Chapter 45 : 5th Step

53 4 1
                                    

Chapter 45 : 5th Step

Kim's POV

' Kim, bakit di ka sumama sa Party ng Volleyball Team kagabi? '

' Napagod ako e. Nagpaalam naman ako kay Coach kaya okay lang. '

' Sayang din yun ah! Pero, galing niyo nung laban. Ngayon pa lang ata nanalo Volleyball Team e. '

' Daniel, diba parang bago mag freethrow si Christian, tie pa yung score namin? '

' Nakatulala ka kasi sa kung san e. Naka score yung isa mong team mate. 1pt. '

Nandito lang ako ngayon sa bahay, nagpapahinga. Hindi na kami required pumasok kahapon. Pahinga na daw kasi ng mga players yun.

Last day na ngayon ng Foundation Month. Mamaya na ako papasok pag concert na. Hindi naman ako mahilig sa mga rides e.

-

Nandito ako ngayon sa Mall, nag-iikot ikot. Wala lang. Wala akong magawa sa bahay e. Atsaka, para didiretso na lang din ako sa School maya maya.

' Hi Kim '

' Mam Abi, kayo po pala. '

' Alone? '

' Opo. '

' Tara, kain tayo. Treat kita ;) '

Hinila ako ni Mam Abi sa isang resto. Di ko na napansin kasi dirediretso siya manghila e. Teka, kelan pa kami naging close?

' Wag mo na akong tawaging Mam. Kahit Abigail nalang or Ate. '

Tahimik lang ako sa upuan habang inaantay siyang matapos umorder. Medyo awkward talaga yung atmosphere dito. Kasi naman diba? Galit na galit siya sa akin dati, tapos ngayon bigla niya akong ililibre.

' Wala kang pasok? Foundation Month ngayon diba? '

' Mamaya pa ako papasok. Pag concert na. Hindi ko kasi medyo trip yung mga rides. '

' May fear of heights ka kasi diba? '

' Po, pano niyo po nalaman? '

Bata pa lang ako, takot na ako sa matataas na lugar. Minsan, hindi ko napapansin yung takot ko. Pero pag ako lang mag-isa, mabilis akong malulula.

' Wala. Hula lang yun. Hehe. '

Dumating na yung order niya. Namin. Ewan. Basta dumating na yung pagkain :)) Tahimik lang kaming kumain na parang hindi magkakilala.

Pagkatapos naming kumain, dinala naman niya ako sa Parlor. Mukhang alam ko na gagawin sakin neto. Ganto rin ginawa sa akin ni Daniel dati e. Bagay talaga silang dalawa.

' Tara Kim, pa hot oil tayo. Treat ko. ;) '

At syempre, dahil wala naman akong magagawa sa kanya, nagpahila nalang ako at umupo na sa upuan. Bahala na sila kung anong chenes gagawin nila sa buhok ko.

Pagkatapos ng mahigit 2 hours. Natapos na rin yung ritwal na ginagawa sakin ng babae. Akala ko ba hot oil lang? Bakit nagkaron na rin ng kulay yung buhok ko?

' Thanks po. Ate Abi. '

' Sure. Sige ah? Una na ako. May pupuntahan pa kasi ako e. '

Buti nalang medyo maaga pa. Aabot pa ako sa Concert. Nagtaxi na lang ako papunta sa school para mabilis.

Beep Beep

From : Christian

' Kim. Asan ka? Usap tayo, puntahan mo ako dito sa may ferris wheel ride. '

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon