Chapter 5 : The Girl behind "The Voice"

223 5 0
                                    

A/N : Medyo hinabaan ko yung chapter na to. First POV kasi to ni Kimberley eh :) Watch out po sa character niya :)

-------

Chapter 5 : The Girl behind “The Voice”

 

 

Kim’s POV

 

“ Aray “ nako patay, may nabunggo akong lalaki. Nagmamadali na kasi akong umuwi kasi late na. Hindi alam ni Nanay, na umalis nanaman ako ng bahay para sumali sa Contest.

Ang bait naman nitong lalaki na to. Tinulungan niya pa akong ligpitin yung gamit ko kahit nabanga ko na siya.

“ Thank you po kuya ah. Atsaka sorry nga po pala. Salamat po uliiiit “

tumakbo na ako. Kailangan ko na kasi talagang umuwi. Gabi na, may pasok pa ako bukas. Atsaka di pa ako nagpaalam kay Nanay. Lagot ako dun pag-uwi.

Dibale, atleast nanalo ulit ako. 5 thousand din to ah. Pandagdag sa kita ni Nanay. Actually, mahiyain naman talaga ako ipakita yung talent ko sa pagkanta. Kailangan ko lang talaga sumali sa contest para matulungan yung Nanay ko. Mahal na Mahal ko yun eh.

Sa Bahay

 

 

“ Kimberley Arganio, san ka nanaman nanggaling ha?”

 

 

“ Ay, Nay! Mano po. Bakit gising ka pa po? Gabi na po oh. Matulog na po tayo. Una na po ako sa kwarto ah. Goodnayt! ^_^”

“ Teka, teka bumalik ka dito ”

 

Hinila niya ako sa kamay kaya napabalik ako sa harapan niya. Uh-oh. Sermon time agaiiin.

“ Umamin ka sa akin, san ka nanggaling?”

 

 

“ Sa Plaza po… ”

 

 

“ Anong ginawa mo dun? Wag mong sabihing sumali ka nanaman sa Patimpalak na yun?”

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon