Chapter 48 : New Name, New Life

45 3 0
                                    

Chapter 48 : New Name, New Life

Coleen's POV

Nag iba lang yung pangalan ko, pero ako pa rin to. Hindi pa rin naman nagbabago yung ugali ko.

Hindi na ako kila Daniel nakatira, pinalipat na kasi ako nila Daddy sa bahay namin. Kailangan daw kasi nilang makabawi sa lahat ng taon na hindi nila ako nakasama.

Pinalitan na ni Daddy yung mga school records ko sa Princeton. Hindi ko alam kung paano niya naayos yun sa loob lang ng isang araw.

' Coleen, anak? '

' Bukas po yan ma. ' kahit na 'Coleen' yung totoo kong pangalan, hindi pa rin ako sanay na tawaging ganto.

' Kamusta, okay ka lang ba sa kwarto mo? Gusto mo ba, palakihan pa natin? '

' Hindi na po, mommy. Malaki na po to para sa akin. Mas malaki pa nga po to sa kwarto ko kila Daniel eh. '

' Sorry anak ah? '

' Bakit naman po? '

' Kasi, nawalan ako ng pag-asa na buhay ka pa. Sumuko ako agad noon. '

' Okay lang po yun. Atleast po, mag-kasama na po tayo ulit ngayon. ' nginitian ako ni mommy at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko sa yakap niya na namiss niya talaga ako.

Pagkaalis ni mommy, naghanda na ako ng gamit ko para bukas. Hindi ko alam kung paano nangyari pero kalat na sa Princeton na ako si Coleen Chua.

-

Hinatid ako ni Kuya Ranty, bago kong driver, pagpasok ko sa school. Binilhan ako nila daddy ng sariling kotse kahapon, pero hindi pa ako pwede mag drive dahil wala pa akong driver's license.

' Hi Coleen! ' pagbaba ko ng sasakyan, sinalubong ako agad ni Christian at Daniel sa may gate.

' Xian, Daniel. Inintay niyo ba ako dito? '

' Oo naman, namiss na kita e. Wala na akong kaharutan sa bahay. Pero, itong isa, mukhang mas miss ka. Sige, una na ako. Bye Kimmy! ' loko talaga tong si Daniel.

' Oh Xian, anong nakain mo at bakit parang ang lapad ng ngiti mo? '

' Wala lang. Namiss ko kasing tinatawag mo akong 'Xian' e. '

' Loko ka talaga, tara na. Baka malate tayo. '

Pag-pasok namin ng classroom, tumigil lahat ng classmates namin sa kung anong ginagawa nila at tinitigan kaming dalawa.

Pag-upo namin ni Christian, parang mga kabayo naman silang tumakbo papunta sa pwesto namin ni Christian.

' Kim, anong pakiramdam na mayaman ka na talaga ngayon? '

' Ang astig mo, Kim! Biruin mo, kahit ilang taon ka ng nawawala, nahanap ka parin. '

Biglang dumating yung teacher namin, kaya nagsibalikan silang lahat sa mga pwesto nila. Natawa naman kaming dalawa ni Christian dahil parang baliw tong mga kaklase namin.

-

Recess na namin ngayon kaya syempre, magkasama nanaman kami ni Christian. Habang nag-lalakad papuntang canteen, ang daming nagngingitiang mga babae sa akin. Napansin ko nga rin yung mga dating nambubully sa akin, ngumingiti na rin sa akin ngayon.

' Xian, ano bang problema ng mga to? Bakit biglang ngumingiti sa akin. '

' Baka gusto lang nilang sumipsip. Syempre ngayon, alam na ng lahat na mayaman ka. Edi mas marami ng makikipagkaibigan sayo niyan. '

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon