Chapter 26 : Kidnappers

141 4 1
                                    

Chapter 26 : Kidnappers

Kim’s POV

Nagulat ako sa ginawang pag yakap sa akin ni Kevin, pero mas nagulat naman ako sa inasal ni Christian sa kanya. Hindi naman kasi tama yung mga pinaggagawa ni Christian tungkol kay Kevin, sinisiraan na nga niya, sinuntok pa niya. Haay, hindi ko muna papansinin si Christian ngayon, dapat lang na maintindihan niya na mali yung ginagawa niya no!

To : Kevin Uy

Pssst! Sabay tayo mag recess?? :)

“ Uhm Kim, sorry sa inasal ko kahapon ”

“ Christian, wag ka sa akin mag-sorry. Kay Kevin, kasi siya yung ginawan mo ng masama ”

“ Pero Kim, maniwala ka may gagawin din siyang masama sayo ! ”

Beep Beep

From : Kevin Uy

Sige sige. Bili na muna ako ng pagkain natin. Punta ka nalang sa may park. :D

“ Kung ayaw mong mag-sorry, bahala ka nalang. Pero hindi muna ako sasama sayo. Key Kevin muna ako sasabay nang makabawi naman ako sa kasalanang ginawa mo sa kanya ”

Iniwanan ko na si Christian dun na nakatayo, ewan ko ba! Nung sinabi niya yung tungkol kay Kevin nung isang araw, parang gusto kong maniwala sa kanya. Pero, nung sinuntok naman niya si Kevin kahapon, bigla akong nainis sa kanya. Bakit? Siya lang ba pwede kong gawing kaibigan ?? Hindi naman ah! Nakakainis! >.<

“ Huy Kim!! ” ay takte! Di ko napansin, kanina pa  pala ako nandito sa park. Natutulala ako sa iniisip ko eh!

“ Sorry Kevin, may iniisip lang hehe, kanina ka pa nandito?? ”

“ Di naman masyado. Kakadating ko lang din naman nung nakita kitang tulalang naglalakad. Sino bang iniisip mo?? ”

“ Grabe? Kailangan sino agad?? Di ba pwedeng  ‘ano’ muna?? ”

“ Eh kasi naman po, halatang halata na si Christian yung iniisip mo. Type mo siya noh?? Ayieeeeee ”

“ Grabe? Paano mo naman nasabi?? ”

“ Na feel ko lang. HAHA. Amin na kasi eh! ”

“ Well, oo. Aaminin ko, gusto ko siya. Pag kasama ko siya, Masaya ako. Kahit wala naman kaming ginagawang anything sweet, natutuwa pa rin ako. Ewan ko ba! Kaso nga lang, nung nakita ko yung inasal niya sayo. Parang nainis ako sayo bigla  =_= ”

“ Ganun din naman siya sayo eh. Gusto ka rin niya, kaya nga siya nag selos sa atin kahapon eh. Kasi gusto ka niya ”

“ Pero kahit na! Di pa rin tama yung ginawa niya na yun. Di lang naman siya yung pwede kong maging kaibigan noh!! ”

“ Oh, Chill lang Kim. Baka sumabog ka jan eh HAHAHA. Oh ito na, kainin mo na tong burger baka mamaya lumamig na yan xD ”

Kumain na kami ni Kevin after naming mag kwentuhan, hay dati si Christian kasama ko dito pero ngayon iba na kasama ko. Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay. Nakakatamad kumain pag ganito

“ Huy Kim. Bell na, hindi mo pa rin tapos kainin yang burger mo. Hahahaha, tama na kasi ang kakaisip kay Christian ee xD ”

“ Dapat di ko nalang sinabi sayo eh!! Asar ka tuloy ng asar. -,- ”

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon