Chapter 49 : Graduation
Coleen's POV
Tinawag na yung pangalan ko kaya nag-lakad na ako paakyat sa stage para basahin yung ginawa kong speech kagabi. Well, hindi ko nga alam kung matino tong speech na to e. Wag ko nalang kaya basahin?
' Hi. Hello. Hehe. Ano ba yan. ' natawa naman ako sa pinagsasabi ko kaya pati yung audience natawa na rin. ' Pasensya na po ah. Gumawa kasi ako ng speech pero parang masyadong pormal. Parang hindi ako. Impromptu nalang gagawin ko. hehe '
Aynako, Coleen. Umayos ka nga. Ikaw lang ata valedictorian na baliw e. Okay okay.
' Una sa lahat, ayaw ko pong mag-english sa speech. Wala lang po. Sabi kasi nila mas damang dama daw po pag tagalog. Kaya makikigaya nalang din ako. ' nagtawanan nanaman yung audience sa sinabi ko. ' Hi guys! Classmates. Schoolmates. Teachers. Finally, nagawa na natin. Narating na natin yung araw na to. After four years ng kalokohan, katuwaan, kalungkutan at kastressan dahil sa mga assignments, eto na tayo oh. Natapos na natin. '
' Dati, ayoko talagang maniwala na memorable ang highschool life. Bakit ba kasi highschool yung memorable, eh pwede naman elementary? Kasi, 6 years ang sa elementary tapos 4 years lang ang highschool. Ewan ko din kung paano nangyari pero memorable nga talaga ang highschool life. Mas may isip na kasi tayo nang makarating tayo sa stage na to. Maraming nakaranas ng malulupit na barkadahan at nakakatawang asaran. Marami ring nakaranas ng first love ' biglang sumigaw ng ' Christian ' yung isa kong kaklase pero buti nalang nabatukan sya ng katabi niya.
' Sa loob ng apat na taon, madami tayong natutunan. Madaming tayong nakilala at naging kaibigan. Pero di rin naman naiwasang nagkaroon tayo ng kaaway. May mga bully na gumanti, ' bigla kong naalala si Kevin ' at may mga tumigil mangbully. Maraming nangyari sa atin sa loob ng apat na taon. Mga pangyayaring hindi lang dapat natin alagaan kundi pati gamitin para sa mas marami pang experience sa hinaharap. '
' Sa mga teachers naman, na hindi nag-sawang umintindi at gumabay sa amin, maraming salamat po. Hindi kami aabot dito kung hindi dahil sa inyo. Hindi namin kakalimutan lahat ng tinuro niyo sa amin hanggang sa pagtanda. Thankyou teachers. Sa school naman na naging pangalawang tahanan ko kahit sa loob lang ng isang taon, maraming salamat sa lahat ng fun experiences this school year. Hindi ko pagsisisihang lumipat ako dito. Thankyou! ' wala na akong maisip kaya bumaba na ako at bumalik sa upuan ko.
' Ang pangit ata ng speech ko. ' bulong ko kay Christian na katabi ko ngayon
' Maganda naman e. Kasing ganda mo. '
Tumawa nalang ako ng mahina at nakinig na sa harapan. Sino ba namang mag-aakala, na ang new student sa school na ito ang magiging Valedictorian. At ang lalaking laging late nung nakaraang taon ay magiging Salutatorian.
Nakakatawa talaga kung anu-anong mga bagay ang pwedeng mangyari sa loob lang ng maikling panahon. Mga pangyayaring makakapagbago pala sa buhay mo.
-
' Coleen, tayo naman mag picture. Kanina pa kayo ni Daniel e. Baka mapuno na memory mo niyan. ' reklamo samin ni Christian. Kanina pa kasi kami nagpipicture, may usapan kasi kami dati. Pupunuin namin yung isang album sa bahay niya ng pictures namin.
' Wait lang. Mabilis nalang to. '
Bigla namang umalis si Christian at pumunta sa iba pa naming mga kaklase. Loko talaga yun. Parang bata.
' Coleen. Mamaya na tayo magpicture. Puntahan mo na si Christian muna duun. ' tinignan ko naman kung saan nakatingin si Daniel at tumaas ang kilay ko sa nakita ko.
BINABASA MO ANG
My Long Lost Bestfriend?
HumorLahat naman siguro ng tao, may maituturing na bestfriend. Kasama mo sa mga kakulitan. Kalokohan at kaharutan. Pero pano kung bigla siyang kinuha ni Tadhana? At paano kung kahit ilang beses mo na siyang kalimutan, di mo magawa. Kasi, narealize mo na...