na kahit anong damit maliban do'n sa baunan ng tubig at cellphone na itinabi niya sa suot niyang sapatos. 

"Yes, puwede naman diba? Saka hindi mo naman ako isusumbong kay Carlos." Pagbibiro na sabi ni Carlos na nasa may beywang niya na ang tubig. Malamig, napaka-presko at masarap maligo talaga sa ganito. 

Umupo ulit ako sa inuupuan ko kanina at dinampot ang gamit kong palo-palo na siyang pinang-pupukpok ko ng mga damit na aking nilalabhan. "Mag-ingat ka, baka hindi ka marunong lumangoy ha, hindi kita masasagip dahil ang laki mo." Pagsakay ko sa sinabi niya kanina. Siguro naman marunong siyang lumangoy no, aba it a must sa mga lalaking katulad niya.

Lumublob naman na si Salvatore sa tubig, he can swim of course. Lalo pa at maganda din ang dagat sa Amerika na madalas niyang puntahan kapag weekend na naka-motor. 'Yon nga lang may mga restricted na parte ang dagat doon lalo pa at marami ngang pating. Pero iba pa din talaga kapag dito sa Pilipinas lalo na 'yong mga ganitong ilog lang. Ang lakas maka-reminisce lalo na at lagi nga siya dito dati.

Pinag-patuloy ko ang paglalaba ko, wala pa din namang alas otso ng umaga sa tingin ko kasi hindi pa din naman gano'n kainit. Tinitingnan-tingnan ko lang si Salvatore na para bang sarap na sarap sa paglangoy na ginagawa niya. Marunong din naman akong mag-swimming pero siyempre dahil malapit kami dito sa ilog ay parang mananawa ka na din kung nandito ka palagi. 

"Ano ng sabi ni Carlos sa 'yo? Don't tell me pinagalitan ka niya dahil magkasama tayo no'ng nakaraan." Sabi ni Salvatore ng lapitan niya si Joanna, nagbabanlaw na ito ngayon ng mga nilabhan. At gaya no'ng unang beses na makita niya dito ay manipis na namang damit ang suot nito kung saan bakat ang dibdib nito kaya siya na lang din ang umiwas ng tingin. Naka-ipit lang ang mahaba nitong buhok at naka-short na abot hanggang tuhod. 

"Sabi ni Kuya Carlos ako daw ang bahala kung patuloy pa din akong makikipag-lapit sa 'yo, malaki naman na daw ako eh." Sagot ko. 

"Really? 'Yon talaga ang sinabi niya?" Natawa ng mahina ang binata dahil akala pa naman niya ay pinag-bawalan na nito si Joanna na makipag-usap sa kanya. 

"Oo tapos sabi pa niya ibabaon ka daw niya sa hacienda kapag nagloko-loko ka." Pigil-pigil kong huwag matawa dahil nalukot ang mukha niya sa sinabi ko. 

"I don't believe it na, hindi na niya 'yan sinabi." Sabi ni Salvatore. 

"Ako nga ang dapat magtanong eh, no'ng umuwi ka ng gabi nag-usap kayo ulit na dalawa? Anong sinabi sa 'yo ni Kuya Carlos?" Curious kong tanong.

Nagkibit balikat si Salvatore habang nakasandal sa malaking bato. "Iwasan daw kita dahil hindi daw ako magiging magandang ehemplo sa 'yo. Alam ko naman na sinasabi niya 'yon sa akin dahil nag-aalala siya para sa 'yo."

"Oo gano'n nga, siya kasi ang kuya-kuyahan ko eh. Pero sabi ko wala ka namang ginagawang masama at hindi niya ako dapat idamay sa kung anong alitan ba ang mero'n kayo."


Salvatore nodded, wala naman kasi talaga silang ginagawang masama ni Joanna at lalong wala naman siyang gagawin na masama. "Anyway may itatanong pala ako kung hindi mo mamasamain, this is personal at ayos lang kung hindi mo sagutin ang tanong ko."

Napakunot noo ako. "Tungkol saan?"

"T-Totoo ba na na-r-rape ka? Na mero'ng lalaking tumarantado sa 'yo at ang naging bunga nga no'n ay si Kester?" Wala ng paligoy-ligoy pang tanong ng binata dahil gusto niyang marinig mismo dito kung totoo nga ba ang sinabi sa kanya ni Carlos noong huli nilang pagkikita. 

Nabitawan ko naman ang hawak kong bedsheet na binabanlawan ko. "S-Salvatore.." Tawag ko sa pangalan niya, dahil hindi ko inaasahan ang tanong niya sa akin. 

5 days left to join on this story! Dm me on my fb page for inquiries!

5 days left to join on this story! Dm me on my fb page for inquiries!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
M.V series 05 Salvatore De LucaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon