Chapter 43 : Second Week
Kim's POV
Day 6
' Hi Kim! '
' Oh, Gemma. Ikaw pala :) '
' Bakit parang bihira ko nalang kayo makita ni Christian magkasama? '
' Ahh. Busy yun sa School Activities. Alam mo naman, president kasi siya e. Atsaka, busy din ako kumuha ng pictures para sa School Paper. '
' Kunsabagay, Goodluck nga pala sa competition next week ah. '
' Thanks :) '
Akalain niyo yun? 1 week na kaming di nagkikita ni Christian, tinetext nga niya ako palagi e. Kamusta na daw, bakit daw hindi ako pumapasok. Di ko lang nirereplyan. Wala akong load. Ganda ng cellphone ko tapos wala akong load e no?
Ngayong araw gagawin yung Competiton ng Minor Sports. Kung di ako nagkakamali, Badminton yung unang paglalabanan. Mamaya pa namang after lunch yun kaya gagawa muna ako ng Article tungkol sa First week. Sa library nalang ako, para walang abala.
' Hi Kim. '
' Hi Pearl :) '
' Anong ginagawa mo dito? '
' Article para sa School Paper. '
' Ah sgesge. Wag kang mag-alala. Di kita kukulitin, magbabasa lang ako ng libro dito. '
Nag-start na akong magsulat. Hindi naman mahirap sakin gumawa ng mga ganto, sanay naman kasi ako sa gantong trabaho sa dati kong school. Mahilig din kasi akong magsulat ng kwento, pampalipas oras.
' Kim, may kasabay ka bang mag-lunch? '
' Wala naman. Why? '
' Sabay na tayo! Para may kasabay na rin akong manuod ng Badminton. '
' Sigesige. Ililigpit ko lang tong mga gamit ko. '
Dumiretso kami ni Pearl sa canteen. Parang hindi ako nagugutom kaya pizza at frappe nalang yung binili ko. Akala nga ni pearl diet ako e.
Maya maya, pag tingin ko sa may pintuan, nakita ko si Christian. Kasama nanaman niya yung babaeng yun. Nawala lalo yung gutom ko kaya hinila ko nalang si Pearl palabas.
' Teka, Kim! Yung fries ko di ko pa nauubos! '
' Diretso na tayo sa Gym. Baka maubusan tayo ng upuan. '
' Pero isang oras pa bago yung laban! '
' Kahit na. Mas okay na yung maaga. '.
' Oo na. Sasama na. Wag mo lang akong kaladkarin. '
Pagdating namin dun, kaming dalawa palang yung tao. Mas okay na yung maaga no! Kesa naman yung wala kaming mapwestuhan mamaya.
Maya-maya, medyo dumadami na yung tao. Buti nalang may aircon dito kaya hindi mainit. Kunsabagay, sosyal naman kasi tong school namin e.
' Kim, si Christian oh. '
' Saan? '
' Ayun oh, sa may bandang gitna. Malapit sa mga judge. Swerte niya walang haharang sa panunuod niya mamaya. Dun kasi pwesto ng Student Council president palagi. '
' Uuwi na ako. '
' Bakit? '
' Tinatamad na ako. '
BINABASA MO ANG
My Long Lost Bestfriend?
HumorLahat naman siguro ng tao, may maituturing na bestfriend. Kasama mo sa mga kakulitan. Kalokohan at kaharutan. Pero pano kung bigla siyang kinuha ni Tadhana? At paano kung kahit ilang beses mo na siyang kalimutan, di mo magawa. Kasi, narealize mo na...