Chapter 17 : Bullies >.<
Kim’s POV
Pagdating ko sa bahay malungkot pa rin ako. Dapat kasi hindi ako nagpadala sa galit ko eh. Ayan tuloy nawalan ako kaibigan :(
“ Kiimmmy. Musta first day sa new school mo?? ”
“ Ayos lang. Uhm Daniel. Pagod ako eh. Matutulog nalang muna ako ah?? ”
“ Ah sige sige. Anyare kaya dun? ”
Pagpasok ko sa kwarto, inayos ko nalang muna yung gamit ko para bukas atsaka nagpalit na rin ako ng pantulog at sumalampak na sa higaan. Haay, dapat talaga di ko nalang siya inaway eh. Haay. Mag so-sorry nalang ako bukas. :(
Tuesday
“ Uy girl, nakita mo ba yung ginawa ni Miss transferee kay Christian kahapon?? ”
“ Ay oo! Grabe. Sino ba siya sa akala niya para ipahiya si Christian sa school na to. ”
“ Well. Di nalang ako magugulat kung may mangyayari sa kanya habang dito siya nag-aaral. ”
“ Tama. Pag di niya nilayuan si Christian, mangyayari din malamang sa kanya yung nangyari dun sa lalaking binangga si Christian. ”
“ Yeah right. Baka nga ilang araw nalang wala na din yan. ”
Sige lang mga ate. Bulungan pa ba ang tawag jan sa ginagawa niyo? Rinig na rinig ko po! Ugh!! Bwiset, ano naman kayang pwedeng mangyari sa akin habang dito ako nag-aaral? Kaasar >.< Pagpasok na pagpasok ko yun agad yung narinig ko. Haay.
BINABASA MO ANG
My Long Lost Bestfriend?
HumorLahat naman siguro ng tao, may maituturing na bestfriend. Kasama mo sa mga kakulitan. Kalokohan at kaharutan. Pero pano kung bigla siyang kinuha ni Tadhana? At paano kung kahit ilang beses mo na siyang kalimutan, di mo magawa. Kasi, narealize mo na...