Chapter 14 : Kim meets Abigail

167 4 2
                                    

Chapter 14 : Kim meets Abigail

Kim’s POV

Paalis ako ngayon ng bahay nila Daniel. Pupunta kasi ako ngayon dun sa Chua’s Residence para mag apply ng part time job. Sabi kasi dun sa papel, kada weekends, binibigyan nila ng day off yung mga ‘regular maids’ nila kaya naghahanap sila ng mga ‘juniors’ na naghahanap ng part time job. Sabi ni Daniel, ipapahatid nalang daw niya ako sa driver niya kasi may aasikasuhin daw siya ngayon.

Bumaba na ako ng kotse ko at nakakita na ako ng malaking bahay. Chineck ko yung address kung parehas at tama naman. Wooow, ang laki din ng bahay ng mga Chua ah. Medyo mas malaki nga lang to kesa sa bahay nila Daniel. Grabe! Edi sila na yung mayayaman! Kunsabagay, hindi naman na ako magtataka kung mayayaman tong mga Chua kasi, nagawa pa nilang magpamigay ng flyers para lang sa Part time job diba? Paniguradong mayayaman ang mga tao dito. Pero sana mababait naman. Ayoko ko kasi sa mga nagmamaldita eh.

Lumapit na ako dun sa may guard house at nagsabi na pumunta ako dun para mag-apply. Yumuko lang siya saglit tapos biglang bumukas yung napakalaking gate. De remote na rin pala dito yung gate? Grabe, sosyal ha! Pati gate high tech! Sinamahan na ako nung guard dun sa office ni Mr. Chua. Taray, sa bahay na mismo yung office ah xD

“ Tanggap ka na iha :)) ”

“ Agad agad po? Hindi niyo po ba man lang kukunin yung resume ko? Wala po ba kayong tatanungin sa akin na kahit ano? Tanggap na po ako kaagad? Sure po ba kayo? ”

“ Hahahahaha. Nakakatuwa ka naman iha. Oo tanggap ka na. Ayaw mo ba? :) ”

“ Ah eh, hindi naman po sa ganun, nagulat lang po ako kasi ang bilis bilis. Wala na pong bawian yan ha  ”

“ Oo naman, ganun kasi talaga kami iha, di na masyadong naghihigpit sa mga nag a-apply. Okay lang ba kung sa pasukan ka nalang mag start ng trabaho? 5000 per day ang sweldo mo :) ”

“ PO!!?? 5000 per day? Woooow ”

“ Ahahaha oo, sige makakaalis ka na :) ”

“ Thank you po ng marami :)))) ”

Lumabas na ako ng office na yun ng sobrang saya. Biruin niyo ba naman kasi, kakapasok ko lang ng office sabi tanggap na daw agad ako. Ang bilis diba? Atsaka yung sweldo kada araw 5 thousand??!! O diba, ang swerte ko talaga simula pa nung pumunta akong Maynila. Pwede na rin agad akong makapagpadala ng pera kay Nanay atsaka hindi na rin ako hihingi ng allowance kay Daniel. Haaay. Ang swerte swerte ko talaga. Sa sobrang tuwa ko, nakapikit akong tumatalon talon ngayon, di ko tuloy napansin na may nabangga akong tao.

“ What the eff? Hindi ka ba tumitingin sa ginagalawan mo ha!! ”

Naku patay, amo ko pa ata tong nabangga ko. Paano ba naman kasi hindi ko napansin  sa sobrang tuwa ko at sobrang swerte. Minalas tuloy ako ngayon, natapunan ko kasi siya nung hawak niyang juice eh. Ugh. Ang sama na agad ng image ko ditooo

“ Sorry po, di ko naman po sinasadya na masagi kayo at matapon yung juice niyo. Sorry po talaga ”

“ Sapalagay mo ba, pag tinanggap ko yang sorry mo, matutuyo tong damit ko! Sino ka ba ha! Don’t tell me, magnanakaw ka? Magnanakaw ka na nga lang, babanggain mo po yung isa sa may-ari ng bahay. What an Idiot! ”

“ Po!!?? Hindi po ah, nag apply po ako para sa part time job ng pagiging katulong. Hindi po ako magnanakaw pramis! Mamatay man ako. ”

“ Katulong? HAHAHA. Well, hindi ka man mamatay dahil totoo yang promise, sisiguruduhin ko namang mamatay ka once na nag-umpisa ka ng magtrabaho dito sa Mansion ko. Goodluck >;) ”

After niyang sabihin yun, nakita ko siyang nag smirk. Nako patay!! Lagot ako, pag nag-start akong magtrabaho dito, mag stastart na rin maging empyerno yung buhay ako. Kim naman kasi eh! Bakit di ka nag-iingat, ayan tuloy :(((

A/N : Sorry kung short Chap lang ha! Aalis daw kasi kami eh, ta try ko nalang mag UD ulit mamayang gabi. Thaanks :**

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon