Parang naghihintay si Joanna ng isang palabas sa labas ng emergency room. Hinihintay kung kailan ba matatapos at kung may finale bang magaganap. She keep waiting on someone from the E.R to go outside, na sabihing ayos na si Salvatore at walang malala na nangyari dito. Pero halos isang oras na ang nakakalipas simula ng ipasok sa loob si Salvatore ng mga nurses ay wala pa din lumalabas na kahit sino doon kaya naman mas lalo lamang siyang kinakabahan. Dumating na din si Congressman Wilde sa ospital na tinawagan nga ni Carlos kanina para may makasama din silang dalawa dito. Hindi lang 'yon dahil ang isa pang kaibigan ng haciendero ay pinapunta naman niya sa bahay ni Salvatore kung saan nandoon na din ang mga pulis para mag-imbestiga. Salvatore is living alone, at ito talaga ang mahirap kapag mag-isa ka na lang sa buhay lalo na kung may ganitong emergency ang mangyayari ay hindi mo alam kung sino ba ang sasaklolo sa 'yo.
"Ayan na ang doktor Kuya Carlos." Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko ng makita ko ang isang lalaki na doktor na lumabas mula sa emergency room. Kahit hindi ko alam kung siya nga ba ang nag-asikaso kay Salvatore ay mabuti na din na lapitan namin ito.
Tumayo din si Carlos at dalawa sila ni Joanna na lumapit dito. "Doc kumusta po ang pasyente? Okay lang po ba si Salvatore?" Tanong agad niya, isinantabi niya muna ang galit niya sa dating kaibigan at iniisip na lang niya na para kay Joanna itong ginagawa niya. Ayaw niyang umasta na parang bata dahil magkaaway nga silang dalawa kaya hindi niya din ito tutulungan ngayon.
"The operation was successful, natanggal na namin ang bala na tumama sa tiyan niya. But the bad news is wala na kaming stock ng dugo dito sa ospital. Marami kasing nawala na dugo sa pasyente kaya kailangan niyang masalinan as soon as possible." Sabi ng doktor.
Napatingin ako kay Kuya Carlos, so kailangan pala masalinan ng dugo ni Salvatore? Talaga naman kasing mauubusan ito ng dugo dahil sa dami ng nakita ko kanina. Willing naman akong mag-donate ng dugo pero hindi ko alam kung magka-match ba kami ni Salvatore.
"Were both have the same blood Doc, ako na lang ang magdo-donate sa kanya."Basag ni Carlos sa ialng minuto na katahimikan, alam niya kasi ang blood type ni Salvatore kaya alam niyang puwede siyang mag-donate dito.
"Type O ang pasyente, so type O ka din?" Paninigurado pa ng doktor lalo pa at type O na dugo ang kailangang maisalin sa pasyente.
"Yes Doc, type O din po ako." Sagot ni Carlos.
"Hindi pala ako puwede Kuya, AB kasi ang akin." Sabi ko naman sa kanya, wala namang kaso sa akin kung mag-donate ako ng dugo para kay Salvatore kaso nga hindi pala kami magka-match na dalawa. Pero at least hindi na namin poproblemahin na ang paghahanap ng dugo dahil itong si Kuya Carlos na pala ang bahala.
"It's okay, alam ko na pareho kami ni Salvatore at wala namang kaso sa akin kung ako ang mag-donate sa kanya." Paliwanag pa ng haciendero kay Joanna at dali-dali na din sumunod sa doktor para makuhanan nga siya ng dugo.
Naiwan naman si Joanna at Congressman Wilde sa labas, Joanna called her neighbor earlier. Kahit pa sabihin na mag-aala una na ng madaling araw ay tinawagan niya pa din ito. Ibinilin niya dito ang anak na tulog sa bahay nila ng iwan niya. Maging sa tauhan ng Kuya Carlos niya na si Jimuel na bumalik na sa hacienda ay pinakisuyuan niya na tingnan muna si Kester. Baka kasi magising 'yon at makitang wala siya at mag-iiyak.
"I never thought you have already boyfriend Joanna, at ang kaaway pa talaga ni Carlos ha." Pagbubukas ng topic ni Wilde, alam niyang hindi pa din ito mapalagay sa nangyayari pero wala silang ibang magagawa ngayon kung hindi hintayin ang mga doktor.
"Hindi alam ni Kuya Carlos ang tungkol doon, alam mo na galit pa din siya kay Salvatore pero nagpapasalamat talaga ako sa kanya Congressman dahil hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ako kanina ng sabihin ko ang nangyari." Kuwento ko sa kanya, pero feeling ko naman matapos ng nangyari na ito ay alam naman na ni Kuya Carlos na hindi na lang kami basta magkaibigan ni Salvatore. At kahit hindi ko sabihin gets naman na niya siguro na may relasyon kaming dalawa.
"And I hope maging okay na silang dalawa, I can't wait also to meet this Salvatore De Luca. Because I know mas nauna siyang nakilala at naging kaibigan ni Carlos kaysa sa akin." Sabi pa ni Wilde, sa kuwento niya lang naririnig ang tungkol sa kagalit nga ng kaibigan niya pero sana maging daan itong pangyayari na 'to para makilala niya na ito ng personal.
Isang bag ng dugo ang kinuha kay Carlos na isasalin para kay Salvatore. At bago siya pumirma para sa pagdo-donate nga na gagawin niya ay talagang inisip niya pa ng ilang minuto kung tama ba itong gagawin niya. Oo may hindi sila pagkakaintindihan ni Salvatore pero dahil sa nangyari dito kanina ay alam niyang wala din ibang tutulong dito maliban sa kanya at kay Joanna. So in the end he donated one bag of blood for him, but it doesn't mean na okay na sila at magkaibigan na sila ulit na dalawa pagkatapos nito.
BINABASA MO ANG
M.V series 05 Salvatore De Luca
RomanceSalvatore De Luca and Joanna Lumanog stories🖤