Bawal siyang magpakasal sa iba dahil hindi ako papayag.
Tangina, hindi ako papayag.
Iniisip ko palang na hindi ako ang kasama niyang pumuti ang buhok sa pagtanda, ang kayakap niya tuwing gabi, at ang inaasar niya sa bawat pagkakataon na magkaroon siya ay sunod-sunod nang nagpatakan ang mga luha ko.
Everything should be me.
I know I sounded so selfish, self-centered, egocentric, self-obsessed, greedy—name everything that could be associated with it.
Wala akong pake dahil gusto ko ay ako lang.
Hindi ako papayag na may tawagin siyang love, maliban sa akin.
"Hiruki, fly faster, please," mangiyak-ngiyak kong sabi kay Hiruki na hindi ko alam kung narinig ba ako dahil sa lakas ng hangin.
Tinatangay nun ang buhok ko at tinutuyo ang mga luha ko, kaya napaka lagkit ng mukha ko at parang sinalanta naman ng bagyo ang buhok ko.
"I can't fly this helicopter from here to the Philippines," Hiruki told me—shouting so I could hear him.
My heart sank. "Then what are we gonna do?"
"I need to drop you off at the airport."
"Hindi ko dala ang passport ko! Tapos napakatagal pa ng proseso sa airport! Sa oras na makarating ako sa Pilipinas ay kasal na si Wren! Bawal siyang ikasal sa iba! Naiintindihan mo ba ako!?" Niyugyog ko ang braso ni Hiruki habang malakas na humahagulgol.
"Stop that! We're going to crash!" suway niya sa akin at natakot ako, kaya tumigil ako at pinunasan ko ang mga pisngi ko gamit ang likod ng mga palad ko.
"Hindi na kita aawayin, Hiruki. Iuwi mo lang ako sa Pilipinas," pakiusapan ko sa kanya.
He took a glance at me and his eyes softened when he saw my tear-streaked face, pero hindi siya nagsalita.
Suminghot ako at tumitig nang may pakiusap sa kanya dahil kailangan ko siyang kumbinsihin.
"Bati na tayo araw-araw. Hindi na kita aawayin. Promise." Itinaas ko ang kanang kamay ko. "Tapos gagawin kitang ninong ng magiging anak ko, basta iuwi mo ako sa Pilipinas ngayon."
He snorted because he heard my offer was so absurd.
"I want to be your husband, not your child's ninong."
I groaned in frustration. "Hindi nga pwede, Hiruki! Ninong lang ang pwede kong ioffer sayo!"
Mas lumakas ang paghagulgol ko dahil mas nawawalan ako ng pag asa.
"Fine!" he exclaimed—making me gaze up at him with my chest slowly blooming with hope. "Stop crying. You look funny."
He took a glance at me again and chewed his lower lip to stop himself from laughing, which didn't work because he still ended up cracking up.
He was so unserious.
Gusto ko siyang bulyawan pero naalala kong humihingi ako ng pabor sa kanya, kaya pinili ko nalang maging mabait hanggang sa ibaba niya ako sa airport.
"You'll be riding a private jet. Don't worry," he informed me.
Maliit akong tumango sa kanya at sinundan 'yong babaeng kinausap niya, na dinala ako roon sa sinasabing private jet ni Hiruki.
Tahimik akong sumakay doon pero maya-maya ang pag lipat-lipat ko ng posisyon sa upuan dahil hindi ako mapakali.
How long is this flight going to take?
Madilim na ang langit na namumutiktik sa mga butuing kasing liwanag ng mga city lights sa ibaba. They were so beautiful but I couldn't appreciate them when my heart and mind were feeding me nightmares.