Chapter 33 : Fake Relationship

95 3 4
                                    

Chapter 33 : Fake Relationship

Kim's POV

' It's a Beautiful day and I can't stop myself from smiling..'

Ang gaan ng gising ko ngayong araw. Di ko din alam kung bakit. haha. Pero, matagal na ring maganda gising ko e. Simula nung mas naging close kami ni Christian. haha. kileg kileg. jk :))

Medyo maaga ako nagising ngayon, kaya naisip ko na maglakad nalang. Exercise na rin.

' Ay Bakla! ' Nakakagulat naman tong umakbay sakin at kinuha ang headset ko

' Ako bakla? Sa gwapo kong to mapagkakamalan mo akong bakla? :( Grabe ka naman sakin '

' Eh sino ba naman kasing di magugulat sayo? Bigla bigla kang nanga-akbay. Akala ko tuloy magnanakaw. '

' Ikaw naman kase, bakit naglalakad? Ediba meron namang naghahatid sayo na sasakyan? '

' Wala lang. Trip trip haha '

' Baliw ka talaga. Tara na nga '

Pagpasok namin ng campus. Ang daming nagtitinginan saming dalawa. May dumi ba kami sa mukha?

' Uy Christian. Madumi ba mukha nating dalawa? Bakit sila nakatingin satin? '

' Ano ka ba. Nagulat lang yang mga yan. Sabay kase tayong pumasok. Tapos nakaakbay pa. '

Bigla kong naalala na nakaabay pa nga pala sya sakin. Nakita tuloy ng iba. Nakakahiya naman. Baka mamaya sugurin nanaman ako ng mga fangirls ni Christian =_=

' Oh bakit mo naman tinanggal? '

' Ano ka ba? Alam mo namang hearttrob ka dito sa school mo diba. Baka mamaha awayin nanaman ako ng mga yan. '

' Ikaw lang ba dapat kabahan? Ediba, ligawin ka na rin ngayon ng mga lalaki? Ang dami na rin kayang nagkakagusto sayo. Baka nga ako yung mabugbog e. '

Aaminin ko. After ng lahat ng pambubully nila sakin. Bigla nalang dumami yung mga nagkakagusto sakin. Ewan ko din ba. Simple lang naman ako.

' Tara na nga. Baka malate na tayo. '

Ilang days na kaming sabay pumasok ni Christian. Lagi na nga rin kaming inaasar kase miski pag lunch at recess kami parin daw ang magkasama. May mga naririnig na nga rin akong nagchichismisan. Kami na daw ba ni christian.

Aminado naman akong may gusto na rin ako kay Christian. Masyado kaming nagiging close these past few days. Kaya siguro nahuhulog na loob ko sa kanya.

Kriiiiiing Kriiiiiiing

' Oh Daniel, napatawag ka? '

' Ah wala.hindi ka kesa masundo ni manong ngayon. May sakit sya e. Okay lang? '

' Ganun ba? Okay lang. Kaya ko naman sarili ko. :)) '

' Okay sge. Mag-iingat ka ah? '

' Oo naman no. Baka dumaan na rin muna ako sa palengke mamaya. Maghahanap ako ng prutas para sa kanya. '

' Nako Kim wag na. '

' Pero para kay Manong naman yun e. '

' *sigh* Okay sge. Pero sa SM nalang. Delikado mamalengke ng mga gantong oras. Baka gabihin ka sa daan. Okay? '

' Sgesge. Babye '

Tinignan ko muna yung wallet ko kung meron akong dalang pera. Minsan kase, iniiwan ko lang pera ko para maka-ipon. Buti nalang nadala ko to ngayon.

' Kim, uuwi ka na agad? '

' Oo e. Dadaan pa kase ako ng SM. Bibili ako ng fruits. :) '

' Ah ganun ba? Sama na rin ako. tinatamad pa akong umuwi e. :)) '

' Sige ba. Tara na. '

Kung nagtataka kayo kung sinong kasama ko. Wag na kayong magtaka. Hahaha. Sino pa banag sasama sakin kundi si Christian diba? Haha.

Sinamahan nya akong maglakad. Pinauwi na rin nya yung driver nya para di na siya antayin. Haay. Ewan ko ba, kahit kanina pa kami naglalakad. Hindi pa rin ako nakakaramdam ng pagod :3

' Kim. Upo muna tayo sa foodcourt. Medyo nakakapagod maglakad e. Maya na tayo bumili pagkapahinga. :) '

' Sige sige. :)) '

Iniwan nya muna ako sa may upuan. Bibili daw muna sya ng maiinom namin.

' Uy Kim. Anong ginagawa mo dito mag-isa? '

' Uyy Chesca, wala inaantay ko lang si Christian. Kasama ko sya dito :) '

Nginitian nya lang ako ng mapang-asar tapos umalis na rin siya agad.

' Kim oh, bumili ako ng milktea atsaka fries. Kain muna tayo. '

' Thank you :)) '

' Bat parang may kausap ka kanina? '

' Ah wala. Si Chesca yun, napadaan lang :) '

Pagkatapos naming kumain at magpahinga. Bumili na rin kami agad ng prutas para matapos na kami agad. Nakakatuwa nga e. Andami rin naming napag-usapan habang pumipili ng magagandang klase ng prutas. Kaso ngalang, puro ako yung tinatanong nya e. Sagot na nga lang ako ng sagot haha.

' O sige, Christian. Thanks sa pagsama sakin ah? Kitakits nalang bukas :) Babye '

Pagkauwi ko, dumiretso na ako agad sa kwarto ni Mang Roy para ibigay yung prutas. Tuwang tuwa nga sya e. :)) Pagkatapos kong iabot sakanya. Kumain na rin ako ng onting dinner at naghanda ng gamit para bukas. Hindi na siguro ako magrereview. Nakakapagod pala tong araw na to e.

School

' Goodmorning Kimmy :) '

Ang aga aga. Si Christian agad yung bumugad sa mukha ko. Haha. Ang ganda ng araw ko neto panigurado :D

' Goodmorning din Christian :) Tara, sabay na ulit tayong pumasok. Haha. '

Pagpasok namin ng classroom, halos lahat ng classmates namin nakatingin saming dalawa. Ano nanaman kayang trip ng mga to? -.-

' Oh guys. Bat ganyan kayong lahat makatingin samin ni Kim? Atsaka bat para lahat kayo nakangiti? '

' Umamin nga kayo Christian, kayo na ba ni Kim? '

Ano daw? Loko talaga tong si Terrence. Kung ano ano pinagsasabi.

' Uy hindi ah. Loko talaga kayo. Tara na nga Christian. Upo na tayo baka maabutan pa tayo ni Sir. '

Pagkaupo naming dalawa. Bigla namang tumayo si Chesca at may dinikit na picture sa board. Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko yun. Picture namin ni christian yun kahapon habang kumakain kami ng fries! Sakto pang nakatingin kami sa isa't isa at nakangiti. Aynako.

' Itatanggi nyo pa ba, Kim and Christian? Bagay naman kayo e. Ang kyut nyo ngang dalawa e. :)) '

' Onga onga. ' sumang ayon naman tong mga classmate namin. Mga baliw.

( A/N : Pero deep inside, kinikilig )

( Kim : Sumisingit ka nanaman? Akala ko tumigil ka na sa ganyan? )

( A/N : Akala mo lang yun. haha. ble. )

' Hay nako. Oo na. Sige na. ' Bigla nya akong inakbayan. huh? Anong pinagsasabi ni Christian?

-  

-   

-  

-   

-

' Mag-on na kami ni Kim. 1 week na ang nakakalipas :) '

O.O SERIOUSLY???!!!

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon