Continuation of previous part

149 4 1
                                    

Continuation………

Haaay, kahit naman ata anong tanggi ko dito, di pa rin ako lulibayan neto. Papayag na nga lang akoo. -,- Hindi naman sa ayaw ko siyang makasama ah! Hindi ko lang talaga maintindihan kung anong nangyayari sa puso ko. Hindi normal yung heartbeat eh

“ Oo na oo na. Sasama na ako. Kahit kelan ang kulit mo parin! :p ”

“ Hahahaha. Teka nga pala, bakit ba parang ang sungit sungit mo? Meron ka ba ngayon? ”

Hinampas ko siya sa braso. Yung malakas na malakas! “ Adik ka ba! Wala noh! Hmp! ”

“ Sure ka ba?? Kasi naman yung Kim na andun sa probinsya ang hinhin eh :P ”

“ May gusto na ata kasi ako sayo ngayon! ” ay nakngtokwa! Bakit ko sinabi yuuuun?? Ayan tuloy ngumisi tong mokong to.

“ May gusto ka na sa akin?? Ikaw ha :> ”

“ Oo. May gusto. May gustong gawin. Gustong patayin! Kaya umayos ayos ka kung ayaw mong mamatay ng di oras dito ” Mukha namang gumana yung plano ko kasi nawala bigla yung ngiti niya. Haaay. Buti naman!

Sa Canteen

“ Guys tignan mo yung new student na yun oh! Kasama si Christian. Bakit kaya? Diba dati pag recess at lunch laging nasa park si Christian? ”

“ Oo nga eh. Atsaka alam mo ba kanina daw sa classroom nila, mukhang nagkakilala na daw sila dati pa habang wala pang pasok ”

“ Grabe. Leech siya agad ah! ”

“ Tama ka jan friend ”

Dapat pala di nalang talaga ako umalis ng room eh. Peste, alam niyo yung feeling na pagkapasok na pagkapasok palang namin ng Canteen yan na agad yung naririnig ko. Uggh! Nakakawalang gana kumain =_=

“ Uhm Christian, sa room nalang talaga ako kakain. Ayoko dito ”

“ Ha bakit?? ”

“ Basta ayoko dito kumain. Kung gusto mong sumunod sa akin. Bahala ka na ”

Tumayo na ako para umalis, kaso nga lang pagtalikod ko bigla akong natapunan ng Orange Juice ng isang babaeng mukhang maldita.

“ Uhm, Sorry Miss. Nakaharang ka kasi sa daanan eh. Baka gusto mong tumabi?? ”

Papatulan ko sana kaso naalala ko nab ago nga lang pala akong studyante dito at ayaw kong sirain ang pangalan ko sa unang araw palang ng pasukan. Chill Kimmy. Kaya mo yan

“ Sorry po ”

“ Yeah fine. Whatever. ”

Umakyat na ako ng room naming at kumuha ng extrang damit. Buti nalang may dala akong damit dito. T-shirt lang papalitan ko kasi di naman masyadong natapunan yung palda ko. Atsaka buti nalang yung damit na binili ni Daniel ang dala ko kundi baka alipustahin nanaman ako dito. Habang umaakyat nga ako, pinagtitinginan ako ng mga tao eh. Hay bahala sila sa buhay nila. Pagkatapos kong mag bihis. Sakto naman na nag bell na kaya tahimik nalang akong bumalik ng classroom.

“ Class kagaya nga ng sinabi ko ngayon kayo pipili ng clubs/ organization na sasalihan niyo. Well, minimum ng pwede niyong salihang club is 1 pero ang maximum 3. Pero bago kayo pumili ng clubs mag bobotohan muna tayo sa Class Officers. ”

“ Ma’am si Christian nalang ulit President ” nagstart na silang magbotohan at ako, eto walang pakielam. Hanggang sa natapos yung botohan wala akong kamalay malay. Di ko tuloy narinig na ako pala yung Vice President. Si Christian kasi pumili sa akin. Haay, dagdag chismis nanaman to.

“ Okay class, ito na yung mga clubs na pwede niyong salihan. Para sa mga sports club ( Volleyball, Basketball, Swimming, Badminton, Tennis, Table Tennis ) ilista niyo lang ang panga;an niyo dito tapos may mga tryouts kayo next month. Sa mga Entertainment Clubs naman ( Dance, Theater, Glee ) may audition kayo next week. At kung sino naman yung mga gusto mag-apply sa student council magpasa nalang kayo ng papers sa office ng student council. So yun lang, maglista na kayo and pwede na kayong makauwi :) ”

Pumila na lahat ng classmates ko, pero dahil nga wala ako sa mood. Nagpahuli nalang ako. Pagpunta ko sa listahan Volleyball Club nalang at Glee Club ang available. Inilista ko na dapat yung pangalan ko sa Glee club at paalis na rin kaso bigla akong tinawag ni Ma’am

Miss Kim. Balita ko scholar ka dito at running for Valedictorian ka. So kung ako ikaw, iregister mo ang name mo pati sa Volleyball club at sumali ka na rin sa Student Council para mas malaki chance mo makuha ang pagiging valedictorian. ”

At dahil sinabi na ni Ma’am yun, nilista ko nalang din yung pangalan ko. Magaling din naman ako mag volleyball kaya wala akon problema dun. Palabas na ako ng room kaso bigla akong nagulat kasi inaantay pala ako ni Christian

“ Sabay na tayo umuwi. San ka ba nakatira? Hatid na kita ” :)

“ Ah eh. May susundo sa akin kaya wag ka na mag-abala ”

“ Dali na kasi. Pleaaase ”

“ Pwede ba Christian? Layuan mo nalang muna ako! Alam mo bang first day ko palang naiintriga na ako dahil sayo!? Layuan mo nga muna ako! Pwede!?! ”

Mukha namang nagulat siya sa sinabi ko kaya umalis nalang siya at naiwan akong pinagtitinginan ng mga ibang studyante.

Naglakad na ako palabas ng school na tulala. Alam kong di ko dapat ginawa yun, kaso ngalang bigla akong napikon eh. Haay. Yung nag-iisa kong kaibigan dito. Mukhang nawala pa. Hay, tinawagan ko na si Kuya para sunduin ako pero bago ako sumakay ng sasakyan nakita kong nakatingin sa akin si Christian kaya nginitian ko siya dahil umasa ako nab aka sakaling ngitian niya din ako. Pero tinitigan niya lang ako at lumabas na rin ng school. Sumakay na rin siya sa sasakyan niya kaya sumakay na rin ako. Haaay. Kim. Ano bang ginawa mo?? T^T =_=

A/N : Eto na po ang UD!! Bukas na lang ulit :DD

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon