Chapter 58

2 0 0
                                    

I waited for this day because Mika told me na ngayon ang declaration of verdict.

So here I was again, sitting in my own silence while observing the loudness in my surroundings.

Narito na ang lahat ng pamilya, kaibigan, at ang media, kaya si Wren at Judge nalang ang hinihintay bago tuluyang mag simula ang trial.

I waited for them to appear, until Wren finally showed up and I watched his every move dahil bawat araw ay mas lumalala ang kalagayan niya.

Nakasuot siya ng kulay orange na inmate shirt habang nakaposas ang mga kamay sa likod at sinusundan ng dalawang pulis.

Nakayuko siya habang tahimik na naglalakad papunta sa upuan niya, pero napakunot ang noo ko nang may mapansin ako sa mukha niya.

I didn't take my eyes off him to check what it was, until he slightly turned in my direction and I saw a bruise on the side of his busted lips.

I was taken aback.

What happened to him? Sino ang may gawa niyan sa kanya?

Slowly, realization hit me.

Nagkatotoo na ba 'yong sinabi ni Mika na papahirapahan at bubugbugin siya sa loob ng presinto?

Tumingin ako sa pamilya niya at nakitang napansin din ni Tita Wendy at Ate Winona 'yong pasa niya.
"Who the fuck did that to my brother?" galit na tanong ni Ate Winona.

Mahina lamang 'yon pero maraming nakarinig, kasama na si Wren na umismid lamang bago tumalikod sa Ate niya at umupo.

Galit parin si Ate Winona at kinakausap na ngayon 'yong mga pulis habang nasa likod niya si Wolf at Kuya Eric, pero wala na sa kanila ang atensyon ko.

I returned my attention to Wren, who was obviously uncomfortable due to the cuff around his wrists dahil hindi siya makagalaw nang maayos o makasandal man lang sa upuan niya.

"Remove his handcuffs or I'm going to fucking burn this courtroom," Ate Winona commanded the police officers because she also noticed her brother's uncomfortable position.

Sinuway siya ni Wolf dahil baka may makarinig sa kanyang pagbantaan 'tong courtroom pero sinampal niya lang ang kamay ng kapatid niya at may sinabing hindi ko na narinig.

Sinunod ng mga pulis ang utos ni Ate Winona at pinanood ko silang gawin 'yon hanggang sa tuluyang matanggal iyong posas sa palapulsuhan ni Wren.

Natulala ako sa palapulsuhan niya dahil kahit na malayo kami sa isa't isa ay malinaw kong nakikita ang mga sugat at pasa roon.

"Touch me again and you'll see," banta ni Ate Winona sa isang pulis at sinamaan ng tingin noong hahawakan na sana siya nun para suwayin sa paglapit sa kapatid niya.

Pinalibutan sila ng media para kuhanan ng video at litrato pero wala siyang pakealam at mabilis na hinugot ang panyo niya mula sa bag para punasan ang mukha ng kapatid.

Mula rito sa kinauupuan ko ay kita ko ang pagninggas at pagpula ng mga mata niya mula sa mga nagbabadyang luha.

Mahal na mahal ni Ate Winona ang mga kapatid niya, mas lalo na si Wren dahil siya ang bunso at pinaka malambing sa kanilang lahat, kaya naiintindihan ko ang reaksyon ni Ate Winona.

Kahit na may ginawang masama ang kapatid niya ay hindi niya magawang magalit o suklaman ito.

Hindi ko naririnig ang usapan nila dahil bumubulong sila sa isa't isa kaya pinili ko na lamang na panoorin sila hanggang sa dumating si Judge.

"All rise," said the Court Clerk, which we all obeyed.

From time to time, I was fixing my eyes in front because they were stubbornly looking in Wren's direction.

Blue Silhouette (Saved Series #2)Where stories live. Discover now