Chapter 6 : Similarities

198 9 0
                                    

Chapter 6 : Similarities

Kim’s POV

Bigla niya akong niyakap, hala bakit? Masyado ba akong umiyak at kino-comfort nya ako ng ganto? Or baka naman..

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

Nanantsing lang to >.<

“ Hoi, bitiwan mo nga ako. Ayos tsansing ah! ”  bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin at tinignan ko siya sa mukha.

Gwapo siya ah. Matangkad. Moreno. Matangos ang ilong. May pagkasingkit ang mata niya. Madami sigurong nagkakagusto sa kanya.

Pero bakit ganun? Feeling ko, nakita ko na siya dati?

Isip

Isip

Isip

Isip

“ Ahh ”  biglang sumakit ulo ko. Bigla tuloy akong nahilo at napaupo

“ Miss ayos ka lang? Upo muna tayo dito. ”

Umupo kami sa bench na pinakamalapit. Nandito kasi kami banda sa may park. Buti nalang may malapit na upuan.

“ Uhm miss? Ayos ka na po ba? Ano bang nangyari sayo? ”

“ Ah wala. Sumakit lang ulo ko tapos bigla akong nahilo. Gutom lang siguro to. (^_^) ”

“ Kaya naman pala eh. Gusto mong kumain? Nagugutom na rin naman kasi ako eh. Sabay na tayo ”

Kala ko hindi siya totoong mabait. Ang sungit kasi niya kanina nung natapunan ko siya eh. Kunsabagay, sino ba naman kasing hindi magagalit kung matatapunan ka ng kikiam sauce diba? (---_---)

“ Ah eh wait titignan ko lang wallet ko ah. ”

Kinuha ko yung wallet sa bulsa ko at binuksan. Pagbukas ko, puro langaw lang ang nagsiliparan palabas.

 Pero syempre joke lang yun. Sa sobrang hirap ko, kahit langaw wala sa wallet ko. V(^_^) Naku, paano ako kakain nito?? Wala na pala akong pera.

“ Wag ka nang maghanap ng pera kasi wala ka din namang makikita jan ” sabi niya sa akin.

Pero syempre joke lang ulit yun (^_^) Baka makotongan ko lang to, pag sinabi niya yun.

“ Wag ka nang maghanap ng pera, lilibre na kita. ”

Tatanggi sana ako kasi nakakahiya dahil : Una, natapunan ko siya ng kikiam sauce, Pangalawa : Kakakilala ko lang sa kanya. Pero dahil nga nahihiya ako….

“ Sure ka treat mo ha. Sige ba! ”

Bakit pa ako tatanggi diba? Eh libre na nga yung lumalapit sa akin. Atsaka gutom na talaga ako no. Palalagpasin ko pa ba to? Sayang chance no. Atsaka, mukha naman siyang mayaman eh. :>

Christian’s POV

“ Sure ka treat mo ha. Sige ba! ”

ang bipolar talaga nitong babaeng to. Kanina umiiyak. Tapos biglang naninigaw. Tapos umiyak nanaman. Tapos biglang ngumiti.

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon