Chapter 27 : Kevin's Conscience

150 5 3
                                    

Chapter 27 : Kevin’s Conscience

 

 

 

Kevin’s POV

 

 

 

Pagkatapos kong ilagay yung letter sa lap ni Kim, umalis na rin ako kaagad. Syempre hindi naman ako tanga para magpahuli sa pulis no! Ewan ko ba, bigla kasi akong tumiklop sa masama kong plano eh. Parang hindi ko na kayang gawin yung ganung bagay lalo na kung kay Kim pa. Don’t get me wrong ah. I don’t have any special feelings for Kim. Sadyang, inatake lang ako ng konsensya ko na hindi ko dapat gawin yun sa isang taong naging mabait sa akin. Atsaka tinamaan kasi talaga ako dun sa sinabi niya eh. Ayokong maging ako yung mga taong kinagagalitan ko dati.

“ pag gumanti ka, parang yung mga kinagagalitan mong tao ay nagiging ikaw na rin. ”

 

 

 

Haaay. Siguro nagtataka kayo kung bakit tinuloy ko pa yung pagkidnap sa kanya tapos iniwanan ko lang siya dun. Kilala ko kasi yung mga inutusan ko na kunin si Kim. Pag hindi ko tinuloy yun, at sinabi ko sa kanilang tumiklop na ako. Mas lalo lang nilang guguluhin si Kim. Kaya hinayaan ko nalang sila na ituloy yung plano atleast hindi na dadagdag kasalanan ko kay Kim diba.

 

 

 

Malaki din ang kasalanan ko kay Christian. Sa laki nga ng kasalanan ko sa kanila, hindi ko na kayang humingi ng tawad sa kanila ng harap harapan. Kaya nga gumawa nalang ako ng sulat para sa kanilang dalawa..

Dear Kim and Christian,

 

       Una sa lahat. Sorry. Sorry sa ginawa kong pagpapaaway sa inyong dalawa. Sorry kung nagkaron kayo ng inisan sa isa’t isa ng dahil sa akin. Sorry talaga. Sayo Christian, sorry kung nagalit ako sa yo kahit na hindi naman talaga ikaw yung may kagagawan ng lahat ng pambubullyng naranasan ko. Sorry din dahil ginamit ko pa si Kim para maghiganti sayo. Sorry. Para naman sayo Kim, sorry sorry ng marami. Kasi, pinadanas ko sayo yung mga naranasan ko nung binubully ako dati.. Oo, tama yung nabasa mo, ako lahat may kagagawan nun. Well, yung sa red paint lang naman yung hindi ako ang may kagagawan nun. Narinig ko lang naman yung plano ng mga kaklase mo habang bumibili ako nun ng pagkain sa cafeteria.. Yung sa pool incident, inutusan ko yung Isa mong kaklase para gawin yun. Pumayag naman sila agad kasi nga galit sila sayo nun. Yung sa stock room ako din may gawa. Sorry ah. Pinaniwala kita na ako yung ‘Guardian Angel’ mo pero ang totoo ako yung Enemy in Disguise mo. Sorry talaga. Alam kong hindi enough yung madaming sorry pero yun lang naman yung magagawa ko ngayon diba? Siguro pag nabasa mo to, puro galit ang mararamdaman mo pero sana dumating yung panahon na mapatawad ninyo ako.. Wag kayong mag-alala, hindi ko na kayo guguluhin kasi pupunta na akong France. Sorry….

 

 

-          Kevin Uy

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon