Chapter 44

2 0 0
                                    

As much as I possible, ayaw ko munang magpakita kay Wren dahil ayaw kong patunayan na ako nga ang may kailangan sa kanya, pero ngayon kailangan kong lunukin ang pride ko dahil tama naman talaga siya.

Ako nga ang may kailangan sa kanya kaya dapat ako ang gumawa ng paraan para makapag usap kami para pirmahan niya na 'yong petition, mas lalo na ngayon dahil pinaplano na ni Tita Raina 'yong kasal namin ni Rain.

Hindi ko alam na may plano na pala siya roon, kaya nagulat ako noong bigla nalang siyang sumulpot sa condo noong nakaraang gabi.

May mga kasama siyang designers at dala nila 'yong wedding dress na pinili niya para sa akin.

Hindi ko gusto 'yon dahil parang ganun 'yong mga nakikita ko sa mga horror movies kaya tumanggi akong isuot 'yon sa kasal ko, pero ang sabi niya ay 2.8 million pesos daw 'yon kaya nahiya ako at pumayag nalang kahit na labag na labag 'yon sa loob ko.

Hindi ko rin alam na pumili na pala siya ng simbahan at venue para sa after party kaya medjo nainis ako dahil ako dapat ang gumagawa nun dahil kasal ko 'to.

I confronted her about it, pero iniyakan niya lang ako at sinabing tinutulungan niya lang naman ako para hindi ako mastress.

Pinipigilan ko talaga ang sarili kong umirap nung mga oras na 'yon dahil habang tumatagal ay lumalayo ang loob ko sa kanya because she was so obsessed with me and her son.

Lagi siyang nangingialam sa lahat ng bagay kahit na dapat ay kaming dalawa lang ni Rain ang dapat involved because it was about us.

I wanted to tell Rain about it pero medjo nag aalinlangan ako dahil alam ko kung gaano sila kaclose ng mother niya, at ayaw kong masira 'yon dahil sa akin.

Pero sasabihin ko parin 'yon sa kanya dahil ayaw kong kami naman ang masira, pero hindi na muna ngayon.

Sa susunod nalang kapag nakahinga na ako sa lahat ng pressure na ibinato sa akin.

Pulling up to the side, I went out of my car para pumasok doon sa restaurant.

Hindi ko alam kung nandoon ba si Wren dahil hindi ko siya sinabihan na pupunta ako ng Ilocos Norte ngayon.

If I sent a message to his fake instagram account, it would look like I was updating him.

I internally sneered.

There was no way that I'd do that because going here already crashed my ego.

"Ma'am!" the crew from last time recognized me.

She hurried in my direction, while I stayed unmoving and observed the place with my sunglasses on.

"Table for one po ba or si Sir?" she asked.

Sasagot na sana ako para sabihin ang pakay ko pero inunahan niya ako nang muli siyang magsalita.

"Kung si Sir po, wala po siya rito."

I raised a brow. "Where is he?"

"Nasa mall po siguro. Tawagan ko nalang po siya para sabihing nandi--"

"No." I cut her off. "Where exactly in the mall?"

"Sa Claudia's po. Restaurant po 'yon sa third floor. Makikita niyo naman po agad pagka akyat niyo."

Tumango lang ako sa kanya bago ako lumabas at sumakay ulit sa kotse ko para pumunta roon sa sinabi niya.

While on my way, iniisip ko kung anong ginagawa niya roon dahil dalawa lang naman ang restaurant niya—iyong Deep Sea at 'yong pinuntahan ko kanina na Cloud&Seas ang pangalan.

But when I arrived at the restaurant in the mall, I quickly found out the reason when I saw the ginger girl.

She was talking with some of the crew, so I guessed she was the owner.

Blue Silhouette (Saved Series #2)Where stories live. Discover now