Chapter 25 : Jealous

141 4 0
                                    

Chapter 25 : Jealous

Kim’s POV

Dahil bell na, nagmadali na akong pumasok pabalik sa classroom kaso ngalang, nagulat ako kasi bigla akong hinila ni Christian bago ako makapasok ng room. At sa itsura naman ni Christian, parang kanina niya pa ako sinusundan, pawis na pawis eh.

“ Oh, Christian ikaw pala. May problema ba?? ”

“ Sino yung kausap mo kanina sa may Park? Si Kevin Uy yun diba? Diba?? ”  teka, teka. Kilala niya si Kevin? At teka, sinundan ba niya ako kanina??

“ Oo. Kilala mo ba siya? Atsaka, sinundan mo ba ako kanina?? ”

“ Naiwanan mo kasi yung wallet mo kaya hinabol kita. Kaso nga lang, di mo ata narinig na tinatawag kita kanina ”

“ Ah kaya pala. Eh, ano namang problema kay Kevin? Kilala mo ba siya?? ”

“ Oo at layu--”

“ Miss Arganio and Mr. Xing, baka pwede niyo naman po akong papasukin sa klase ko?? ”

“ Ay sorry Ma’am ” sabay naming sabi kay Ma’am.

“ Mamayang uwian nalang natin pag-usapan yung tungkol kay Kevin. ”

“ Pero Kim, ”

“ Basta mamaya na, baka mapagalitan pa tayo eh ”

Habang nagkaklase kami, napansin ko na hindi mapakali sa pwesto niya si Christian. Ano naman kayang problema nun? Bakit parang nagmamadaling may gustong sabihin sa akin?? Weird aa. Atsaka, paano naman kaya niya nakilala si Kevin??

Christian’s POV

Shet naman, hindi na ako makapag-antay ng uwian eh. Kailangan ko na talagang warningan si Kim tungkol kay Kevin. Arrgg. Hindi ko na talaga matiis. Di na ako mapakali dito sa pwesto ko oh! Haay. Bahala na nga. Hindi na ako makapag focus sa tinuturo ni Ma’am.

“ Christian, answer this ” hala, ano ba naman yan, hindi pa naman ako nakinig kay Ma’am nung nagtuturo siya

“ Ah eh, yes Ma’am ”

Lumapit na ako sa board tapos binasa yung problem. Halaaaa, di ko gets. Eto yung problem oh : If 4x is equal to 24 what is the value of x? ( A/N : Kunwari lang na mahirap yan HAHA Tinatamad at wala akong maisip na mahirap na problem eh HAHAHA xD ) Uhm, paano nga ba to gawin??

“ Mr. Xing, anong nangyayari sayo? Bakit nangangamote ka sa Math ngayon. Hala sige, umupo ka na. Rylee, ikaw na lang ang sumagot nito para sa kanya ” pinaupo na ako ni Mam at tinawag si Rylee para sagutin yung nasa board. Ano ba naman yan, nakakahiya naman di ko nasagot yun =_=

“ Christian, bakit ba kasi hindi ka nakikinig? Hindi ka pa mapakali jan sa upuan mo. Ayan tuloy. ”

“ Ah eh Kim, may sasabihin kasi ako sayo eh. Di ko na talaga maantay yung uwian. ”

“ Ano ba kasi yan at taeng tae na sabihin sa akin yan?? ”

“ Yung tungkol kasi kay Kevin, alam mo hindi mo kasi siya dapat – ”

“ Mr. Xing! Hindi ka na nga nakikinig sa lesson ko, ginugulo mo pa yung seatmate mo jan, get out! ” uh-oh. Napalabas nanaman ako ng classroom. Haaay. Nagulat tuloy lahat ng classmate namin at nagtinginan sa akin. Makalabas na nga

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon