Chapter 19 : Unknown Number

149 4 0
                                    

Chapter 19 : Unknown Number

Christian’s POV

Pagkaakyat ni Kim sa stage, nakita ko siyang kinakabahan. Nakita ko rin siyang tignan lahat ng tao na nanunuod sa kanya. At napansin ko din na medyo nalungkot yung mukha niya kasi nakita niya yung mga classmates namin na naka Boo sign. Kaya nung napatingin siya sa akin. Nginitian ko siya. Baka kasi makatulong yun. At tama naman dahil after niyang makitang ngumiti ako, ngumiti din siya at mukhang bumalik na rin ang confidence niya.

After nung audition, umalis na ako kaagad. Last day na kasi bukas ng submission para sa mga gustong mag student council eh. Hindi pa ako nakakagawa ng ipapasa ko. Pagsakay ko sa kotse, biglang tumunog yung phone ko. Pag tingin ko, may nagtext sa akin kaso nga lang unknown number siya. Hmm, sino naman kaya to??

From : Unknown Number

Christian Xing. Kamusta na??

 To : Unknown Number

Sino ka? San mo nakuha number ko?

Maya maya nag reply na rin siya

From : Unknown Number

Well, secret ko na yun. Gusto lang sana kitang pagsabihan about kay Kimberley Arganio

To : Unknown Number

Huh! Anong ibig mong sabihin? Sino ka ba?

Ano naman kayang balak niya kay Kim?? Don’t tell me, stalker to ni Kim tapos tinetext ako para makakuha ng information??

From : Unknown Number

Wala lang. I heard, special siyang babae sayo pero tinatago mo yung feelings mo diba?

To : Unknown Number

Hindi ka lang epal, chismoso ka pa! Ano bang nalalaman mo ha!

From : Unknown Number

Anong alam ko?? Alam ko lang naman kung paano maghiganti sa mga ginawa sa akin ng mga nag-iidolize sayo sa school. At alam ko na din kung sino yung gagamitin kong tao para makapag higanti sayo. Kaya watch out! >;)

To : Unknown Number

Hoy! Di kita kilalang walang hiya ka! At kung balak mong maghiganti, gawin mo yun sa mga nagloko sayo! Wag sa mga taong importante sa akin!

From : Unknown Number

Mukhang galit na galit ka ah! Tama nga yung napili kong tao. Goodluck bro!

To : Unknown Number

Hoy! Magpakilala ka sa akin wag kang duwag

To : Unknown Number

Hoy ano ba!!

To : Unknown Number

Mag reply ka nga!! HOY!

“ Ugh!!! ” bwiset! Sino ba yung mokong na yun??!! Mapapahamak nanaman si Kim ng dahil sa akin??!!

Kim’s POV

Nandito na ako ngayon sa bahay. Haaay. Nakakapagod na araw. Pag ako kasi kumakanta sa harap ng tao. Sobrang nate-tense ako kaya after an hour, inaantok na ako. Ewan ko ba, ganun nalang yung ugali ko e. Weird no?? Hahaha

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon