SPECIAL CHAPTER : DANIEL AND ABIGAIL
Daniel's POV
Bata pa lang ako nung una kong makita si Abigail sa isang photoshoot sa States. Inis na inis pa nga ako sa kanya e. Masyado kasing maarte. Hindi ko nga inexpect na magiging close friends kami.
Flaaaashback
Nandito ako ngayon sa Photoshoot ng isang sikat na Magazine sa states. Sinuggest lang ako dito ni Mr. Chua para may extra income ako habang nandito ako sa states.
' Mr. Daniel Mercado, meet your partner today. Ms. Coleen Chua '
' Hi Coleen. I'm Daniel. '
' I don't care. I don't like you. '
Nakakainis naman tong babaeng to. Magpapakilala lang e. Kung ayaw niya sakin, ayoko rin sa kanya. Ayoko ng ganyang ugali. Masyadong maarte.
' Hindi rin kita gusto. Maiwan ka na nga. '
' Excuse me? What did you say? Wala pang nagsasabi sakin na hindi nila ako gusto. Never in my life na narinig ko yan! '
' Marunong ka naman pala magtagalog. Ang dami mo namang arte '
Iniwan ko na siya dun mag-isa. Nakakaasar. Maya maya, tinawag na ako ng Photographer. Kailangan na daw namin mag photoshoot.
Mabilis na natapos yung photoshoot namin. Aaminin ko, maganda tong si babae. Hanggang ngayon di ko pa rin alam pangalan niya. Kung anong ganda ng mukha, siyang panget naman ng ugali.
-
' Daniel. Dun kita ipapasok sa school na pinapasukan ng anak ko. Ginawa ko na rin kayong classmates para maging close kayo. '
' Thankyou po Mr. Chua '
' And by the way, kinuha na rin kita ng isang room sa dorm na nasa loob din ng campus para di ka na mahirapan pa.
' Thankyou po talaga. '
Maaga ako nagising kinabukasan. Syempre first day ko sa school na to. Di dapat ako malate.
Pagpasok ko sa room. Dun ako pumwesto sa pinakadulo. Ayokong makakuha ng attention. Maya maya, may pumasok na isang babae. Halos lahat nakatingin sa kanya, parang familiar to ah. Siya ba yung nasa photoshoot?
Tumingin ako sa paligid, wala ng vacant seat. Sa tabi ko nalang yung natitira. Umupo siya sa tabi ko at diretsong nakatingin sa harap. Pinagtitinginan siya ng lahat. Ganda niya kase e.
' Stop looking at me. I know I'm pretty. But I don't like you all. '
Nagulat ang lahat ng classmates namin. May mga nagbulungan. Narinig ko lang, masyado daw mahangin si. Sino ba to? Basta, tong babae.
-
After ilang months, marami rami na rin akong naging kaibigan. Pero si babae. Wala pa rin. Mag-isa lang siya palagi na kumakain pag recess at lunch.
Pauwi na ako ngayon, pero bakit parang may sumusunod sakin?
' Kung sino ka man. Lumabas ka na. Kanina pa kita nararamdaman. '
' Bakit wala akong kaibigan? '
' Mayabang ka kase. Ni hindi ko nga alam pangalan mo e. Panigurado di ka rin kilala ng mga classmate natin. '
' I'm Abigail Chua. I'm pretty, rich and smart. I want to be your friend. '
' Aanhin mo yung mga ganyang katangian kung mayabang ka naman. Magbago ka muna. Bye. '
BINABASA MO ANG
My Long Lost Bestfriend?
HumorLahat naman siguro ng tao, may maituturing na bestfriend. Kasama mo sa mga kakulitan. Kalokohan at kaharutan. Pero pano kung bigla siyang kinuha ni Tadhana? At paano kung kahit ilang beses mo na siyang kalimutan, di mo magawa. Kasi, narealize mo na...