"Four-hundred and eighty-three," I uttered and dropped a pebble on my third glass of time.
Dalawang araw nalang ay isang taon at apat na buwan na ako rito sa isla at masasabi kong nakapag-adjust na ako.
Parang hindi ko na nga maalala kung paano mamuhay sa syudad.Hindi ko na alam kung paano mangamoy usok ang hangin sa tuwing rush hour.
Hindi ko na maalala kung paano kuminang ang mga city lights tuwing gabi at hindi ko na rin maalala kung kailan ang huling beses na tumayo ako sa likod ng salaming pader ng office ko sa Blues para tanawin sila.
But I felt like I didn't miss them because I was starting to love my life on this island, where no one knew who I really am.
Dito, walang nakakaalam kung anong klaseng tao ako.
They just know me as 'the lady who lives alone in the white cabin.
Minsan kong nakakausap iyong mga locals at unti-unti kong natututunan ang lenggwahe nila dahil isa ang Greek sa mga lenggwahe na hirap kong aralin noong college maliban sa Arabic.
Sa tagal ko ring pamamalagi rito sa isla ay natutunan ko na ang tumawid sa mga karatig isla.
May nakilala rin akong matandang babae na hinahayaan akong mamitas ng mga prutas sa garden niya kapalit ng pagsama sa kanyang magburda sa tuwing hapon dahil kagaya ko ay mag isa rin siyang nakatira sa napaka laki niyang bahay.
Hindi naman siya totally ulila dahil paminsan-minsang dumadalaw iyong mga apo niya rito. 'Yong isa nga sa kanila ay may gusto sa akin pero ilang beses ko siyang tinurn-down dahil ayaw ko.
That was the only reason, dahil lang ayaw ko.
Sa ngayon, kinoconsider ko ang maging matandang dalaga at mamuhay nang habang buhay dito sa isla.
Ilang beses din nila akong tinanong tungkol sa sarili ko pero ang palagi ko lang sinasabi sa kanila ay, "I'm Grace, from the Philippines."
Ginamit ko ang second name ko sa pagpapakilala sa sarili ko dahil natatakot ako na malaman nilang sangkot ako sa isa sa mga pinaka malaking murder case sa Pilipinas sa oras na sinearch nila ang buong pangalan ko.
But that was already part of me—someone who was part of a murder case.
Hindi na 'yon matatanggal o mabubura sa tuwing babanggitin ang pangalan ko.
"Checkmate," usal Thomas—isa sa mga nakilala kong local na ngayo'y kalaro ko sa chess.
"I was distracted," I said in Greek and cringed from inside because of my accent.
Thomas chuckled. "Just admit that you lost."
Umikot ang mga mata ko at sumandal sa upuan habang nakacross ang mga braso.
"It's your first time winning against me and just to remind you because you might have forgotten, I beat you at billiards yesterday."
Mas natawa siya sa akin dahil nagsisimula na akong mapikon, kaya mabilis na akong tumayo at iniwan siya para pumasok sa maliit na diner na pag mamay-ari niya rin, kung saan halos lahat ng tao ay barkada ko na rin.
"The lady who lives alone in the white cabin is here!" masayang anunsyo ng isa sa kanila at nagulat nalang ako noong ibinato niya sa akin 'yong mic.
Mabuti nalang at nasalo ko 'yon kaya natawa nalang ako.
"Uh, what am I gonna do with th--"
Natigil ako sa pagsasalita noong tumugtog ang isang pamilyar na kanta at naghiyawan ang mga tao.
"Last night I was taking a walk along the river," I sang like a muscle memory—earning a louder cheer from the audience.
It boosted my confidence so I walked toward the platform to face each one of them.