Chapter 44 : Foundation Month ( Third Week )

53 4 0
                                    

Chapter 44 : Foundation Month ( Third Week )

Kim's POV

Day 11

Halos lahat ng tao busy magkwentuhan tungkol sa nangyaring competition. Di ko tuloy mapigilang maasar. Kasi naman e. Bakit ba hindi ako pinaalis sa clinic. Badterp.

' Huy Kim! Ikaw ah. Porket Foundation Month. Para ka ng bula dito sa school. Bihira lang makita. '

' Wala. Trip ko lang talaga maging mushroom. Biglang susulpot. Tas trip ko din maging multo. Biglang mawawala. '

' Aynako Kim. Baliw ka na ah. Sya sige, goodluck sa competition ah. Hindi ka na pwedeng mawala. '

' Thanks Chesca. '

Volleyball yung unang laban mamaya. Kinakabahan nga ako e. Feeling ko hindi ako makakakain. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Daig ko pa yung nakakita ng multo. Grabe. Ganto pala feeling.

Pumunta na ako sa gym kasi dun daw kami magkikita kita. Dahil Volleyball yung laban ngayon, kaming Volleyball team yung may privilege na tumambay dito bago magstart yung laban.

' Guys, kailangan nating galingan okay? Maswerte tayo dahil hindi tayo pagod mamaya pag nag laban. Lamang natin sa kanila yun. Kaya ang kailangan niyo, Focus. Okay? '

' Yes Coach. '

Maya maya nag-start na yung laban. Basketball and Swimming Team. Masyado silang magagaling. Ang lalakas ng pwersa nilang parehas. Kunsabagay, malalakas ang katawan ng Basketball Player at Swimmer. Pinagpapawisan na ako ng malamig.

Nag-iinit na yung laban between sa dalawang team. Nakita ko rin si Christian. Magaling pala siyang maglaro. Atsaka napakaseryoso niya.

Bakit ganun? Kahit na, pawis na siya, ang gwapo pa rin niyang tignan? Parang ang presko parin ng dating niya. Kaya siguro madaming magkakagusto dito e.

' Kim, hinay hinay lang kakatingin kay Christian. Baka matunaw yan. Pwede mo pa naman siyang tignan mamaya pagkatapos. '

' Hindi ko siya tinitignan no. Wait lang Michelle ah. Cr lang ako. '

Pagdating ko ng CR. Feeling ko bumabaliktad yung sikmura ko. Ano ba yan? Ngayon pa ba sasakit yung tyan ko? Wag naman please.

Maya maya, narinig ko na naghiyawan yung mga nanunuod. Kung di ako nagkakamali, Swimming Team ang nanalo. Halaaa, hindi pa rin ako nakakalabas dito sa CR. 20 mins lang yung ibibigay na rest sa mga players, tapos magstastart na ulit yung laban. Bugbog pala talaga mga katawan ng players dito.

' Gosh. Ang baho naman dito sa CR. '

' Onga. Sino ba yun? Grabe ah. Ang bahoo. '

Teka, hindi naman mabaho yung nilalabas ko. Kaasar ah. Baka mamaya pag lumabas ako sabihin nila, ako yung may kasalanan. Nakakahiya naman.

' Antayin kaya natin sa labas? Tapos picturan na rin natin para mapahiya. '

' Tara, tara. Pero wag dito sa loob. Masyado ng mabaho. '

Wow. Ang bait nila ah. Nako. Nako. 3 mins nalang magstastart na yung laban namin. Paano ako lalabas neto?

Maya maya, may nagflush sa katabi kong cubicle. Teka, baka naman siya yung mabaho?

Nung narinig kong umalis siya, narinig ko na rin na wala ng nagtatawanan dun sa pintuan. Nakaalis na rin siguro pati yung mga babaeng maldita na yun.

Patay! Nagstart na yung game. Nagmadali na akong maglinis at tumakbo palabas ng CR. Pagdating ko dun, naglalaro na sila. Haay. Mag-aantay nalang ako na may mag sub

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon