Chapter 7 : Scholarship
Kim’s POV
Nababaliw na ata yung lalaking yun. Ayain ba naman ako ng date kapalit dun sa nagawa kong kasalanan sa kanya. Di naman talaga ako dapat papayag eh. Sa mga manliligaw ko nga di ako pumapayag tapos sa kanya na kakakilala ko lang, napapayag ako? Ang mahal naman kasi ng damit niya eh.
Ngapala, di ko naman alam pangalan niya eh. Di niya rin alam pangalan ko. Wag ko nalang kaya siyang siputin? Haay, tama na nga. Sasakay na nga lang ako ng jeep pauwi para mabilis.
Kinapa ko yung wallet ko sa bulsa ko.
“ Halaaa! Wallet ko? Hala. Nanakawan na ako :( ”
San naman napunta yun. Maglalakad na nga lang ako. Hmp. Nawawala wallet ko. Baka ninakawan ako nung lalaking yun. Grabe ang sama niya >.<
(A/N : Ate, baka nakakalimutan mo wala namang lamang pera yung wallet mo. )
( Kim : Ay oo nga pala noh? v(^_^) Ang feeler ko masyado haha. )
Oo nga pala, wala nga naman palang lamang pera yung wallet ko. Paano ako nanakawan? Makapaglakad na nga lang. Mag-aaral pa ako sa bahay dahil may pa test kami bukas sa Chemistry.
Kinabukasan
“ Okay class. The student who got the highest score is Kimberly Arganio ” Yes!! Buti nalang ako parin highest sa exam kahit na saglit lang ako nakapag-aral. Gabi na kasi ako nakauwi tapos tinulungan ko pa si Nanay maglinis ng bahay. Atsaka hinanda ko pa yung damit ko para ngayon.
Mabilis lang natapos yung klase ngayon. Siguro dahil nga busy yung mga teachers mag simulang mag compute ng grades. Malapit na kasing mag end yung school year. 1 month nalang yung natitira.
Uuwi na sana ako agad kaso pinatawag pa ako ng Principal. Bakit kaya? Halaaaa. Lagot
“ Miss Arganio, tinignan po naming ang grades and records niyo. Matataas po ang grades niyo at wala din po kayong bad record sa school. Except na lang po siguro sa madaming beses mong pagiging late. ”
“ Hehe, sorry po Ma’am. Ano po bang meron? Bawal na po ba akong maging late?? ”
“ Hindi naman sa ganun Miss Kim. Pero pumasa yung grade mo sa scholarship sa isang private school sa Manila. ”
“ Po!?? Paano po nangyari yun? Eh wala naman po akong kinukahanan ng form para sa scholarship sa kung san man. ”
“ Ayaw mo ba? Well, yung school kasi na yun naghahanap ng matatalinong students sa mga province para libre nilang mapag-aral dun. Atsaka iha, pag dun ka nakapagtapos napakalaki ng chance mo para makapasok sa mga malalaking kolehiyo sa Maynila. So, tatanggipin mo ba?? ”
Wow, ang swerte ko naman! Biruin mo, scholarship sa isang private school. Ang swerte ko. Panigurado matutuwa sa akin si Nanay.
“ Syempre naman po. ”
“ Kung ganun, congratulations Miss Arganio. Included naman sa Scholarship mo yung ticket papuntang manila. Pag nandun ka na, ipakita mo sa kanila na di porke’t public school wala ng matatalinong estudyante ha. Make us proud . ”
“ Aww, I will Ma’am. Di ko po sasayangin yung binigay niyong tiwala sa akin :) ”
“ Sige. Makakauwi ka na. ”
Ang swerte swerte ko talaga. Payagan kaya ako ni Nanay? Papayagan naman niya ako siguro. Makauwi na nga.. Excited na akong ibalita to kay Nanay
Andito na ako sa may gate. Teka, bakit parang ang daming taong nakaharang?? Ay Mali, bakit ang daming BABAENG nakaharang.
BINABASA MO ANG
My Long Lost Bestfriend?
HumorLahat naman siguro ng tao, may maituturing na bestfriend. Kasama mo sa mga kakulitan. Kalokohan at kaharutan. Pero pano kung bigla siyang kinuha ni Tadhana? At paano kung kahit ilang beses mo na siyang kalimutan, di mo magawa. Kasi, narealize mo na...