Chapter 39 : Simbang Gabi

85 4 0
                                    

Chapter 39 : Simbang Gabi

Kim's POV

1 week na akong nandito sa probinsya. Mabilis pala talaga yung oras pag nag-eenjoy ka no? Hindi na kami ulit nag practice ni Christian ng Basketball. Pinabalik daw kase siya bigla sa Manila. May party daw yung pamilya nila.

' Kim. Matulog ka na ah? Maaga pa tayo bukas para sa simbang gabi. '

' Opo Nay. '

8 palang ng gabi pero matutulog na kami ni Nanay. 4 am pa kase ang gising namin para sa Simbang gabi bukas. Malapit lang naman yung simbahan dito kaya di naman kailangang gumising ng sobrang aga.

Babalik pa kaya dito si Christian? Mayaman naman sila e. Kung sakaling gusto niyang bumalik. Pwedeng pwede siyang bumalik kelan niya man gustuhin.

-

' Kiim? Gising ka na ba? Baka malate tayo. '

' Gising na po ako Nay, nagbibihis na po. '

' Okay sge. Lumabas ka na agad jan at nang makapaglakad na tayo. '

Ang lamig talaga ng hangin pag mga ber months. Ang lamig ng simoy ng hangin e. Sarap matuulog.

Usually pag gantong oras, natatakot akong lumabas ng bahay. Pero pag gantong may Simbang Gabi, feeling mo safe ka kase madami ring ibang nag-lalakad.

Nagsimula na kaming maglakad ni Nanay para hindi kami maubusan ng upuan. Sayang nga e, hindi ko naumpisahan. Pero, dibale na. Tatapusin ko nalang to hanggang dulo.

-

' Kim, diba parang si Xian yun? '

' Xian?? '

Biglang sumakot yung ulo ko nung biglang narinig ko yung pangalang Xian. Napaupo ako tapos medyo nahilo.

' Anak, okay ka lang ba? '

' Wala Nay, parang nahilo lang. Sino ba kase yung tinuturo mo? '

' Ayun oh. Yung matangkad na gwapo. Yung naghatid sayo nung umuwi ka dito. '

' Nay naman, Christian po yun. Hindi Xian. '

' Ah ganun ba? Akala ko Xian e. Parang siya yun oh? '

' Wala naman Nay e. '

Baka may nakita lang si nanay na kahawig ni Christian. Dahil nga medyo nahilo ako, dumiretso uwi na kami ni Nanay.

Pagdating namin ng bahay. Humilata na ako agad sa Higaan at nakaidlip. Di naman kase ako sanay na maagang gumigising.

-

Pagkagising ko. Cellphone ko na agad yung hinanap ko. Ewan ko ba. Minsan may mga time na yun agad una kong hinahanap. Minsan naman, nakakalimutan ko ng buong araw haha.

Pagbukas ko ng phone. Bigla akong nagulat at nawala ang antok ko. 18 missed calls from Christian! Hindi lang yun, may 20 messages pang sinend sakin.

From : Christian :)

Hi Kim!! :)

From : Christian :)

Tulog ka pa ba?

From : Christian :)

Hey anong oras na oh :(

Hindi ko na nabasa lahat kase bigla akong kinatok ni Nanay. Katok o bulabog? Ang lakas ng hampas e.

' Easy lang nay. Baka magiba pinto niyan. '

' Buti naman at gising ka na. Kanina pa may naghihintay sayo na bisita oh. '

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon