Chapter 24 : Mystery Guy Revealed
Kim’s POV
Haaaay, nakakapagod na araw. Siguro kung di nasira yung café na naisip namin, hindi kami masyadong nahirapan at napagod. Sino kaya yung nag sabotage nun?? -_-
From : Unknown Number
Kim, musta Café niyo??
To : Unknown Number
Wala eh. May nanira habang wala pa kami sa school. Kaya nag iba kami ng booth
From : Unknown Number
Aww. Sayang naman. Dibale, may good news ako sayo ah! ;)
To : Unknown Number
Anuyon? :)
From : Unknown Number
Magpapakilala na ako sayo bukas :D
To : Unknown Number
Oh talaga??Good news nga yan! Sige sige, san ba? :D
From : Unknown Number
Basta te-text nalang kita bukas ;)
To : Unknown Number
Sige sige. Bukas nalang! Tulog na ako :)
Haaay, buti naman magpapakilala na tong si Mystery Guy, makakapagpasalamat na ako sa kanya sa personal :)
Lunch
“ Kim, sabay na tayo mag lunch ” lagi na akong niyaya ni Christian na sabay kaming kumain tuwing recess at lunch simula nung nagkabati kami. Atsaka, kahit na medyo may naririnig pa rin kaming bulungan, hinahayaan na lang namin kasi ayaw na naming mag away ulit.
“ Sige sige. Wait lang ah, aayusin ko lang gamit ko :) ”
Beep Beep
“ Kim, may nagtext ata sayo ”
“ Oh? Wait lang babasahin ko. ”
From : Unknown Number
Kim, sabay tayong mag lunch ngayon. Kita tayo sa may park banda. :)
Ay, ngayon na pala kami magkikita ni Mystery Guy. Di naman siguro magagalit si Christian kung di muna ako sasabay sa kanya diba??
“ Christian, uhm di muna ako sasabay sayo mag lunch sayo ngayon ah. ”
“ Ha? Eh, bakit naman? ”
“ May kikitain kasi ako ngayong kaibigan eh. Pwede ba? ”
“ Sus, yun lang naman pala eh. Akala ko naman dahil may naririnig ka nanamang chismis. Sige sige ”
“ Salamat :D ”
Naglakad na ako papuntang park. Medyo kinakabahan nga ako eh, di ko alam kung bakit. Parang kasing may nagsasabi sa akin na wag ko nalang siyang kitain yung parang ganun. Kaso, bakit naman ako kakabahan sa kanya eh ang bait bait nun sa akin. Ilang beses na nga niyang niligtas yung buhay ko dito eh. :) Pagdating ko sa park, di ko naman alam kung asan siya dun. Kaya umupo nalang muna ako sa isang swing dun
“ Sino naman kaya sa kanila si Mystery Guy?? ”
“ Andito ako oh! ”
BINABASA MO ANG
My Long Lost Bestfriend?
HumorLahat naman siguro ng tao, may maituturing na bestfriend. Kasama mo sa mga kakulitan. Kalokohan at kaharutan. Pero pano kung bigla siyang kinuha ni Tadhana? At paano kung kahit ilang beses mo na siyang kalimutan, di mo magawa. Kasi, narealize mo na...