Chapter 13 : Part-time Job

157 3 1
                                    

Chapter 13 : Part-time Job

Kim’s POV

Andito na kami ngayon sa Manila!!! Woooooooooh! xD Saya saya ko talaga. Halatang halata nga sa kahyperan ko eh. xD Sinundo kami sa Airport ng Driver nila Daniel, ang laki nga ng kotse nila eh. Yaman talaga ni pare.

Habang on the way kami sa bahay nila Daniel sa may Quezon City, ang dami kong nakitang malalaking buildings atsaka ang daming malls. Grabe, ang sosyal talaga dito sa Maynila, babagay kaya ako dito? Damit ko palang outdated na eh. Simpleng t-shirt lang kasi atsaka jeans kadalasan ng damit ko. Yun lang. Eh yung iba dito, puro naka shorts. Haaay

“ Ang daming mga babaeng nakasuot ng sobrang iikli ng shorts no? Tapos magagalit pag nababastos sila. Haay ”

“ Hayaan mo nalang, mukang yun yung usong style dito eh, yung maiikling shorts. Nagtataka nga lang ako, kase madalas sa nakikita ko mga nakasuot ng shorts pero ang dami namang peklat. Samantalang yung ibang mukhang makikinis naman, mga hanggang tuhod ang short. Bakit ganun? ”

“ Hahahaha. Di ko din alam Kim no, mukha ba akong babae?? ”

“ Oo. HAHAHA Lalo na nung nagpipigil ka ng tawa kanina. Parang bakla xD HAHAHA ”

“ Atleast hindi ako tulo laway. xD Bangag Bangag Bangag!! ”

“ Che! Inumpisahan mo nanaman ako jan sa picture na yan a! Pasalamat ka wala akong ganyang cellphone kaya di ko alam kung paano i-delete. Hmmmp ”

“ Boss, andito na po tayo. ”

Pagkasabi ng driver na andito na daw kami sa bahay nila Daniel inikot-ikot ko yung ulo ko pero wala naman akong makitang “bahay”. Yung nasa tapat kasi ng tinigilan namin ng kotse, mukhang palasyo sa sobrang laki eh. Nagulat lang ako kasi, biglang bumukas yung gate….. Teka? Ibig sabihin ba na ito yung bahay nila Daniel dito??   WOOOOOOOOOOOOOW!! O.O Nakakapanlaki ng mata sa sobrang laki grabe! Parang palasyo talaga siya. Grabeee, nakakahiya naman na libre lang akong titira sa gantong kagandang bahay.

“ Uy babae, bumaba ka na jan sa sasakyan tama na kakatitig sa bahay namin, sige ka, baka matunaw yan! Wala kang matitirhang bahay xD ”

“ Sorry naman, ang ganda kasi ng bahay niyo eh, parang palasyo sa laki. Bahay niyo ba talaga to ha?? ”

“ Oo nga. Ayaw mo talagang maniwala? xD HAHAHAHA. Sige na, sundan mo nalang si Ate Fe, dadalhin ka niya sa magiging kwarto mo. May aayusin lang muna ako ”

Sinundan ko yung tinuro niya na si Ate Fe, pagpasok namin ng bahay, grabe!! Ang laki talaga, ikot nga ng ikot yung ulo ko kakatingin sa mga design, furnitures at saka sa mga Chandeliers na andun sa kisame eh. Haay, magtutulo laway nanaman ako dito e.

“ Ma’am, ito na po yung kwarto niyo. Tawagin niyo nalang po ako kung may kailangan pa po kayo :))) ”

“ Ah sige. Salamat po ah. :D ”

Pumasok na ako dun sa kwarto ko at nakngtokwa! Anlaki talaga! Yung kwarto ko dito parang isang buong bahay na namin sa Probinsya e. Yung kama ko, sobrang lambot parang 10 foam ng dati kong kama yung lambot. Ansosyal talagaa. Atsaka, parang kumpleto na yung isang buong bahay sa isang kwarto palang eh. May TV na din kasi dito, atsaka may Computer din. Answertteeee ko talagaaaa.

Tok Tok Tok Tok Tok Tok Tok Tok Tok Tok Tok

Wow ha, wagas naman makakatok to. Si Daniel siguro to. Binuksan ko yung pinto at tama naman yung hula ko, si Daniel nga.

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon