Chapter 31 : Steps in Courting ( Part 1 )
Christian’s POV
Kanina pa ako nakakulong dito sa kwarto ko, hindi pa nga ako nakakapag-almusal eh, si Kim naman, panigurado nasa part time job niya kila Abigail. Hmmm, buti natitiis ni Kim magtrabaho dun? Eh napaka suplada ni Abigail at napakamaldita. Lalong lalo na sa mga babae. Text ko nga muna si Kim.
To: Kimberley Arganio <3
Goodmorning Kim.
Hindi nagre-reply, baka busy pa. Makapag-online na nga lang, matagal tagal ko na rin tong di nagagamit eh. Huling bukas ko dito, hinanap ko lang yung account ni Kim. Uyy, inaccept na pala niya ako eh. Hinalungkat ko muna yung account niya. Ang konti ng pictures ah? Pero, lahat naman magaganda. Kahit nga stolen eh. Ang ganda niya talaga ngumiti =))
Vince : Hey bro!
Uyy si Kuya nag-chat. Sabihin ko na rin kaya sa kanya yung tungkol kay Kim? For sure, matutulungan ako nito. Sanay sa chix to eh.
Me : Huy kuya!
Vince : Kamusta ka na? Binata ka na ah, may nililigawan ka na siguro no?
Me : Okay naman ako dito. Wala no, pero may balak akong ligawan =)
Vince : Sabi ko na nga ba, may napupusuan na ang minamahal kong bunsong kapatid <3
Me : Tigilan mo nga ako kuya sa pinagsasabi mo, kinikilabutan ako!
Vince : Hahaha, joke lang naman Chris. Pero, eto seryoso na. Sino ba yung gusto mong ligawan?
Me : Wait, may picture ako sa kanya dito eh. Send ko sayo.
May picture ako sa kanya habang nasa stage sya,nung nag-aaudition. Hindi ako yung kumuha ng picture ah. Basta, kinabukasan, pagbukas ko ng locker ko, may nakaipit na na picture nya dun. Baka nga si Kevin yung kumuha nun eh.
Vince : Hmm, bilib naman ako sayo kapatid ah. Galing mong pumili ng babae
Me : Maganda ba?
Vince : Oo naman no, pero alam mo? Parang may kamukha or kahawig sya.
Me : Huh? Sino naman?
Vince : Si Coleen..
Me : Ahh, onga eh. Actually, nung una ko syang nakita yun din yung naisip ko. Tapos nung nakaclose ko sya, ang dami rin nilang pagkakaparehas.
Vince : Oh? Tulad ng?
Me : Basta, madami eh. Dibale, pag umuwi ka dito, iisa-isahin ko sayo.
Vince : Matatagalan pa pala yang pagkwekwento mo eh. Hahaha.
Me : Kelan ba kasi uwi mo dito kuya?
Vince : Matagal, tagal pa eh. Ano, gusto mo bang tulungan kita jan kay Kim?
Me : O’naman.
Vince : O sige, bibigyan kita ng 10 steps kung paano manligaw. Hindi ka pwedeng mag-skip hanggat di mo nagagawa yung una ah?
Me : O sige. Deal
Kaya ko ba to? Kahit naman sampu lang to parang nakakahiyang gawin eh. Oo, alam kong heartthrob ako sa campus >:) Pero, hindi naman kasi talaga ako nakakapangligaw pa. Nakakapag-aya ako ng date, oo. Pero manligaw? Hindi. Atsaka yung mga pag-aaya ng date, petiks lang sakin yun eh. Alam mo naman yung ibang babae, konting kindat mo lang, makukuha mo na agad.
Iba si Kim, kaya kahit nakakahiya gawin tong mga to. Gagawin ko.
A/N : Sorry for Late UD. Nagloloko Net namin sa bahay. Huhuhuhu T.T Magpopost ako bukas ;)
BINABASA MO ANG
My Long Lost Bestfriend?
HumorLahat naman siguro ng tao, may maituturing na bestfriend. Kasama mo sa mga kakulitan. Kalokohan at kaharutan. Pero pano kung bigla siyang kinuha ni Tadhana? At paano kung kahit ilang beses mo na siyang kalimutan, di mo magawa. Kasi, narealize mo na...