Chapter 30 : True Colors
Abigail’s POV
Hay nakoo. After ilang years, nagkaron na ako ulit ng POV. Eto kasing author na to, ang tamad mag-update. Tapos kung gagawa ng panibagong chapter, naka-focus lang sa bida. Hindi man lang bigyan ng pansin yung kontrabida! Ano pang silbi ko diba??!! Anywaaay, tama na ang pagstress sa sarili, baka masira ang beauty ko.
Saturday ngayon, so ibig sabihin, makikita ko nanaman yung pagmumukha nung kinaiinisan kong kasambahay. Kim ata pangalan. Ewan ko ba, unang kita ko pa lang sa kanya, ang init na agad ng dugo ko. Well, hindi nyo ako masisisi. Mainit talaga ang dugo ko sa mga PANGET!
Knocks Knocks
“ Come in. ” Aba! Speaking of the ugly creature. Nasira ang araw ko -_-“
“ Ma’am, ready na po ang breakfast :) ”
“ Okay. Pwede ka ng umalis. Chupii ”
“ Ngayon na po Ma’am? ”
“ Aba, malamang! Alangan naman bukas ka pa lumabas ng kwarto ko? Nag-iisip ka ba? ” yan ang problema pag hindi nasasala ang applicants eh. Ang tatanga!
“ Sorry po Ma’am :) ”
“ Diba, sinabi ko naman na sayo, na AYAW.KONG.NAKAKARINIG.NG.SORRY?! Atsaka, wag mo nga akong nginingitian. Naaalala ko si Barney. ”
“ Sige po ma’am. Lalabas na po ako. ”
Sakit sa ulooo. Ang aga aga iniinis ako. Aalis na nga lang ako, hindi ko na kayang mag-stay dito sa bahay. Feeling ko nasa Zoo ako. Andaming hayop.
“ Ano kayang susuotin ko? Hmmm ” mahirap din pala pag madaming damit. Hindi ko na alam susuot ko. Ahh, etong pink dress nalang. Aayain ko nalang kumain si Daniel sa labas. Hindi naman ako matatanggihan nun eh.
Puntahan ko kaya muna si Daddy sa office nya? Parang gusto ko kasing magpa-party next week. Ahh, oo sige. Puntahan ko muna.
“ Ma’am, hindi po kayo kakain ng breakfast? ” Ugh. Si Ugly Creature again
“ Uhm, hindi na. Nawalan ako ng gana. Nakita kasi kita. ”
-
“ Hello Dad? Pupunta po sana ako jan. May meetings ka po ba this day? ”
“ Wala naman. On the way ka na ba? ”
“ Yes Dad, pero may dadaanan pa po muna ako ”
“ Ah okay sige. ”
Dadaan muna ako sa Resto nila Chelsie. I’m hungry. Nakakainis lang kasi yung Kim na yun eh. I lost my appetite because of her -_-“
“ Ma’am, bakit po ba ang init ng ulo mo kay Kim? ” aba! Ang lakas ng loob magtanong nitong Driver ko ah.
“ Wala ka nang paki dun. Ayaw ko sa kanya. That’s it. ”
“ Eh bakit—”
“ Isa pang tanong, I’ll fire you. ”
“ Sorry po. ”
“ APOLOGY. NOT.ACCEPTED. So please, SHUT UP? ” Ano bang meron ngayon sa araw na to? Umagang umaga, ang pangit na. Tawagan ko na nga lang si Chelsie.
BINABASA MO ANG
My Long Lost Bestfriend?
ЮморLahat naman siguro ng tao, may maituturing na bestfriend. Kasama mo sa mga kakulitan. Kalokohan at kaharutan. Pero pano kung bigla siyang kinuha ni Tadhana? At paano kung kahit ilang beses mo na siyang kalimutan, di mo magawa. Kasi, narealize mo na...