Chapter 10 : The Old Christian is Back

166 5 1
                                    

Chapter 10 : The Old Christian is Back

Kim’s POV

Nasabi ko na kay Christian yung pangalan ko :) Mukhang nagulat nga siya eh. Hay ito na siguro yung huling beses na magkikita kami nung mayabang na yun. Bukas na kasi flight nun pabalik sa Maynila eh. Pag ako kaya nagpunta sa Maynila, makikita ko pa kaya siya ulit?? Haaaay. Mukhang mamimiss ko yun ah.

Biruin mo naman kasi diba? Yung pagkakaibigan naming nagsimula dahil lang sa natapunan ko siya ng kikiam sauce? HAHA. Pagnaalala ko yun, natutuwa at nalulungkot ako ng sabay. Natutuwa kasi ang saya saya namin nun. Nalulungkot kasi, memories nalang yun. Walang kasiguraduhan kung mauulit pa yun or magkikita pa ba kami ulit. Haaaaaay

“ Kim? Kakarating mo lang ba? Anung nangyari sayo? Bakit tulala ka jan? May ginawa ba siya sayong masama? Wala na ba yung ano mo? ”

Di ko napansing tulala akong pumasok ng bahay namin. Nalulungkot lang siguro ako kasi bukas na yung alis ni Christian. Haaay

“ Wala na po ang alin ko Nay? ”

“ Yung ano mo. Yung alam mo na. ”

Huh? Anong pinagsasabi ni Nanay. Nalipasan ba to ng gutom?

“ Ang alin nga po Nay? Ano po ba yung tinatanong niyong wala na ?? ”

Pinaupo niya muna ako saka siya bumulong…

“ Yung Virginity mo anak. ”

O.O

Nagulat ako sa sinabi niya kaya natulak ko siya at napasigaw…

“ Ay Susmaryosep Malisyosang Nanay ! Nay naman, ano bang pinagsasabi niyo jan!? Mukha bang papayag ako sa ganun!? Sows ”

Nagwalk-out na ako pagtapos nun. Nakakagulat naman kasi tong si Nanay eh. Umakyat na ako sa kwarto ko tapos nag palit ng damit. Habang hinuhubad ko yung damit ko, naalala ko yung anklet na pinili ko kanina. Sinuot kasi sa akin yun ni Christian pag tapos naming kumain.

“ Ang ganda talagaaaa :))))) ”

Habang inaayos ko yung mga gamit ko, naalala ko bigla yung scholarship na binigay sa akin nung Wednesday. Hindi ko pa kasi nasasabi kay Nanay yung tungkol dun. Ngayon ko na sasabihin para sa Lunes masabi ko na sa Principal yung reply ni Nanay

“ Nay, may ibibigay po sana ako sa inyo. Scholarship daw po to sa isang private school sa Maynila. Ako po yung napili sa school namin na bigyan nitong scholarship. Libre din naman daw po yung ticket kaya payagan niyo po ako Nay :)))) ”

“ Bakit naman anak? Huling taon mo naman na sa High school sa pasukan ah. Bakit ka pa lilipat? Dito ka nalang mag-aral. Atsaka, wala naman tayong kamag-anak dun, wala kang titirhan sige ka. ”

Di ko pala naisip yung tungkol sa titirhan ko dun. Wala nga naman kaming kamag-anak dun. Atsaka, wala ding nabanggit yung principal naming kung kasama din ba sa scholarship yung titrhan ko. Dibale, mag-iisip nalang ako ng pwede kong gawin para makahanap ako ng titirhan dun atsaka para payagan na ako ni Nanay. Haaaay. Nakakapagod tong araw na to. Magpapahinga na ako :)))

Zzzzzzzzz…

Zzzzzzzzzz…

Zzzzzzzzzzzzz…

Zzzzzzzzzzzzzzzz….

Christian’s POV

Ngayon na yung last day ko dito sa Puerto Prinsesa. Baka ngayon na din yung last day kong makita si Kim. Haaay. Grabe, sa ilang araw ko ditong nag stay, kagabi ko lang nalaman na siya na pala yung babaeng hinahanap ko.  Sa summer vacation babalik ako dito. Di pwedeng hindi ako makakabalik dito no, super mamimiss ko yun eh.

Ang tagaaaaaal, mukhang delayed flight ko ah. Simula kaninang umaga este kagabi si Kim lang yung laman ng isip ko. Puro siya laaang. Atsaka yung memories ng date namin kahapon. Well, siguro medyo boring yung date namin kasi walang mga kakilig kilig na pangyayari. Yun pa lang kasi yung alam ko eh. -_- First time ko kasing nag-aya ng date sa babae. Lagi kasing babae ang nag-aaya sakin eh. >:D< Atsaka, wala pa nga akong niliigawan dahil nga di pa ako nakaka move on kay Coleen diba? Pero mukhang, may una na akong babaeng liligawan ngayon ah :3

After 30 minutes, dumating na daw yung eroplanong sasakyan ko. Ang tagal kong nag-antay dito ah. Mahigit 2 hrs din yun. Tumayo na ako at naglakad kaso biglang may nakabanga sa aking lalaki. Wow ha? Nung unang araw ko dito, babae yung nakabanga ko. Tapos ngayon namang last day ko dito, lalaki naman makakabungo sa akin. Tss

“ Sorry pre. Di ko sinasadya ”

“ Ah. Sige ayos lang brad. Kaso bakit parang.. mukhang familiar mukha mo sa akin? Nagkita na ba tayo dati?? ”

“ Hmm. Di ko sure pre pero pwede mo na ba akong i-excuse? Nagmamadali kasi ako. Isusurprise ko pa yung kaibigan ko. Bye ”

Wow ayos ah. May itsura yung lalaki kaso ang sama ng ugali. Tch. Buti pa ako, pogi na, matalino na, mabait pa. Mayaman pa ah!! Well, yun yung dating si Christian bago nawala si Coleen. Pero dahil  sa 1 week na to, napagdesisyunan ko na na ibabalik ko na yung dating ako. 

The Old Christian is Back! :))))))

A/N : Ang short ng UD ko ngayon. xD Wa maisip eh xD

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon