CHAPTER 25

5.8K 119 10
                                    





Natatawang napapailing na lang si Salvatore ng makita kung sino ang nakatayo sa daraanan niya. At walang iba 'yon kung hindi si Carlos kaya siya na mismo ang huminto sa harapan nito pagdaan niya doon. He really know this guy, talagang wala ng tiwala sa kanya ang gago.





"Hindi ko alam na ganyan ka kawalang tiwala sa akin para hintayin mo pa akong umalis dito sa hacienda mo." Sabi ng binata, sinakto nya talaga ang paghinto ng sasakyan niya kung saan ito nakatayo. 





Magkadikit naman ang kilay na tiningnan ni Carlos ang dating kaibigan. Dati pa din ang tawag niya dito dahil hindi pa din naman sila bating dalawa. "At bakit naman kita kailangang hintayin pa? I don't need to do that, hindi ako nag-aaksaya ng oras para sa mga walang kwenta."







"Tsk, talaga lang ha." Sabi ni Salvatore na hindi na pinansin ang huli nitong sinabi na walang kwenta. Ayaw niyang masira ang gabi niya dahil sa pakikipag-usap niya kay Carlos lalo pa at naging masaya naman siya sa pagpunta sa bahay ni Joanna. Kung siya nga lang ay makikitulog siya sa bahay nito pero siyempre hindi naman puwede 'yon kaya sa susunod ito na lang ang aayain niya na mag-sleep over sa bahay niya. 







"Teka nga, bakit pala ngayon ka lang uuwi? Ang tagal mo naman kila Joanna dahil anong oras na." Sabi ng haciendero na tiningnan pa ang suot niyang rilo. Lagpas alas nwebe na ng gabi ngayon samantalang kanina pa niya ito nakitang alas sais pasado ng gabi na dumaan din dito. "Bakit ng tagal mo ha? Anong ginawa mo doon?" Masungit niya pa din na tanong, oo na inaabangan niya talaga 'to. Kulang na nga lang ay puntahan niya ang bahay ni Joanna para malaman kung ano bang ginagawa nito. Pero siyempre pinigilan niya ang kanyang sarili, kaya naman dito na lang siya sa labas ng bahay niya nag-abang. Sabi kasi ng tauhan niya na nasa bungad ng hacienda ay hindi pa nga daw ito doon dumadaan so meaning na kila Joanna pa ito.







"Wala akong hindi magandang ginawa do'n kung 'yon ang iniisip mo Carlos, kumain lang kaming tatlo at nag-usap. Kester like me for his mother so.." Dapat lang sigurong ipag-mayabang ni Salvatore ang tungkol doon. Na kasundo niya ang anak ng babaeng gusto niya  kaya sinabi niya kay Carlos. 





"Paano sinuhulan mo yata 'yong bata, baka naman binigyan mo ng regalo na laruan kaya gano'n." Sabi naman ni Carlos, tanggap niya na sa sarili na hindi niya mapapaiwas si Joanna dito kay Salvatore. Pero hindi ibig sabihin no'n ay ayos na 'yon sa kanya. Nangako siya sa magulang ni Joanna bago ito mamatay na siya ang titingin-tingin sa anak nito kaya talagang pinapanindigan niya 'yon. Joanna will always be a younger sister to him, kaya ganito siya ka-protekta dito.







Siraulo talaga, ang lakas ng radar. Pero hindi naman 'yong laruan na binigay ko ang dahilan kung bakit ako nagustuhan ni Kester ah. "Hindi 'yon gano'n Carlos kaya tumigil ka sa pag-iisip mo ng ganyan. Kester like me, and he understood that I like his mom and I will never hurt Joanna." Sabi niya tuloy dito, oo may dala talaga siyang laruan pero hindi naman 'yon pang-suhol gaya ng sinasabi ng Carlos na 'to. 







"Siyempre 'yan ang isasagot mo sa akin, pero tama ako diba? Sinuhulan mo 'yong bata kaya hindi siguro naka-alma." Sabi pa ng haciendero, akala siguro nito hindi niya nakita ang regalo at bulaklak kanina. 







"Whatever, ang importante sa akin nagkakamabutihan kaming dalawa ni Joanna at okay ako sa anak niya." "Pinal na sabi ni Salvatore at saka pinaandar na ang sasakyan niya. Hindi na siya nagpaalam pa dito at bahala na 'to kung mainis sa kanya. Akala yata nito ni Carlos ay magpapatalo siya, pwes do'n 'to nagkakamali. 







Si Carlos naman ay kulang na lang dumampot ng bato at batuhin ang sasakyan ni Salvatore, siraulo talaga. Hindi na talaga 'to makakaulit na makapasok dito sa hacienda niya. 







   Gaya ng sinabi ni Salvatore ng nakaraang gabi ay pumunta nga talaga sila Joanna at Kester sa bahay nito pagkasundo niya sa school. Sakay ng kanyang electric bike ay doon na silang mag-ina nagpunta para mag-tanghalian nga daw. Joanna feels like she's a teenager now, lalo pa at magka-text silang dalawa ni Salvatore simula kagabi hanggang kaninang umaga. And take note kanina niya lang nalaman mula dito na regular load pala ang gamit nito unlike sa kanya na naka-register ang sim card sa unlimited text and call. Hindi daw kasi alam ng binata kung paano mag-register ng gano'n kaya naman regular load nga ang gamit nito habang magkausap sila. 







"Sandali, hindi mo siya kailangang bigyan ng ganito Salvatore." Sabi ko ng makita ang bike na binili niya para kay Kester, at hindi ito 'yong bike na nakikita ko sa palengke sa bayan na tinitinda. Dahil sa itsura pa lang ay alam ko ng mahal ang ganitong klase. 







"Why not?  Look at him he's happy." Sabi naman ni Salvatore habang nakatingin kay Kester na nagba-bike dito sa garahe niya. Binili niya 'yon kahapon ng umaga pero ngayon lang dumating dahil galing pa 'yon sa kabilang bayan. Hindi din niya pinaalis ang training wheels no'n dahil hindi niya alam kung marunong ba ang bata mag-bike o hindi. At tama nga siya, hindi pa ito marunong kaya buti na lang ay hindi niya pinaalis ang training wheels no'n. 







"Pero hindi mo siya kailangang regaluhan ng kung ano, kahit ako hindi mo ako kailangang bigyan ng kung anu-ano Salvatore." Sabi ko, ayoko kasing isipin niya o isipin ko mismo na kaya ako pumayag na makipag-relasyon sa kanya ay dahil may pera siya. No hindi 'yon gano'n at kailanman ay hindi 'yon ang magiging dahilan ko. 







"Come on it's just a bike Joanna, saka nakita mo namang masaya si Kester diba? Kahapon ko pa ng umaga 'yan inorder pero kanina nga lang dumating dito sa bahay." Sabi pa ng binata na inakbayan na. Hindi niya masabi kung magkasintahan na ba sila o ano pero sigurado siyang espesyal ang turing niya dito. 







"Pero hindi mo 'yon kailangang gawin, saka hindi mo din naman siya responsibilidad eh." Sabi ko pa. 







"Hindi 'yon sa gano'n okay, I just gave that bike to him because I know he will going to like it. At hindi naman ako nagkamali dahil nagustuhan naman niya 'yong bike diba?  Kaya please huwag kang mag-isip ng kung ano-ano and wag mo din masamain  sana 'to." Sabi pa ni Salvatore na hinawakan pa sa baba si Joanna.







"Pero hindi na 'to mauulit ah? Ayokong isipin ni Kester na madali niya lang makukuha ang gusto niya sa 'yo at lalong ayokong isipin mo na materialistic akong tao o ang anak ko."







"Of course not, hindi ganyan ang iniisip ko okay. I want to be close with your son, saka alam ko naman na magiging Daddy din niya ako." Ngingiti-ngiti pa na sabi ng binata.







Ano daw? "Salvatore!" Pero hindi ko pa nga siya nakukurot ay lumayo na siya agad at pinuntahan ang anak ko. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
M.V series 05 Salvatore De LucaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon