Chapter 47 : Saving the Princess

46 4 0
                                    

Chapter 47 : Saving the Princess

Christian's POV

Nagulat ako sa sinabi ni Daniel, na buhay pa si Coleen. Pero mas nagulat ako sa inasal ni Abigail. Anong atraso sa kanya ni Kim, para gawin niya yun?

' Abigail, ano sapalagay mong ginawa mo sa kapatid mo?! '

' Ralph, pati ba naman ikaw? Naniniwala ka? '

' Ellaine, totoo ang sinasabi ni Daniel! '

Nagawa pa nilang magtalo ngayon? Wala ba silang balak iligtas si Kim dun? Hindi na ako nag-isip, alam kong marunong ng lumangoy si Kim. Pero, alam ko ring takot si Kim sa dagat.

Tumalon ako sa dagat para mailigtas si Kim. At kung sakali man, na siya si Coleen, hindi ako papayag na mawala siya ulit.

Nakita ko si Kim, na walang malay. Agad ko naman siyang hinila at inahon pataas. Buti nalang at pag-ahon namin, may lifeboat na.

Tinulungan ako ni Daniel na iahon siya at isakay sa lifeboat. Halatang halata sa mukha ni Daniel na nag-aalala siya.

' Dalian mo na! Kailangan na nating makarating sa pinakamalapit na Ospital! '

' Daniel, paano? '

' Mamaya ko na sasabihin ang detalye. Kailangan na nating magmadali. '

-

Lahat kami naka-abang dito sa labas ng emergency room. Walang nag-sasalita. Hindi kami pinapasok dahil sobrang dami namin.

' Okay na siya, pero kailangan lang siya i-confine dito, kahit 24 hours lang para makasigurong walang kahit anong complications. '

Pumunta na kami sa kwarto kung saan naka-confine si Kim. Lahat kami naka-abang sa pag gising niya. Hindi ko na kayang manahimik, masyado pa akong naguguluhan.

' Daniel. Pwede mo na bang sabihin? ' , tinignan ni Daniel si Tito Ralph at sumenyas naman siya kaya nagsalita na si Daniel.

' Totoo lahat ng sinabi ko kanina, iisa lang si Coleen at Kim. At alam ni Tito Ralph yun. '

Nag-react si Tita Ellaine pero hinawakan lang siya ni Tito Ralph at sinenyasan na makinig nalang muna sa kwento ni Daniel.

' Bata pa lang ako, ulila na ako. Naging palaboy ako sa kalye. Naranasan ko na ring magnakaw. Alam kong mali, pero yun lang yung tanging paraan ko para may kainin. '

' Isang araw, naging biktima ko si Sir Ralph. Nakuha ko yung wallet niya at nakita ko rin yung picture ng bata sa loob. Nahabol ako ni Sir Ralph at sinabing ipapakulong pero sinabi ko sa kanya na nakita ko yung batang nasa wallet niya. ' dagdag pa niya. Hindi ako nag dududa sa kwento ni Daniel dahil halata sa mukha niya ang sinseridad at alam rin ito ni Tito Ralph.

' Dinala ko si Tito Ralph sa bahay ng mga Arganio. Dun niya nalaman na totoo yung sinasabi ko. Tinulungan niya akong makapag-aral at magkaron ng trabaho. Siya ang dahilan kung bakit ako nakarating ng States. Kapalit ng lahat na yon, kakaibiganin ko si Kim at sisiguraduhing ligtas siya palagi. '

Pagkatapos ikwento ni Daniel ang lahat, hindi na namin mapigilang lahat umiyak. Importante para sa aming lahat si Coleen. At tuwang tuwa kami na nalaman naming buhay pa pala siya.

Kaya pala marami silang pagkakaparehas na dalawa. Kasi iisa lang talaga sila.

-

' Christian, aalis na muna kami. Kailangan naming kausapin si Abigail tungkol dito. Hindi naman siya makakaalis dahil pinahold ko lahat ng cards niya at passport. '

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon