Chapter 32 : Abigail’s Flashbacks
Abigai’ls POV
Ugh. Sakit ng ulo ko. Buti nalang hinatid ako ni Daniel dito sa amin kagabi. Baka kung hindi ako hinatid nun, hindi pa ako nakakauwi hanggang ngayon. Alam na kaya ni Daddy na naglasing ako? Well, kung nalaman nya, who cares?
Knock Knock
“ Come in ” Umayos na ako ng upo dahil feeling ko si Daddy na itong kumakatok.
“ Abi, anak? ” well, hindi talaga nagkakamali ang instincts ko. Si daddy nga to.
“ What do you want? ” alam kong medyo rude ang tono ko nung tinanong ko sa kanya yun. Pero wala ako sa mood kausapin siya ngayon, lalo na sa nalaman ko kahapon.
“ Anak, may problema ka ba? Matagaltagal ka na ring hindi umiinom ng hard drinks ah? Buti nalang si Daniel ang kasama mo at naihatid ka ng safe dito. ”
“ Dad, kung may problema man ako. Ano po bang paki mo? Kung may mangyari mang masama sakin. Ano po bang paki mo? Hindi ka naman po concerned sakin diba? ”
“ Siguro nga masakit pa ang ulo mo, kaya kung ano ano ang pinagsasabi mo. Pero Abi, take care of yourself. I can’t bear to lose another child again. Ayokong matulad ka kay Coleen. ”
“ Coleen na naman? Come on, hanggang ngayon ba buhay pa rin si Coleen sa pamilyang ito!? ”
“ Matagal ng wala si Coleen. At alam nating hindi na siya maibabalik pa. ”
“ Yeah right. Kaya sana wag mo na siyang ipahanap pa. ”
“ What do you mean? ” halatang naguluhan si Dad sa sinabi ko, pero hindi ko parin pwedeng ipaalam sa kanya na alam ko na yung matagal na niyang tinatago.
“ Wala. Nevermind. After all this years, I can’t believe na hindi pa rin nawawala si Coleen sa buhay nating lahat. Makakalabas na po kayo. Gusto kong mapag-isa ”
“ If that’s what you want. ”
Pagkasara niya ng pinto, hindi ko na napigilang umiyak. Bumalik lahat ng memories ng pagkabata ko sa akin. Bumalik lahat-lahat. Lahat ng revelations. Lahat ng nangyari. Nung buhay pa si Coleen. At nung naganap yung isang pangyayari na bumago sa buhay naming lahat.
Flashback
Nung mga 2-4 years old palang kami nila Coleen, Christian pati ni Kuya Vince, close kaming lahat. Lagi kaming magkakasamang maglaro. Lagi kaming magkakasama nanunuod ng Sunset. Pero ang may pinakapaboritong panuorin yun ay si Coleen.
Isang Araw,
“ Ate Abigail, Ate Abigail! Laro tayong bahay bahayan nila Kuya Vince. Dali na Dali naa ”
“ Oh sige sige. Ayusin niyo na yung gagawin nating bahay kukunin ko lang yung iba kong dolls. ”
“ Sigeeee. Yiheeeeeeeee ”
Pumunta na ako sa room ko at kinuha ko yung apat na Dolls na nakapatong sa bed ko.
“ Teka, bakit four lang to? Lima yung dolls ko ah? Baka naman na kay Coleen na? I’ll ask nalang her. ”
Tumakbo ako papunta kila Coleen. Nakita kong nakaayos na yung tent na gagawin naming bahay. Andun na rin sila Christian at Kuya Vince.
“ Coleen, nakita mo ba si Alexa the doll? I think she’s missing kasi eh. ”
BINABASA MO ANG
My Long Lost Bestfriend?
ComédieLahat naman siguro ng tao, may maituturing na bestfriend. Kasama mo sa mga kakulitan. Kalokohan at kaharutan. Pero pano kung bigla siyang kinuha ni Tadhana? At paano kung kahit ilang beses mo na siyang kalimutan, di mo magawa. Kasi, narealize mo na...