Chapter 40 : Christmas Eve

76 4 0
                                    

Chapter 40 : Christmas Eve

Kim's POV

Goodmorning sunshine! Ang aga ko nagising ngayon, siguro dahil December 24 ngayon. Special kasi tong araw na to, hindi lang dahil Noche Buena mamaya, birthday din kase ni Ate Trixie ngayon. Kaso di ko na siya naabutan e. Namatay kasi siya. Sa mismong araw ng birthday niya.

Time Check : 7:30 am

Maaga pa masyado. Tulog pa siguro si Nanay ngayon. Ihahanda ko nalang yung gagamitin ko mamaya. Para mamaya, maliligo nalang ako.

Beeeep Beeeep

From : Christian :)

' Goodmorning Kimmy :))) '

To : Christian :)

' Goodmorning din sayo ;) '

Himala, ang aga din ata nagising neto ngayon? Alam ko, tulog mantika yun e. Kaya laging late.

From : Christian :)

' Nagreready na kami para sa handaan mamaya :) Kayo ba? '

To : Christian :)

' Hindi pa nga e. Teka ah, gigisingin ko na si Nanay. May pupuntahan pa kase kami.

Hindi pa pala kami nakabili ng ihahanda. Gigisingin ko nalang si nanay para makaalis kami agad.

-

Pagkagising ni Nanay, ako na yung naunang maligo. Matagal kasing maligo yun si Nanay e. Nag eenjoy ata sa tubig. Sirena daw kase sya dati, sabi niya nung bata pa ako.

' Nay, bibili po muna ako ng bulaklak ah. Para pagtapos mo, diretso na tayo sa sementeryo. '

' Okay sge anak. Wag mong kalimutan yung paborito niya ah? '

' Opo. Alis na po ako. '

Taon-taon naming binibisita yung puntod ni ate. Halos wala ata akong natatandaan na nakalimot kaming dumalaw dun.

' Ate, may mga gumamela po ba kayo dito? '

' Meron po, nandun sa gilid. Pumili nalang po kayo '

Ewan ko ba kay Ate, pero sabi ni Nanay yun daw yung paborito niyang bulaklak. Simple lang. Parang siya.

Pagkatapos kong bumili ng bulaklak, tinext ko si Nanay kung tapos na siya. Sakto naman na paalis na rin siya ng bahay. Magkita nalang daw kami sa sakayan.  

Pagkadating namin sa puntod, nilapag ko na yung dala kong bulaklak at nilinis yung lapida niya. Tahimik naman kaming umupo din ni nanay. Maya maya, nakita ko ng umiiyak si Nanay.

' Hi ate. Musta na? Sayang di mo ko naabutan no? Hindi mo tuloy alam na may nakababata kang kapatid. Ang saya siguro ng may kapatid no? Lalo na, parehas pa tayong babae. Siguro ikaw yung bestest friend ko. Baka siguro, inaasar mo ko ngayon kase ate alam mo ba? Marami rami nang nagkakagusto sakin. Nakakagulat nga e. Simple lang naman ako. Siguro ate, kung hindi ka.nawala, ang ganda ganda mo ngayon. Buti nalang may mga picture sa bahay nung bata ka pa. Yun lang yung tinitignan ko. Hindi nga ata kita kamukha e? Wala kasi akong mahanap na picture ko nung baby pa ako. Advance Merry Christmas ate. Iloveyou. Sana happy ka jan sa kinaroroonan mo :) '

Pagkatapos ng ilang oras. Umalis na kami ni Nanay. Malapit na kase mag past 12. Hindi pa kami nakakakain tapos, hindi pa kami nakakapamili ng  ihahanda mamaya.

' Kim. Nakita ko kanina si Mang Teban nung papunta tayo dito, dun na lang daw tayo magcelebrate sa resort. '

' Parang nakakahiya naman nay e. Lagi tayong nakikikain dun haha. '

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon