Epilogue

62 2 0
                                    

Epilogue

15 years later

Pinunasan ko muna yung tumulong luha sa mata ko bago ko nginitian yung dalawang batang babae na nasa harapan ko.

' Bakit po kayo, umiiyak? ' tanong sa akin ng isang batang anim na taong gulang.

' Wala lang to. Nakakamiss lang kasi yung mga memories ng high school life. '

Hindi ko talaga mapigilang maluha pag naaalala o nababanggit ko yung mga araw na yun. Naalala ko lahat ng sakit at takot na naramdaman ko lalo na nung araw na naaksidente sila ate at Christian.

' Miss, matanong ko lang po, saan po ba dito yung park? Makikipagkita po kasi ako sa kaibigan ko dun para magpatutor kaso hindi ko pa po siya nakikita. ' tanong sa akin ng isang binatang kanina ko pa din napapansing paikot-ikot dito.

' Diretsuhin mo lang yan, tapos pag nakita mo na yung isang ice cream parlor, lumiko ka sa kaliwa. '

' Hay salamat. Thankyou po ah! Kanina pa po kasi ako inaantay ni Kimberley. Magagalit na siguro sa akin yun. Thanks po! ' bigla naman siyang tumakbo paalis pero hindi pa siya nakakalayo ay bumalik naman agad siya

' Christian po pala pangalan ko, hehe. Sige po. Thanks ulit. '

Natawa naman ako bigla sa kanya dahil bumalik pa siya para lang sabihin kung ano ang pangalan niya.

Nakakatuwa naman, makikipagkita siya dun sa Kimberley para magpatutor at Christian naman ang pangalan niya. Haay, bumalik nanaman sa ala ala ko yung una naming pagkikita sa probinsiya

' Nagugutom na ba ang dalawang magagandang babaeng nasa harapan ko? '

' Hindi po. ' sabay nilang sagot. Pero yung isang 3 years old ay parang nagsabi ng alien language ' Didi po. '

Riiiing Riiiiiing

Kinuha ko yung phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Daniel pala.

' Oh, Dan napatawag ka? '

' Uwi ka na dito sa bahay, tapos na mag-ready para sa surprise birthday party ni Alicia. Ingat kayo ah '

' Ah sige sige. '

Pinunasan ko na yung likod ni Alicia at Christiana dahil parehas silang basang basa sa pawis. ' Tara na, uuwi na tayo. Alicia, inaantay ka na ng papa mo '

' Talaga po, mommy? Tara, Christiana uwi na daw tayo. ' tumayo naman ang silang dalawa at naghawak-kamay.

Binuhat ko si Christiana dahil paniguradong magrereklamo yun pag naglakad siya ng malayo.

Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami nila Daddy at Mommy. Nasa probinsiya ngayon si Nanay Tessa dahil kailangan niyang asikasuhin ang Xing's Resort. Siya na ang nagpapatakbo nuon.

' Coleen, ang tagal niyo naman atang makauwi? '

' Ang mga bata kasi, masyadong napagod kaya patigil tigil kami sa paglalakad. '

Sinama na niya sa kanya si Alicia para dalhin sa garden. Birthday niya kasi ngayon, kaya naghanda kami ng surprise birthday party para sa kanya.

' Mami mami dadi ' tinatapik ako ni Christiana pero hindi ko siya pinapansin dahil hinahanap ko yung relo ko. Nilapag ko kasi dito sa cabinet kanina.

Bigla naman akong nagulat dahil may yumakap sa akin, muntik ko ng mabitawan si Christiana dahil sa gulat.

' Ano ba, muntik ko na mabitawan si Christiana dahil sayo! '

' Sorry naman. Sorry baby Christiana. ' nasa harap ko ngayon ang daddy ni Christiana, sino pa ba? Edi si Christian.

Hindi naman siya namatay nung nahulog silang dalawa mula sa tulay. Pero grabe yung nangyari sa katawan nila. Nagkaron lang ng gasgas si Ate Abigail sa ilang parte ng katawan pero si Christian, malakas ang pagkakatama ng ulo sa tubig.

Pagkadating na pagkadating ng mga rescuers, sinugod agad namin sila sa hospital. Akala ko, mawawala na si Christian sa akin. Pero, thank God, hindi nangyari yun.

Dahil nga sa lakas ng impact, na-coma si Christian sa loob ng isang taon. Akala nilang lahat hindi na niya kakayanin, muntik na nga nilang pirmahan yung mga papel na magpapatigil ng mga makina na nakakabit sa kanya.

Pero hindi ako pumayag, pinilit ko sila na wag muna silang mawalan ng pag-asa. Habang nag-aaral, binabantayan ko rin si Christian sa hospital. May nagsasabi sa akin na isuko ko na siya, pero hindi pa rin talaga ako pumayag.

Hanggang sa dumating yung araw na pinakahihintay ko, nagising siya. Noong una, hindi niya ako matandaan. Pero sabi ng doctor, temporary lang naman daw yun.

After ilang months ng pagkwekwento at pag-aalaga ko sa kanya, bumalik na lahat ng memories niya. Kaya 1 year after naming grumaduate ng College, niyaya niya akong magpakasal.

' Baby, sampalin mo nga yang si mommy mo para bumalik sa katinuan. '

' Kung ano ano talagang tinuturo mo sa bata ano. Magpalit ka na para makapunta na rin tayo sa garden. Nagugutom na ako. '

' Excited ka lang matikman yung luto ko eh '

' Hindi porket Chef ka, ipagyayabang mo na sa akin yang skills mo. Pasalamat ka busy ako kaya di kita nalulutuan. Baka bumilib ka sakin? '

' Hahaha oo na. Magbibihis na ako, pumunta na kayo dun. Susunod nalang ako. '

Pumunta na kami ni Christiana sa garden at umupo sa tabi nila mommy. Anak namin ni Christian si Christiana. At anak naman nila Daniel at Abigail si Alicia.

Pinalaki namin nila Abigail na parang magkapatid sila Alicia at Christiana, kaya mommy ang tawag sakin ni Alicia kanina.

Dumating na rin si Christian at umupo sa tabi ko, napansin ko naman siyang umiiling habang tumatawa kaya napatingin ako sa tinitignan niya.

Sila Abigail at Daniel. Nag-aaway nanaman. hahaha. Ang lovestory nila ang pinakagulong love story na alam ko. Laging nag-aaway dahil parehas silang ayaw patalo. Pero sa huli, magkakasundo pa rin.

Ngayon, may dahilan na ako para sumaya. Kumpleto na talaga ang buhay ko, ano pang hihingin ko diba?

-

AN : Hi there!!!! Napakaikli lang nitong chapter dahil epilogue lang naman po. pero mapagtitiisan na rin hahahaha :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon