Chapter 36 : Together in Province
Kim's POV
Naglalakad na kami ni Christian ngayon pauwi. Medyo tahimik kami parehas ngayon. Walang nag-sasalita. Walang umiimik.
' Kim, tungkol sa sinabi ko kanina. Seryoso talaga ako dun. Alam mo naman na yun diba? Nasabi ko naman na dati. '
' Alam ko, pero syempre. Nakakagulat parin naman marinig yun. Wag nalang na muna natin pag-usapan oh? '
' Okay sge. Pero, dadating rin tayo dyan. Tatanungin at tatanungin pa rin kita. '
Pagkatapos nun, di na muna kami ulit nag-usap. Ayoko ng ganitong atmosphere. Masyadong tahimik. At parang awkward.
' Nandito na tayo. :) '
' Thanks sa paghatid ah? '
' Basta ikaw. Ah, sge Magpahinga ka ah? '
Pagpasok ko ng bahay. Humiga lang ako sa higaan. Nakatulala si kisame. Di ko alam kung anong gagawin ko. Aminado naman akong may gusto rin ako sa kanya pero, pano yung pagkakaibigan namin? Baka masayang.
' Kim? Andito na ako! '
' Sige wait! Bababa ako. May gusto akong sabihin. '
Siguro di na rin nagtagal sila Daniel dun sa Cafe kaya halos magkasunod lang kaming nakauwi.
' May sasabihin ako. ' sabay naming banggit ni Daniel.
' Sige una ka na. ' sabay ulit naming banggit. hahaha. Di ko tuloy napigilang tumawa.
' Sige na Kim. Ikaw na mauna. '
' Pwede ba akong umuwi kila Nanay? Kahit saglit lang oh? Malapit na rin naman Christmas Break. '
Ewan ko ba. Basta parang gusto ko muna dun sa probinsya. Para lang marelax ako. Atsaka namimiss ko na rin kase si Nanay.
' Ganun ba? Sge okay lang. Pero sasamahan kita. Okay? '
' Sige. Thankyou! ^^ Ano naman pala sasabihin mo sakin? '
' Sasabihin ko lang na mag-ingat ka. Lalo na sa pagpili ng kakaibiganin mo. Okay? '
' Ah. O-okay. '
Weird. Pati ba naman kakaibiganin ko kailangang mag-ingat muna? Or baka naman tungkol kay Mam Abi? Ewan ko. Sakit na ng ulo ko. Matutulog nalang ako.
-
Maaga ako umalis ng bahay kinabukasan. Mas maaga kesa sa usual na alis ko. Wala lang. Trip. Haha.
Maaga ako umalis ng bahay, edi malamang maaga din ako makakarating ng school. Alangan naman bukas pa ako makarating diba? hahajk lang.
' Huy Kim. Okay ka na ba? Dapat nagpahinga ka na muna. '
' Okay na ako Sam. Thanks sa Concern. :) '
' Oh sgesge. Wala yun. '
Mabilis na natapos yung araw. Kung nagtataka kayo bakit di ko nabanggit si Christian ngayon, wala lang. Haha. Dejk. Busy kase sya dahil sa Student Council. Atsaka may practice ata sila mamaya sa Basketball.
Member din ako ng Student Council, kaso naassign ako sa Photography at Journals. Kaya isang beses lang ako sa isang buwan pinapapunta sa meeting.
' Kim. Meron din pala tayong practice ng Volleyball mamaya. Punta ka ha. '
' Osgesge. Thanks Krisha. :) '
Nakalimutan kong sabihin na natanggap pala ako sa Volleyball. Haha. Dami kong di naikwento sa inyo no? Miss Author kase di rin kabisado yung lahat nangyari sa kwento nya. haha. Abnormal kase.
Dumiretso na ako sa gym kung saan gaganapin yung practice daw namin. Actually. Hindi pa nga ako nakakalaro e. Puro kase yung mga senior players yung ginagamit. Kumbaga yung mga old student.
' Kim! Bat nandito ka sa Gym? Papanuorin mo ba akong maglaro? Sweet naman. '
' Asa ka naman no. May practice daw kami ng volleyball blee :p '
Nagkukulitan kami ni Christian nung biglang dumating si Coach Lea at Coach Jeff. Kaya pumwesto na kaming dalawa ni Christian sa Team namin.
' Sa darating na January, gaganapin ang Foundation Month. So ibig sabihin, 1 month kayong walang klase. '
Woah! 1 month na walang klase? Grabe. Kaya pala madaming pumapasok dito. Haha. Ang saya naman.
' So, para sa Contribution ng Volleyball, Basketball at Swimming team, magkakaron ng Competition sa pagitan ng tatlong clubs. '
Sari saring reaction yung narinig ko. Maraming natuwa at nasurprise. Pero ako? Kinabahan.
' Maglalaban laban ang tatlong team sa tatlong sports. At yung tatlong sports na yun ay obvious naman. Basketball. Volleyball. At Swimming. So inaasahan kong lahat ay mageeffort para matutunanan yung tatlong sports na yun. Okay? '
' Yes coach! '
Dinismiss na kaming lahat pagkatapos nun. Tinawag ko si Christian para kausapin tungkol dun sa gagawing competition. Nakakakaba naman.
' Christian, pano ba yung competition na yun? '
' Maglalaban yung dalawang challenger team sa unang laban. Tapos kung sinong mananalo, sya ang lalaban sa main team. '
' Ano? Di ko gets. Hehe. '
' Halimbawa, ang laban ay Basketball. Maglalaban muna yung Volleyball team at Swimming team. Kung sinong mananalo, siya yung lalaban sa Basketball. '
' Ah okaay. sgesge. Gets ko na. '
Sinamahan na ako ni Christian pauwi samin. Kwinento na rin niya sakin yung tungkol sa Competition. Nangyari na rin pala yun dati. Nawala nga lang last year. And simula daw nung una, Swimming Team daw ang nanalo. 2 beses palang daw nanalo ang Basketball tapos yung Volleyball never pa.
' Kim, by the way, pupuntahan kita dito pag Christmas break na ah? '
' Nye. Eh wala ako dito nun. Uuwi kase ako ng probinsya. Kasama ko si Daniel. '
' Puerto Prinsesa? Ahh sge. Ingat ka ah. '
' Oo naman. Sgesge. Bye. Thanks sa paghatid. Ingat ka rin sa pag-uwi. '
After ng araw na yun. Mabilis na ring lumipas yung ibang araw. Di ko namalayan, tapos na rin pala ang Christmas Party at nagreready na ako ng gamit ko bukas dito sa kwarto ko.
Knoooocks Knoooocks
' Ikaw ba yan Daniel? '
' Oo. Pakibukas, may sasabihin lang ako. '
' Ano yung sasabihin mo? '
' May urgent meeting kase ako. Kaya hindi na ako makakasama sayo bukas. Sorry ah? '
' Sus. Yun lang pala. Okay lang. Kaya ko naman sarili ko e :) '
-
Nakaboard na ako ng Airplane. 9 yung napili kong oras para medyo maaraw na at makikita ko yung view ng dagat at mga bundok.
Actually, parang nakita ko nga si Christian kanina e. Kaso baka, kahawig nya lang yun.
' Manatili lamang po na nakaupo. Sa ilang segundo ang eroplanong ito ay lalapag na. Maraming salamat po. '
Haaay. Welcome back sa province life. Ang saya saya ko. Di ko nga sinabi kay Nanay e. Para surprise. Ayan tuloy. Walang susundo sakin.
' Kim? Ikaw ba yan? ' bigla naman akong napatingin sa tumawag sakin
' Mang Teban ? Bakit po kayo nandito? May susunduin po ba kayo? '
' Oo. Dadating ngayon si sir Christian. '
' Mang Teban! ' napatingin naman ako dun sa tumawag kay Mang Teban sa bandang gilid ko.
' Christian? Anong ginagawa mo dito!? :o '
BINABASA MO ANG
My Long Lost Bestfriend?
HumorLahat naman siguro ng tao, may maituturing na bestfriend. Kasama mo sa mga kakulitan. Kalokohan at kaharutan. Pero pano kung bigla siyang kinuha ni Tadhana? At paano kung kahit ilang beses mo na siyang kalimutan, di mo magawa. Kasi, narealize mo na...