Chapter 42 : Foundation Month ( First Week )

71 4 0
                                    

Chapter 42 : Foundation Month ( First Week )

Kim's POV

Day 1

' Goodmorning Kim. Kanina ka pa ba natutulog dito? Malapit na magstart yung Opening Ceremonies. '

' Ay oo. Nakatulog ata ako dahil sa pagod. '

' Bakit? Ano bang pinaggagagawa mo kahapon? '

' Swimming. '

' Kaya ka pala umitim ng onti e. '

' Aminin mo nga sakin Jeff, sobrang itim ko na ba? '

' Kim, sabi ko naman diba? Onti lang. Tara na. Baka malate tayo. '

Buti nalang ginising ako ni Jeff. Dahil kung hindi, hindi ako makakaabot sa Speech ng President. Considered as cutting kasi yung absence sa mga school activities without any excuse.

' Goodmorning Students. Let's bow our heads for the Opening Prayer. '

Himala, hindi ko pa nakikita yung lalaking yun.

' Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan '

Baka naman late yun? Onga pala. Laging late yun.

' Kim. May dala kang camera jan? '

' Wala e. Bakit? '

' Baliw ka ba? Diba ikaw yung assigned person sa photography? Atsaka diba kailangan mo ring gawan ng article yung tungkol dito? '

' Hala oo nga pala! Nakalimutan ko sorry. Aakyat muna ako sa room ng Student Council. '

Tumakbo nalang ako para mabilis akong makarating dun. Buti nalang walang nakapansin sakin. Imaginin mo, tatakbo ako habang pinapatugtog yung National Hymn. How rude.

Pagkaakyat ko, dumiretso na ako agad. Di na ako kumatok, wala naman sigurong tao dito. Ang alam ko dapat lahat nasa baba e.

' Aray ! '

Huh? Sino naman yun? Hindi naman pwedeng pumasok dito yung mga students na di member ng SC ah?

Baka naman guni-guni ko lang? Teka, may guni-guni bang malakas? Haynako. Nagmamadali ako diba, bakit pa ako tumatambay dito?

Kinuha ko na yung Camera Bag at nagmamadali ng lumabas. Kaso ngalang, nakalimutan kong isara kaya bumalik ako agad. Sana pala di na ako bumalik.

' Christian?! '

' Ah. Kim, ikaw pala. Kanina ka pa ba nandyan? Bakit nandito ka sa taas? Diba dapat nasa baba ka? '

' Ikaw, bakit nandito ka? '

' Sino ba yang abala na yan? '

Parehas naman kaming napatingin sa babae na biglang lumabas sa ilalim ng lamesa na pinaglabasan din ni Christian. Nanlaki naman lalo yung mata ko dahil nakita kong naka unbutton yung blouse nung babae.

' Ah eh. Kailangan na ako sa baba. Babye! '

Mas mabilis na akong tumakbo ngayon, feeling ko may pumapalo sa pwet ko kaya ang bilis kong tumakbo. Pero syempre, ilusyon ko lang yun no!

Kaya pala wala sya sa baba. Busy pala sya sa business nila nung babaeng yun. Seriously? Di ko alam na ganun pala sya! Ughhhh.

' Oh Kim? Bakit pawis na pawis ka? '

' Nag-exercise ako. Gamit ko hagdan. '

' Bakit ka nag hagdan, e diba may elevator naman? '

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon