Chapter 2 :
Christian’s POV
“ Si Coleen nanaman ba? ”
kung di ako nagkakamali si Abi to.
Si Abi yung Ate ni Coleen, Abigail Chua ang full name niya. 1 year lang ang tanda ni abi kay Coleen.
Nagtataka nga ako eh, halos magkabaliktad kasi ang mga ugali ni Coleen at Abigail.
Tapos, wala din masyadong pagkakahawig sa kanila except sa mga mata nila na parehas nilang nakuha sa Mommy nila.
“ Bakit ka nandito? ” kung kelan ko naman gustong magpahinga saka naman to susulpot
“ Wala lang, Si Mr. Tan kasi hinahanap ka sa akin kanina, so naisip ko na i-check kung nandito ka sa Park. At tama nga ako, dito ka naman kasi palagi pag nag ca-cutting ee ”
So, Mr Tan pala totoong pangalan ni Mr. jigglypuff? HAHA
“ Ah ganun ba? Sige pwede ka nang umalis, pasabi kay Mr. Jigg- ay kay Mr. Tan na buhay pa ako.”
“ Grabe ka naman, kakadating ko palang dito pinapaalis mo na agad ako? Ayaw mo talaga sa akin noh? ”
di lang ayaw no! Ayaw na ayaw!
“ Hindi naman”
Ewan ko ba kung bakit ayaw ko siyang maging kaibigan.
Siguro kasi nung nawala si Coleen, parang wala lang sa kanya. Lahat kami nalungkot.
Samantalang siya, pinipilit niya kaming mag move on agad-agad. At saka nung araw ng accident, nakita ko yung mata ni Abi, parang may something eh.
Hay, nako. Lagi nalang si Coleen pumapasok sa isip ko.
“ Huy! ” nawala ako sa pag-iisip ko nang bigla akong kalabitin nito.
“ Ay sorry, may sinasabi ka ba?? ”
“ Si Coleen nanaman iniisip mo. Come on! Move on na kasi. It’s been 10 years, ay 11 years ata since nawala si Coleen. Kailangan mo nang magmove on. Wala na si Coleen oh ”
see? Parang wala lang talaga sa kanya si Coleen. Kapatid ba talaga to ni Coleen? Parang hindi concern eh.
“ Sige, babalik na ako sa klase ko. Bumalik ka na rin ” iniwanan ko na siya dun. Papansin eh.
Ngayon ko lang na realize na Mr. Tan pala talaga pangalan ni Mr. Jigglypuff ee xD HAHA.
Paakyat na sana ako hagdan ng biglang may tumawag sa akin
“ Christian Xing! ”
Uh-oh si Mommy ba yun??
--
A/N : Pasensya kung maikli lang ha. Start palang naman ee :))
Meet Abigail Chua, siya yung nasa Picture :) Maganda siya pero, may something about her :))
BINABASA MO ANG
My Long Lost Bestfriend?
HumorLahat naman siguro ng tao, may maituturing na bestfriend. Kasama mo sa mga kakulitan. Kalokohan at kaharutan. Pero pano kung bigla siyang kinuha ni Tadhana? At paano kung kahit ilang beses mo na siyang kalimutan, di mo magawa. Kasi, narealize mo na...