Chapter 31 : Steps in Courting (Part two)

125 4 0
                                    

Chapter 31 : (Part two)

Christian’s POV

Binasa ko ulit yung nilista ko sa papel kanina na binigay sa akin ni Kuya Vince. Ewan ko kung gagana to kay Kim ah. Pero sabi niya, tried and tested na daw nya yun sa madaming babae. Kuya talaga oh, napaghahalataang chickboy. Eto nga pala yung binigay niya sa akin :

10 Steps in Courting

1.     Be friends with her.

2.     Give her presents everyday.

3.     Meet her parents.

4.     Think of something that will fascinate her.

5.    Serenade her.

6.     Have a fight with her.

7.     Apologize to her.

8.     Save her life.

9.     Invite her in a date she’ll never forget.

10.  Ask her to be your girlfriend.

Kahit na sampu lang ang nakalista dito, hindi ko masasabing magiging madali lang gawin lahat ng to. Bakit ko nasabi? Syempre, bawat step kailangan kong paglaanan ng effort. Pero sabi nga ni Kuya, pag nakita ng isang babae na nag e-effort ang isang lalaki para sa kanya, mas mabilis daw siyang mahuhulog dito. Ang mahirap dito, sabi ni kuya, hindi daw ako pwedeng mag move sa next step hanggat di ko nagagawa yung previous step.

Flashback

Me : Kaya ko bang gawin lahat ng to?

Vince : Kaya mo yan, ano ka ba! Petiks lang yan sa mga gwapong katulad natin.

Me : Pero kuya, iba si Kim. Hindi naman siya basta bastang nakukuha sa kagwapuhan lang.

Vince : Alam ko, kaya ka nga mag eeffort diba? Para mapakita mo sa kanya, na yung mga tipo nyang babae, pinageeffortan ng todo.

Me : Hayoop. Love Guru ka na ngayon? Hahaha

Vince : Pero goodluck sayo bro. Ngayon ka nalang ata nainlove after nung nangyari.

Me : Well, thanks anyway.

End of Flashback

Sa ngayon, iisipin ko muna kung paano gagawin yung steps ng isa isa. Buti nalang, walang pasok ngayon. Makakapagconcentrate ako.

Step 1 : Be Friends with her

“ Kung close na kayo ng gusto mong ligawan, hindi ka na mahihirapang makakuha ng facts about her. Malalaman mo kung ano yung likes at dislikes niya. Kung anong hilig niyang gawin kung bored sya. Kung san nya trip pumunta pag malungkot sya etc. For short, friendship is the beginning of everything :) ”

Well, friends naman na kami ni Kim eh. May ilang alam na rin ako sa kanya, pero di ko sure kung enough na yun.  Dibale, pwedeng pwede ko naman siyang daldalin anytime I want. Classmates naman kami. Seatmates din kami. Atsaka, pwede ko rin naman syang i-text eh. Pwede ko ring tawagan? Ah basta! I’ll find a way.

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon