Chapter 29 : Let the Love Begin
Christian’s POV
Andito ako ngayon sa court. May practice kasi kami ngayon ng team mates ko. Ang problema, bangko lang ako ngayon. Pano ba naman kasi kanina, nung nagsho-shoot ako, laging hindi ko maipasok yung bola.
“ Xing, mukhang wala ka sa focus ngayon ah? May problema ba? ” natigil naman yung pagkatulala ko nung nagsalita si coach.
“ Ah wala po coach. Wala lang po siguro ako sa wisyo mag training. Sorry po. ”
“ Sigurado ka jan ah? ”
“ Yes coach ”
“ Sige iwan na muna kita jan ”
Ano nga bang problema ko ngayon? Hindi naman masakit katawan ko. Hindi naman ako pagod. Basta ang alam ko lang, umamin na ako kay Kim na gusto ko sya kahapon at hindi ko alam kung positive ba o negative ba yung effect nun.
Tapos na silang mag training kaya eto kami ngayon sa isang bar dito sa Makati tumatambay. Ewan ko ba sa kanila, pagod na nga sa practice nagawa pang uminom. Parang wala silang mga klase bukas.
“ Christian, may problema ka ba? Bakit parang wala ka sa mood mag laro? ” – Denver
“ Wala tol. Pagod lang siguro. ”
“ Asus! Eh baka naman problema na sa babae iyan? ” – Carlo
“ Yuuuun! Sa wakas! Ang heartthrob ng Campus, inlove na ngayon” – Steven
Babae nga ba problema ko? Si Kim nga ba talaga? Bakit ba kasi ako umamin? Baka mamaya mailang na sa akin yun.
“ Ayy! Totoo nga. Inlove na nga talaga si Tropa! ” – Francis
“ Wala Wala. ”
“ Sino nga? Sino yung babaeng KINAHUHUMALINGAN mo ngayon? ” – Carlo
“ Sira! Wala nga. Sge. Mauuna na ako ah ”
Pagtayo ko, hindi pa rin sila tumitigil sa pang-aasar sakin. Hanggang sa paglabas hindi pa rin sila tumitigil sa pagsigaw sa akin ng “Ligawan mo na! Ligawan mo na! Natatawa na nga lang ako sa kanila eh. Pinagtitinginan na ng ibang customer.
“ Tss. Mga sira :) ”
Kim’s POV
Mamatay na ako sa boredom dito sa bahaaay. Nagawa ko na ata halos lahat ng pwede kong magawa eh. Nakanuod na ako ng movie. Nakapag-aral na ako. Nakaligo na ako. Nakaluto na ako. Nakakain na ako. Halos lahat, nagawa ko na! But still, hindi pa rin nawawala boredom ko. Maginternet nalang kaya ako?
Wow nicee, 20 friend requests. Hahaha, napaghahalataang minsan lang ako mag-online ah.
Accept
Accept
Accept
Accept
Akalain nyo, inadd pala ako ni Christian. Matagal na ata tong request nya, ngayon ko lang napansin.
Accept
Inaccept ko na rin yung ibang request. Halos mga classmate ko lang din naman yung mga nag-add sa akin. Tignan ko kaya profile ni Christian? Wala akong magawa eh. Nyee, ang boring naman! Halos walang picture. Pero andaming friends. Ano kaya yun? Gumawa ng account di naman inaupdate. Tss. Makapag-out na nga lang.
BINABASA MO ANG
My Long Lost Bestfriend?
HumorLahat naman siguro ng tao, may maituturing na bestfriend. Kasama mo sa mga kakulitan. Kalokohan at kaharutan. Pero pano kung bigla siyang kinuha ni Tadhana? At paano kung kahit ilang beses mo na siyang kalimutan, di mo magawa. Kasi, narealize mo na...