Chapter 9 : Date

193 5 2
                                    

Chapter 9 : Date

Kim’s POV

Ngayon na yung date namin ni Christian. Ewan ko ba kung bakit pero parang naexcite ako na ewan. Siguro dahil first time ko to. Wala naman kasi akong hilig sa mga gantong bagay. Yung mga date date na yan. Buti nga, binilhan ako ni Christian ng damit eh. Cute nga sa akin ^_^ Nung Tuesday pa kasi ako isip ng isip kung anong isusuot kong damit sa date namin xD

“ Aba, ang ganda naman ng damit mo anak, galing nanaman ba sa ipon mo yan ? ”

“ Ay hindi po Nay. Regalo po sa akin to nung kaibigan ko na kwinekwento ko sa iyo. ”

Kwinento ko kasi kay Nanay si Christian. Sinabi ko rin yung kasalanan ko sa kanya kaya ako pumayag sa date na alok niya sa akin. Ayoko ko kasing nagtatago ng sekreto sa kanya eh. Ngapala! Yung scholarship ko di ko pa nakwekwento sa kanya. Hmm. Maya nalang pag-uwi ko.

“ Yung Daniel ba yun anak? Madalas mo kasi siyang ikwento eh ”

“ Hindi po.. Si Christian po yung tinutukoy ko. Yung natapunan ko ng Kikiam Sauce? ”

Akala ni Nanay si Daniel :> Yung kababata ko na crush ko xD Speaking of Daniel, kelan kaya uwi niya galling America? Namimiss ko na yun eh.

“ Ahh!! Yung mayabang ba kamo? Ngayon pala ang date mo anak. Sige mauna ka na. Wag ka masyadong magpapagabi ah. Mahirap na. Baka may gawing masama yang si Christopher sayo. ”

“ Christopher? Christian po nay. Sige una na po ako ”

“ Christian ba yun? Akala ko Christopher ”

Bulong lang ni Nanay yun sa sarili niya pero narinig ko. Hahahaha. Nanay nga naman oh. Umalis na ako ng bahay tapos pumunta sa Terminal ng mga Tricycle. May kakilala kasi ako dun eh, para libre sakay. xD

“ Mang Teban! Pwede niyo po ba akong ilibre ng sakay sa Xing’s Resort. Dali na pleaaaase ? ”

“ Aba, bakit ka naman pupunta sa resort ng mga Xing?? ”

“ Ah eh. Basta po. Dali na. Libre mo na akoooo. Diba nagtratrabaho ka din dun? Wag niyo pong sasabihin kay Christian na ako si Kim ah. :))) ”

“ Ah! Ikaw siguro yung ka date niya na hindi niya kilala noh? Haay. Ang liit talaga ng mundo. Alam mo bang interesadong interesado siya sayo? Kaya ka nga niya hinahanap. Kaso, nung nakita ka naman niya. Di niya alam na yung hinahanap niya nasa harapan na pala niya….”

Sumakay na ako sa Tricycle. Di pa rin nagbabago tong si Mang Teban oh. Daldal pa rin xD

“ Tumigil na siya kakahanap kay Kim kasi mukhang sayo siya nag ka interes. Di naman niya alam na yung babaeng gusto niya at si Kim ay iisa.”

“ May gusto po siya sa akin? Kaya po pala, sobrang bait niya sa akin. Pakitang tao lang po ba  yun? ”

“ Di mo alam yun? Hahahaha, May gusto nga talaga sayo yun. Kasi kung trip ka lang niya. Masasabi niya yun agad sayo na gusto ka niya kahit hindi naman. Pero, mukhang umurong dila niya sayo eh . Hahahaha. Mabait naman yung batang yun. Nagkasuspension lang yun dahil siguro yung utak niya puro si Coleen pa rin ang iniisip. ”

“ Coleen? Ex girlfriend mo pa ba niya yun? Iniwanan siya? Niloko? Pinagpalit sa iba? ”

“ Wala pang nagiging girlfriend yan si Christian. Sa Date pumapayag siya pero si relationship ayaw na niya. SI Coleen, bestfriend niya yun nung bata siya, mahal niya yun kahit mga 6 yrs old palang sila nun. Kaso nga lang, nagkaron ng aksidente nung minsang pumalaot sila sa dagat. Nalunod si Coleen at hindi na natagpuan yung katawan. Kaya yang si Christian, nalungkot ng sobra sa pagkawala ng mahal niya at bestfriend niya, Sa totoo nga lang, ikaw palang yung pangalawang babaeng nagustuhan niya bukod kay Coleen. ”

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon